[Someone] KANINA pa nakatingin si Graciela sa anak ni Kiara na si Kian. Narito sila ngayon at kumakain sa malawak na dining hall ng mansion. Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita ng kanyang mata. Kamukhang-kamukha 'to ni Grant noong bata pa ito. Biglang sumagi sa isip ni Graciela ang sinabi ng kanyang kapatid na si Paul tungkol sa haka-haka noon na pagkakaroon ng relasyon ni Kiara at ng kanyang anak. Impossible! Kailanman ay hindi maglilihim ang kanyang anak. Hindi dapat siya magpadala sa kanyang nakikita! Sigurado na nagkataon lang ang bagay na 'to. Kapag lumambot ang puso niya sa batang 'to ay sigurado na matutuwa ang ina nitong si Kiara. Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi ni Graciela. 'Di bale, malapit na rin namang mawala ang disgrasyadang babaeng 'to sa buhay ng kanyang anak n

