Sana all my Goblin
"Oh Tin!, di kapa uuwi?", tanong ni maam. Umiling ako
"Umuulan pa po kasi ma'am hehe."
"Oh..wala kang payong?? Tara sumabay kana sakin"
Sasagot na sana ako kay maam pero nagsi daanan ang STEM section ng crush ko tas andun sya kaya umusog ako ng konti papasok sa loob ng room.
"Nako hindi na po ma'am hanggang pa sakayan po ako eh. Tsaka may tatapusin pa po ako?"
"Sigurado ka?? Sige, ilock mo nalang yung room,make sure na nakasara yung ilaw bago ka umalis, tsaka wag kang magpapagabi! Madilim pa ata titila yan" ani pa ni ma'am habang naglalakad paalis.
"Ayus lang po ma'amm.. Bye poo"
Phew. Kung di kaba naman kase tanga para iwan payong mo.
5;10. May tinatapos akong art work kaya nagpaiwan nalang ako dito sa room, dko naman alam na uulan kaya pinauna ko na sila.
5;50 medyo dumidilim na nga o makulimlim lang talaga yung langit kasi umuulan? Niligpit ko na yung mga gamit ko saka lumabas na ng room kase medyo nakicreepy'han na ako dun sa loob. Nilock ko yung pinto tas umalis na.
Nagulat ako nang mapansin ko si Adhy na nakaupo sa may hagdan.
*dug dug dug dug* Kinakabahan ako na nagpatuloy nalang sa paglakad pero sakto nung pagdaan ko sakanya eh tumingala sya kaya ewan ko kung anong itsura ko nun kaya nagmadali nalang ako, pag dating ko sa baba huminto ako tas tumitig nalang sa labas,hindi pwedeng suungin ko nalang to, mapapagalitam ako.
Nagulat ako nang maya maya ay napansin kong mau tumabi sakin,mga 2-3 steps away. Bumaba narin pala sya. Ngayon pareho kaming nag'aantay na tumila ang ulan. Nakatingin lang kami sa labas. Tingin ko may mga tao pa naman sa ibang room pero kokonti nalang. I wonder kung ba't nandito pa sya? Wala rin ba tong payong? Ba't di sya nakisuno sa mga kaklase nya? Namalayan ko nalang na nakatingin na pala ako sakanya omg. Ang gwapo rin talaga haha. Nang bigla syang tumingin rin kaya iiwas sana ako agad ng tingin kaso nakangiti sya kaya mas napako tuloy ang paningin ko sa mukha nya.
"Look." Sabay turo nya sa isang payong na nakasandal sa labas ng bodega. Medyo kuminang yung mata ko. "Sa janitor ata yan, pwede naman sigurong hiramin?"
"u-uh,di kaya hanapin?", anak ng Ampupu! Naguusap ba talaga kami??
"Kesa naman magpaulan 'ka' pauwi, haha."
*gulped* anong sabi nya?
"Kilala mo'ko?" Out of the blue kong tanong. Nahimasmasan lang ako nung parang di nya alam ang isasagot kaya halos mapalo ko nalang yung bibig ko para tumahimik. Ano ba naman.
In the end umiling sya.
"Pero yung pinsan mo nakikwento ka sakin." casual nyang sabi.
"ANO?!" Hysterical kong tanong. Tumango sya.
So alam nyang crush ko sya??! Potanginang Aria papatayin kitaa!!
"A-ahh..haha g-ganun ba. Ganun..?" I murmured my last word, then I noticed na kinuha nya na pala yung payong tas binuksan yun.
"Tara." Sabi nya. Ano to? S-suno kami sa isang payong?? Ako,sya? Kami? payong? SUNO KAMI???
nagtataka syang tumingin sakin kasi hindi talaga ako gumalaw sa pwesto ko. Tapos nakangiti nyang inabot sakin yung payong "Haha ikaw nalang pala. Sige na, kunin mo na.",
'mabait ba sya sakin kasi naappreciate nya ako as taong inaadmire sya? Hindi nya naman siguro ako dapat ireject sa gantong paraan kase kinikilig parin kase ako diba?'
"Eh ikaw?" Tanong ko. "Mm..tatakbo?" ,sagot nya
"Hah??" Tatakbo? As in, run?
"Dali na, dumidilim na, babae ka pa naman."
