Chapter 18

2609 Words
“Adik ka ba?” tanong ni Eniessia kay Esaac. “Hindi ka ba makikisaya kina Ivan? Hinihintay ka kaya nila Seth sa baba. Kasama sina Greg at Ethan. Umuwi pa si Israel galing Barcelona, tapos nag-leave pa si Trev sa trabaho niya para magkasama ka sa huling gabi ng pagiging bachelor mo tapos hindi ka man lang pupunta.” Dala-dala ni Eniessia ang susuotin ni Esaac bukas sa kasal nila. Cessina, the famous Filipino designer-friend, made his suit. They actually did their preparations for a month with the help of Busy Normal Gals Events Planning, matapos pumayag nang lahat sa pagpapakasal nila. Naging maayos na rin ang lagay ni Don Santiago matapos niyon na siyang nagtakda ng araw ng kasal ng dalawa. “Eniessia, ayaw ko nga kasi ng bachelor’s party.” It was him. “Sino ba kasi nagsabing maghanda ka ng ganoon para sa akin? Hindi naman kita babayaran para doon.” “Uhm, actually, sila ang magbabayad nito para sayo so pumayag ka na.” “Definitely, they’ll just tease me with those girls in the party because in the first place, ayaw nilang makasal ako, and second, because of Charity. Sirang-sira yung pangalan niya sa kanila dahil sa adik kong kapatid. Alam nilang hindi na ako papakawalan ni Charity kapag kasal na kami.” “Ohh well, mas masisira ang pangalan niya kung hindi ka pupunta sa bachelor’s party mo, stupid. Ang KJ mo naman. Ngayong gabi ang pinakahuling gabi ng pagiging single mo, so why not have fun? Don’t worry, I’ve already talked to Charity and she agreed on my terms.” “What terms Eniessia? Ano na naman yun?” “No girls involved. Just pure guy friends.” Nginitian na lang siya ni Eniessia matapos ang pag-uusap nila. “So, pupuntahan ko muna yung mapapangasawa mo sa kabilang kwarto because we’ve got to have her bridal shower. And, oo nga pala, bumaba ka na roon bago ka pa akyatin ng mga kaibigan-”  It was a knock, which broke their conversation.  “Oh well, nandiyan na sila. Alis na ako,” ani Eniessia na may mapaglarong ngiti. Naging maingay at magulo ang kwarto ni Esaac dahil sa mga kaibigan niya. They drank wine, played games, watched movie and did thumb wrestling. They look so good together as friends. Makailang buwan na ring hindi sila nagsama-sama ng ganito. Naging busy na rin sila sa mga buhay nilang pito kaya hindi na sila nakakatugtog sa Club Lavine. Si Esaac na lang siguro ang may pinakalantad na buhay sa kanila. Siya na lang naman ang may pakialam sa pagsasama-sama nila. I mean, siya na lang ang nagiging dahilan ng gathering nilang pito. “Bakit ngayon na lang ulit kayo nagpakita?” tanong ni Esaac sa kanila.  They are all in the living room with their own sitting position. Pare-pareho silang nakasalampak sa sahig habang nag-iinuman ng soft drinks. Pinagbawalan sila ng may party na uminom ng alak sa kwarto niya. Wala na silang nagawa kundi sundin na lamang ito dahil siya naman ang may-ari ng bahay at ng party. Ito rin naman yung inihanda ng party planner nilang si Eniessia gaya na rin ng request ng ibang mga babae. “Dapat ba palagi tayong nagkikita?” tanong ni Ethan. “Bakit? Miss mo na ako?” pabirong tanong niya kay Esaac.  “Adik ka,” sabi nito sabay inom. “Bro, ayaw mo ngang pumayag sa bachelor’s party mo eh. Tapos nag-iinarte ka pa.” It was Ivan. “Eh, malay ko ba. Baka may mga babae. Maudlot pa yung kasal namin ni Charity.” Pinalakpakan siya ni Greg with standing ovation. “Iba ka, Ez. Ever loyal-” Bigla siyang napatigil sa sakit nang pagtama sa kanya ng una, “Aww.” “Tumigil ka nga. Palibhasa, hinding-hindi ka natitigil sa iisang babae eh,” saway ni Setheil. “Syempre, I won’t settle for good,” aniya with matching up and down ng eyebrows. “Cheers to my bachelor self.” Itinaas niya ang can ng soft drink pero walang nakipag-kampai sa kaniya. “Tignan ko lang kung hindi ka magse-settle.” Esaac was smiling like he’s got a bad plan in mind. “You know what, makakahanap ka rin ng katapat mo boy, hintay ka lang.” “Oh wag na nating pag-usapan si Muñoz, wala naman iyang seseryosohin eh.” It was Trevor. “Himala, nagsalita siya ngayon!” Von Israel teased. “Kailan pa dude?” “Ngayon-ngayon lang.” Sumabat naman si Ivan. “Ang gulo niyo naman,” ani Esaac na pupungas-pungas na ang mga mata. “Inaantok ka lang eh,” biglang sabat ng kapatid. “Let’s talk about your future wife para hindi ka muna antukin.” Everybody agreed on their topic. Agad silang nagsi-ayos ng pagkakaupo. May pagkamakalat na sa loob ng kwarto ni Esaac at maya-maya ay lalanggamin na sila. “So, alam na ba ni Charity kung paano mo siya nakilala?” tanong ni Ethaniel. He keeps on moving his brows up and down while looking at his friend. “Oh well, alam niyang nakita ko siya sa school at doon ko nakilala ang tunay na si Mia Charity Locquias.” He explained. “Alam niya bang ikaw yung nambabato ng salamin niya?” pagtatanong ni Trev. “Oh,” he chuckled. “Of course not. Baka kapag sinabi ko sa kanya iyon, hindi niya ako pansinin. Kaya during the process of making her fall for me, hindi ko talaga sinabi iyon. Baka magalit eh.” Magtatanong naman si Israel. “Did she know that you are the one who keeps on sending flowers, putting those on her desk, locker-” “And bag!” Ethaniel shouted.  