[Kiara] "Mi, mabait po ba si Lola? Love niya po kaya ako katulad ni Daddy?" Magkasunod na tanong ni Kian sa kanya. Natigilan siya sa tanong ng anak. Ngayon araw ay susunduin sila ni Grant para pormal na ipakilala ang anak niya sa ina nitong si Graciela. Gusto ni Grant na makilala ng Mama nito ang anak niya dahil para sa binata ay tunay na anak na nito ang anak niyang si Kian. Masaya siya sa pagmamahal na binibigay ni Grant sa anak niya. Pero hindi niya masisiguro kung pagtanggap ba ang gagawin ng ina nito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago lumuhod sa harapan ng anak niya. "Wag kang mag alala, baby. Sigurado ako na magugustuhan ka niya dahil isa kang mabait na bata. Saka ang cute-cute mo kaya mas lalo ka niyang magugustuhan." Sabi niya pa at saka pinisil-pisi