(Umiling ako kaagad)
"Hindi ka babae?" Natatawa nya pang sabi,
"H-hindi.. I mean, s-sumabay kana. *kinuha ko yung payong* Tara, p-po."
Tas ang weird lang kase nagpipigil sya ng ngiti. Para tuloy syang kinikilig na ewan o ako lang talaga nagiisip nun kase ako talaga tong kinikilig ngayon?
Nung una, ako yung may hawak ng payong pero mamaya maya ay kinuha nya sakin yun tas sya na ang nagdala. Mas matangkad kasi sya sakin,nahiya tuloy ako kasi baka hindi ko sya napapayungan ng maayos kaya ganun.
Tahimik lang kaming naglalakad papuntang sakayan not until dumaan kami sa isang sari sari's store tas may mga eatudyante rin palang nagpapatila ng ulan duon. Tas pagkakita samin eh nagbulungan yung iba tas maya maya pa-------"SANA ALL." "SANA ALL MAY GOBLINN!" "GUSTO KO RIN NG GOBLIN TAE!"
Nababaliw na ba mga tao ngayon? Nilingon ko nga, tas nung narealize ko na kami pala talaga yung pinaparinggan nila eh nag'init yung mukha ko sa hiya. Nakakahiya kay Adhy. Na-issue pa tuloy, mga walangyang juniors na yun.
"Uh.. Ba't pala magisa ka lang duon? Sa room nyo", bigla nyang tanong. Buti nalang hindi ako bingi.
"Ah, may tinapos lang po." Sagot ko tas parang may napansin ako sa labas ng madadaanan naming lugawan sa di kalayuan. Mga kaibigan nya yun diba? Yung iba nakahawak pa sa tyan like busog na busog sila tas nagsitinginan sila samin, tapos tinuro kami.
"Si Adhy yun diba?"
Napansin rin ata ni adhy yun, kaso di ko magets kung bakit kelangan nya pang iginilid yung payong tas hinila ako papalapit para siguro hindi ako maulanan. Tas para kaming may pinagtataguan na ewan.
"Hoy adhyyy"
"Yun oh! Hahaha naks!" Pagiingay nila
"Hoyyy adhy! Hahahha yung payong ko paki-ingatan ah! Mahal yan!"
Agad akong napatingin kay adhy nun. Tas sya naman eh napapikit sa inis like nabuko sya or something, saka nya inayos yung payong. Tas sumagot sa mga kaibigan nya
"Oo! Bilhan pa kita ng bago eh, tsk!"
(O___O?) eh?
"Hahahaha Nice one Goblin!",tukso pa nila.
"Bwahahaha kaya naman pala eh"
"Credits sa payong!"
Tuloy lang kami sa paglakad,ako nililingon ko pa mga kaibigan nya tas sinilip ko sya, dko gets. "Sakanya tong payong?", tumango sya.
"Akala ko sa Janitor?", hindi sya sumagot.
Teka, baka anak nung janitor yung kaibigan nya?
Hindi, sigurado akong hindi yun.
"Saan sakayan nyo?",change topic?
"Malapit na, duon po sa may kanto",sagot ko tas hinatid nya'ko duon. Nagpasalamat naman ako, tumango sya at ngumiti sakin pero papaalis na sana sya nang biglang nagstep back pa sya tas humarap sakin ulit. "A.. actually.. Kung ano mang iniisip mo, baka nga 'yun',yun."
Na anak ng janitor kaibigan nya? Eh?
"Nakita kong magisa ka duon, madilim na kaya hinintay na kita. Umuulan kaya nang...ano. Nanghiram ako ng payong."
O_O ?
"S-sabi mo kasi wala kang payong.." ,sabay kamot nya sa batok.
"But then I lied na baka sa janitor yun para hindi mo mapansing hinintay kita."
O_O na-speechless ako, pinahiran ko yung nababasa kong mukha tas sumilong duon sa gilid ng maayos. Epekto bato ng lamig kaya kung ano ano nariring ko sakanya?
"Sige na, sumakay kana. Sa susunod magdala ka ng payong, tag'ulan na.",
tas ngumiti sya.
"But thanks sa ulan nakasama ko crush ko." , he added and went off.
Mas lalong namilog yung mga mata ko sa sinabi nya, ni hindi ako makurap tas hindi rin nagsisink in sa utak ko ng maayos yung sinabi nya. I haven't even managed to say a word.
"Sakay na ineng, Last trip na to"
End.