Natawa na lang si Esaac sa inakto ng kaibigan. “Of course she doesn’t. Ayaw niya nga ng bulaklak o chocolate kaya hindi ko sinabi sa kanya. Instead, I made her letters and poems.” “Nabasa niya ba?” It was Van. “Of course not. Ang stupid ng grammar at wordings. Kapag binabasa ko, hindi ko maramdaman yung kilig.” “Paano mo mararamdaman? Ikaw kaya yung nagsulat no’n at para sa ibang tao pa,” ani Greg. “Bobo mo, Ez!” sigaw niya. “Oh, manahimik ka na. Next question.” It was Seth. “Alam ba niyang tinatanaw mo siya mula sa balkonahe ng bahay natin?” “Uhm, siguro,” sabi ni Esaac. A swift smirk quickly taint his lips. “She was doing the same thing.” Biglang nagpalakpakan ang mga kaibigan niya.  Kumunot ang noo ni Esaac sa kanila. “Bakit? Anong mayroon sa sinabi ko?” “Feeling gwapo ka, dude,” Israel said. “Nagsalita,” sabat agad Ez. “Pero anong kanta mo para sa kaniya?” tanong ni Ivan. “I’m sure, you have.” “Uhm, dati, She will be Loved-” Biglang pumalakpak si Ethaniel na para bang may nasabing nakakaproud si Esaac. “Ahh, kaya pala yun yung ni-request mong tugtugin natin sa students’ night!” sigaw na naman nito. “Ang ingay mo naman,” sabi ni Esaac habang tinatakpan ni Seth ang bibig ng kaibigan. She could still remember that guy who sang ‘She will be Loved’ in their students’ night few years ago. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ni Esaac habang kumakanta noon. Maybe it was the start of her fantasy on him. Makailang beses niya na ring narinig kumanta ang binata pero iyon ang pinakamagandang performance niya para rito. She was moved by his voice and because of that, she started to open herself to people online.  She just tried going in the internet and found a community for herself. The message of the song, actually, is the one which made her move. She had this guy friend who resides in Paris whom she always chat with. Nakita niya ang profile nito sa isang online community dahil sa paghahanap ng mutual friends niya. She had always been there simula nang malaman niya ang tungkol dito. He has been her number one fan and admirer of her poems. He has been also her friend, her only friend, na online pa. Dumating na si Eniessia galing sa kabilang kwarto matapos niyang iabot kay Esaac ang susuotin nito bukas. She came back to herself after daydreaming and smiled back at Eniessia. “I already gave the suit to your future husband. Ready ka na ba para bukas?” tanong ng kaibigan. “You look nervous.” “Yeah, kinda. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako mabubuhay sa araw-araw nang may kasama. You know, Enie, I was always alone and lonely. Ngayon ko nga lang tinanggap na malungkot ako eh. It was always me alone. Kahit sa bahay, sa school, o sa buhay ko, mag-isa at malungkot ako. Now, I really thank you for accepting a brat like me in AL. Dahil sayo, I found myself. The real me.”  She is overwhelmed with all of the changes that had happened to her life after meeting Esaac. Hindi naman siya ipapasok ni Eniessia sa AL kung hindi dahil kay Esaac. She had this feeling of happiness and contentment. “Speaking of, I also sent an invitation to your father. Ok lang naman di ba?” sabi ni Eniessia. She laughed a little. “Hindi ko nga alam kung may pakialam pa siya sa akin. Pagkatapos kong umuwi sa amin, hindi pa man ako tumatagal ng isang linggo, pinaalis niya ako ulit. I really do not understand why he loves that woman so much. Thinking na iyon lang ang pinagpalit niya kay Mommy, hay, she’s not even Mom’s fingernails. Hinding-hindi niya maaabot ang perpekto kong ina. At isa pa, hindi siya mabuti.” “Charity, I told you to come home-” “What?” biglang tanong ni Charity. Bumalik din sa huwisyo si Eniessia dahil sa sinabi niya. She was also shocked with what she had said. “What did you say, Enie?” “Ahh, uhhmm, wala akong sinabi,” pagkakaila nito. “It’s nothing, Charity. Don’t mind it.” “No Enie. Tell me, ikaw ba yung nagsend ng anonymous message sa akin? Ikaw ba yung nagsabing umuwi ako ng bahay namin? Anong alam mo tungkol sa madrasta ko? Enie, answer me please. Tell me everything,” pagpupumilit ni Charity. Napayuko na lamang si Eniessia dahil sa hiya. She cannot show her face to Charity because she is now caught. “Charity, I admit. Pinaimbestigahan kita sa AL. Matapos kong malaman na ikaw ang kinababaliwan ni Esaac, I immediately caught the attention of my colleagues to get to know you more. Inaamin ko, pinagduduhan kita matapos kong malaman ang tungkol sa madrasta mo. I thought she was your mom but I was wrong. Buti na lang-” “Anong nalaman mo tungkol sa kanya? Tell me, Enie, please,” pagmamakaawa niya. Enie sighed. “She is a drug lord.” Nasapo na lang ni Charity ang bibig nang marinig ang mga sinabi ni Eniessia. “Aside from that, lider siya ng isang small time syndicate na medyo kumakalat na rin sa buong bansa.” “But why did she have to get close to my father? I mean, ordinaryong businessman lang naman ang daddy ko, ah.” “She needs power. Kailangan niya ng mga kaibigan ng daddy mo. Hindi talaga mismo ang daddy mo ang kailangan niya. She needs them, your father’s colleagues to ask for assistance na kunwari ay para sa kompanya niyo. Pinipigilan namin siya so she failed. Kaso ngayon, Charity, and yaman ng pamilya mo ang gusto niya. She is willing to kill your father for every riches that you have.” Napanganga na lang si Charity sa mga narinig. That is how complicated her life is that she does not want anyone to come in this soon. Ayaw niyang may mapahamak nang dahil sa kaniya. “Anong gagawin ko, Enie?” hopeless na tanong ni Charity. “I’ll do everything. Ako na ang bahala sa lahat. I could sue her and protect you and your family. And you, relax, sleep, and get ready for tomorrow. Don’t bother yourself too much. May mga nagbabantay sa daddy mo at sa evil stepmother mo.” Pinahiga niya si Charity sa kama nito at saka sinuklay ang buhok. She keeps playing in her mind, everything that Enie said. Hindi niya naman kasi alam kung ano talagang gagawin niya lalo na’t confirmed na masama talaga ang pakay ng madrasta niya. She even got blackmails and threat from her but she always keep it from her father. Ayaw niya itong mag-alala sa kanya.  It was already one o’clock in the morning yet they are still awake. Hindi pa rin natutulog ang mga lalaki dahil nag-uusap pa sila. Laughter and reminiscence, it was always their topic.  “So now, ikakasal ka na mamaya. Sino kayang susunod?” Ivan asked out of nowhere. Mukha na silang mga adik dahil sa pagpupuyat. “Gusto mo ikaw?” mapanghamong tanong ni Ethaniel. “Bakit hindi na lang ikaw Bro?” biglang tanong ni Seth kay Ethan. “Tutal, nandiyan na naman si Eniessia, kababalik lang galing ng ibang bansa.” “Teka, huwag niyo namang pag-usapan bespren ko. Ako muna. Kami muna ng pinakamamahal ko,” buong tapang at pagmamalaking sabi ni Esaac. Yes, he is really in love with her. Despite of all of her imperfections, and does not-fit- beliefs, he still manages to like her. She maybe unlikeable to many but it does not matter when it comes to him. Love, for him, is something that people with understanding really understands. It may sound redundant but understanding really comes from real love and love comes from those who understands. Hindi naman siya mababaliw kay Charity nang paulit-ulit kung hindi niya ito mahal. He even did things for her and for her approval. After all, since the day that he had met her and found her, the only thing that he wants is to end up with her. No buts nor ifs. Nakatulog na ang iba nilang kasama pero ang magkapatid ay gising pa rin. They managed to fix things inside Esaac’s room even though it is almost two o’clock. Masyado silang nagpuyat dahil alam nilang 5 pm pa naman ang start ng kasal mamaya. Nilapitan ni Seth ang kapatid na nagliligpit ng mga lata ng inumin na wala nang laman. He patted Ez’s back and smiled at him. “Handa ka na ba para bukas?” Seth asked him, sincerely. “Yes, kuya, handa na ako.” He smiled back. “Handa na akong ikasal.” Seth chuckled. “Handa na rin akong makakita ng ikinakasal sa pamilya natin.”  They laughed together and Seth hugged him. “God Bless, kapatid.” “Thank you, kuya.” “No, thank you.” Binawi niya ang pabor. “Thank you for being such a good half-brother to me. Salamat sa pagpapasensya sa kakulitan ko. Salamat sa pag-iinitindi sa kuya mo. Specially, salamat sa pagtanggap sa akin bilang isang De Sevilla.” “Seth, mananatili kang kuya ko. Hindi na mahalaga kung magkaiba tayo ng nanay, basta-” “Pareho tayo ng tatay.” Seth laughed. “Ganoon naman iyon ‘di ba?” Natawa na lang din si Esaac. “De Sevilla nga tayo, mga baliw.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD