"Roi, baka 'yung gwapo ang magiging asawa niya hahaha saka masyado naman kayong paluma hello? 21th century na tapos naniniwala pa kayo na dapat ang unang halik ibibigay sa asawa sh-t hahaha." humahalak halk na usal ni Mamsh kaya pinagtaasan siya ng kilay ni Roi.
"Magkaiba kasi Mamsh, napagkasunduan namin 'yun. Tangap ko pa sana kung sa boyfriend niya nlang ibigay ang unang halik niya eh pero ang worst pa ay sa hindi naman niya kilala ang lalaki." napanguso nalang ako dahil t'yak pati si Gracielle magagalit din dahil hindi ako tumupad sa usapan namin.
"Sorry na h'wag ka ng magalit!" nakanguso kong sambit pero inirapan niya lang ako at 'di pinansin.
"Baka gusto mo ikaw first kiss ni Paint kaya masyado kang G na G d'yan Roi?" malokong saad ni Mamsh kaya sinamaan ko ng tingin.
"Hindi lol, no to incest ako saka isa pa naiinis lang ako kasi hindi siya tumupad sa pinagkasunduan naming magkakaibigan.." seryosong sagot niya kaya napatango tango nalang ako at pinagdikit ang dalawa kong hintuturo.
"Sus, oh siya mabalik tayo sa problema. Paano mo ba nakilala 'yang mga Montego na sinasabi mo?" nagtataka na tanong ni Mamsh.
"Taena naman Boomerang ka Mamsh? Malamang sa TV at dyaryo saka masyado kong idol 'yung isang Montego na lawyer." napangis ako sa sinabi niya. Gusto niya maging lawyer noon pero ngayon gumagawa rin siya ng ilegal na gawain. Alam ko rin namang hindi niya rin ginusto ang gan'to kagaya ko kasi lagi rin 'to napaaway sa mga pinag-trabauhan niya kaya laging tangal.
"Eh paano 'yan? Napagkasunduan namin ni Paint na kapag nahuli walang laglagan."
"Hindi ako pwede makulong, may sakit si Tatay at walang t-tustos sa mga kapatid ko. Hindi rin naman pwedeng habang buhay nagtatago ako kasi naman paano ako makakapaglabas ng pera sa pamilya ko kung nagtatago ako?" nanghihina kong saad dahil sobrang syet nakakastress na sa totoo lang.
"Hindi gan'to, itago ko muna si Paint dito tapos titignan ko ang sitwasyon kung ok na ba ang lahat basta gagawa ako ng paraan." mabilis na napatayo si Mamsh dahil hindi siya sangayon sa sinabi ni Roi.
"Sa bahay ko? Madadamay ako!" malungkot akong napatingin kay Mamsh dahil tama siya t'yak madamay at madadamay 'to.
"Kahit saan pa magtago si Paint damay ka pa rin, alam mo bakit? Kahit hindi magsalita si Paint sa kung sino ang kasabwat niya ay kayang kaya malaman ng mga Montego kung sino ang mga 'to kasi Montego sila.."napalunok ako at mas lalo atang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Sa paraan niya ng pagsasalit ng 'Montego' nakakakilabot sa totoo lang
"Hala, p-nyeta! Noong pumunta kayo dito may nakasunod ba? Bakit pakiramdam ko, Oo?" nanlaki ang mga mata ko dahil posible ang sinabi niya kaya napasilip kami sa bintana.
"Wala, doon palang sa event alam kong wala siyang tauhan na nakabantay. Alam ko kapag may mga umaaligid na tauhan ng isang malalaking tao. Hindi rin naman kasi inaasahan ni Captain na nandoon si Paint." nakahinga naman ako ng maluwag sa naging sagot ni
"Mamsh h'wag kang magaalala mapagkakatiwalaan 'yan si Roi at hindi niya naman hahayaan na makulong tayo agad.." napatango tango si Roi dahil kilala ko siya, hinding hindi niya ako papabayaan kahit anong mangyari.
"Iiwan muna kita dito Paint, h'wag kang magaalala sa Tatay at mga kapatid mo. Ako ng bahala sakanila basta h'wag na h'wag kalang aalis dito. Tatawagan nalang kita kapag may update na sa'yo pa naman ang Cellphone ni Gracielle hindi ba?" tumango lang ako bilang tugon.
"Oh sige na umalis ka na ako na bahala kay Paint basta tignan mo ang sitwasyon kung determinado siyang ipakulong ha dahil magmamakaawa o kaya akitin ko nalang kapag nagkataon pero kung hindi tumalab ang charm ko eh no choice kung hindi gamitin ang kamandag ni Paint.."
°°°
NANDITO ako sa terrace nina Mamsh Jorgie nagmuni muni. Gabi na at sa kabutihang palad simula nang dumating kami dito ay wala pa namang dumadampot saaming pulis.
Nakausap ko kanina sa telepono ang mga kapatid ko para kamustahin pero hindi ko sinabi na kung nasaan ako ay may pinagtataguan ako. Samantalang nakausap ko rin kanina si Nanay sa telepono galit na galit siya nang malaman niya ang nangyari pero mabuti nalang at hindi niya sinabi kay Tatay dahil t'yak na mas lalo pang lala ang sitwasyon ni Tatay.
Sinabi kanina ni Roi sa telepono na wala pa naman siyang napapansin na pumupunta sa lugar namin para hanapin ako o kahit sa hospital, wala pa rin napapabalita sa TV, dyaryo at radyo pero h'wag daw kami makakakasiguro dahil may bukas, susunod na araw, linggo, buwan at taon pa.
"Paint, hindi mo pa nagagalaw ang pagkain doon. Alas dyes na." napalingon ako kay Mamsh Jorgie. Wala silang racket ngayon, tinigil na muna nila ang pagpunta ng nga bar ng mayayaman para magnakaw dahil masyadong mainit sa mata ng pulis.
"Busog pa naman ako.." sambit ko saka binalik ang tingin sa kawalan.
"Anong iniisip mo ha? Sige nga magkwento ka, makikinig ako." naramdaman ko ang pagupo ni Mamsh sa tabi ko kaya napabuntong hininga ako.
"Alam mo Mamsh, hindi ko rin naman talaga ginusto na gumawa ng gan'tong bagay. 'Di ko ginusto na maging babaeng nagnanakaw sapagkat nangangailangan, nagugutom at nauuhaw." panimula ko sa kwento at nakikinig lang siya ng taimtim.
"Lahat naman ng tao may pangarap sa buhay dahil libre lang naman ang mangarap ng mangarap pero ang may bayad ay ang pagabot nito. Pangarap ko maging isang Painter, Photographer, Writer at Director. Napaka dami hindi ba? Nangangarap ako na gumawa ng isang magandang storya kung saan mismo ang mag d-director, nangangarap ako na gumuhit sa isang Canvas at ako mismo ang kukuha ng litrato pero hindi ko 'yun nakamtan dahil Senior High School graduated lang ako." huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko.
"Syempre papasok na ang sikat na katagang 'Kung gusto may paraan at kapag ayaw may dahilan' at 'hindi sapat ang kahirapan para gumawa ng ilegal na gawain.' pero paano kung wala na talaga choice, paano kung pasan pasan mo na ang problema ng buong pamilya mo?" unti unting nagsituluan ang luha ko nang lumitaw saakung isipan ang problema namin at ang pinaka malala sa naging problema namin pagkakaroon ni Tatay ng Cancer.
"Gustong gusto ko magaral sa kolehiyo para may mabigayan ko ng magandang buhay ang pamilya ko
pero nagkasakit naman ang tatay ko at lahat ng kapatid ko maman nagaaral. Naririnig ko ang nga uba't ibang opinion ng ibang tao na 'hindi sapat ang kahirapan para hindi ka makapag aral dahil may mga State Universiy na nag o-offer ng walang bayad ang tuition' pero paano naman ang ibang expenses? Mga pambayad kapag nagkaroon ng research o kung ano ano pang pangangailangan sa eskwelahan? Hindi naman lahat libre hindi ba? Sige sabihin na natin na pwede naman akong magtrabaho pero hindi sapat 'yun Mamsh, ako lang ang nag-trabaho saamin. Tatay ko may sakit, Si Coco special child na kailangan tinutukan, ang apat kong kapatid ay nagaaral lahat. 'Yung tipong 'yung perang kikitain ko na dapat ilaan ko sa pagaaral ko ay mas lumamang ang kagustuhan ko na ilaan sa pamilya ko para makakain sila.." pinunasan ko ang mga luhang nagsisipatakan ng tuloy tuloy mula sa mga mata ko gamit ang damit ko.
"Ang hirap 'yung pakiramdam na nase-stress ka dahil hindi mo na alam kung paano pagkakasyahin ang pera mo sa dami ng iyong mga gastusin. Dumadating pasa punto na kakaiba ang kaba na
nararamdaman dahil ubos na ang pera sa wallet mo at nawalan ka pa ng trabaho. Hirap na hirap na ako sa totoo lang Mamsh, lagi akong natatangal sa trabaho dahil sa kaartehan ko pero masama bang ipaglaban ang pagkakababae ko? Kasi 'yun nalang ang kaya kong itira sa sarili ko. 'Yun nalang ang tanging minamahal at pinapahalagahan ko sa sarili ko. Kasi Mamsh pigang piga na ako, ginagawa ko lahat ng sakripisyo para sa pamilya ko ni wala na nga akong pake kung mabutas na ang bituka ko dahil hindi ako kumakain, wala akong pake kung mag kasakit ako dahil wagas ako kung magtrabaho dahil ayokong magutom o magkasakit ang pamilya ko at mas lalong lalo na 'yung kagustuhan kong makapag aral ang mga kapatid ko at hindi na sila matulad saakin.." binigyan lang ako ng nakakaawang tingin ni Mamsh habang patuloy pa rin siya oakikinig saakin.
"Ang unfair ng mundo saatin Mamsh, sobrang unfair. Bakit kailangan may maging mahirap at kung sino pa ang mahirap siya pa 'yung nakakaramdaman ng maraming problema? Bakit Mamsh? Samantalang 'yung mga mayayaman d'yan nakakain na ng higit pa sa tatlong beses, nakakapagaral at talagang magandang buhay pero bakit sila parang walang problema? Bakit sila pasarap lang ng buhay eh sa totoo nga lang mas marami ns mula sa mga mamayaman ang mga taong gumagawa ng ilegal na gawain nang walang valid na reason kasi tayo ginagawa natin 'to para makakain at mapagpatuloy ang buhay sa mundong madaya.." humagulgol ako kaya niyakap ako ni Mamsh at hinagod hagod ang likod ko.
"Alam mo parehong pareho ng sitwasyon, bata palang ako pasan pasan ko na 'yung problema ng pamilya. Napapatanong rin ako nang gan'yan pero narealize ko ang isang bagay 'yun ang h'wag maging judgemental. Sa ilang taon ko na pagiging pokpok ay nakakasalamu- -ha ako ng mamayaman na lalaki mapabata, matanda o ano pa 'yan. ay marami akong nalaman. Hindi naman natin alam kung ano ang totoong pinagdaanan ng mga mayayaman, hindi porket mayaman sila hindi na sila nakakaranas ng mga problema. Hindi natin alam ang totoong storya nila, kagaya natin tao lang sila ang kaibahan lang ay mayaman sila at tayo ay mahirap." napajagat ako sa aking labi at tahimik lang nakikinig sakaniya.
"Alam mo kasi kung pare pareho tayong mayayaman at perpekto ang buhay at pagkatao natin ay mawawala na ang purpose o gusto ng Diyos na matutunan natin sa bawat problema na dumadating sa buhay natin. Gulat ka no? Hindi ka makapaniwalang mula sa isang bibig ng pokpok nangagaling ang mga 'yan. Kagaya mo rin naman ako, hindi ko ginusto ang maging gan'to pero kahit naging gan'to ako ay hindi nawala ang pananalig at paniniwala ko Diyos kasi gusto ko kapag nakagawa ako ng kasalanan katulad nalang ng pagbenta ko ng katawan sa kung sino sino ay humihingi pa rin ako ng tawad sa Diyos.." nginitian niya ako ng matamis kaya napatulala ako sa sinabi niya dahil ako mismo hindi ko talaga magawang maniwala sa Diyos dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Ang problema ay isang pagsubok na kung saan sinusukat ang katatagan mo at kalakip nito ang mga aral na matutunan natin.." Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan at nag iyakan. Hindi ko alam pero kahit nailabas ko na ang hinanakit ko sa buhay ay hindi gumagaan ang pakiramdam ko siguro dahil gusto kong makita si Tatay. Kapag gan'to lungkot ako yakap lang ni Tatay ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.
"Mamsh, gusto kong pumunta ng hospital.." bigla kong sambit kaya umiling lang siya habang kinakain ang hawak niyang chicharon.
"Alam mo namang hindi pwede dahil posibleng may mga tauhan nung Montego edi madadampot kalang.." natahimik nama ako dahil may punto siya at ayoko naman suwayin ang utos ni Roi tiyak magagalit saakin 'yun.
"Alam mo gawin natin, alamin nalang natin ang impormasyon tungkol d'yan sa Roks Montego na 'yan." ngumiti siya ng malaki saakin saka inilabas ang cellphone niyang touch screen.
Pinanood ko lang siya kung paano niya sinearch ang pangalan ng 'Roks Montego' pag pindot niya palang ay tumambad na ang iilang stolen,formal at kapag nakauniporme ng pangsundalong picture si Roks at agaw pansin talaga ang kulay abo niyang mga mata.
"Captain Roks Musket Montego. Isa siyang sundalo at wow pagmamayari nila ang Montego Intelegence security Agency, alam mo ba 'yun?" umiling lang ako dahil tinatamad ako magpaliwanag basta at the word security baka pugad ng mga security guard? Lol.
"Malay ko ba d'yan." saad ko habang nakatitig sa mga litrato ni Roks. May lahi siguro 'to kasi nga gan'yan ang kulay ng mata niya. "Ang gwapo niya." namamangha na usal ni Mamsh.
"Kalma mo k**i mo mamsh, 'yang pinagpapantasyahan mo ang magiging dahilan bakit tayo makukulong." umiirap na saad ko saka iniwas ang tingin sa Cellphone niya at sumubo na lang ng chicharon.
"Pagpapanggap ni Roks Montego bilang asawa ni Atarah Klyte Dela Veja." basa niya sa isang article kaya natigil ako sa pagkain at lumapit sakaniya para tignan 'yun. Narinig ko na naman 'yang panglan na Atarah.
"Buksan mo nga 'yan!" sambit ko habang nakatingin sa article na 'yun. Parang gusto kolang malaman kung ano ang tunay na nangyari d'yan kay Atarah at Roks medyo nagulo ang love story nila eh.
"Wow intresado masayado." mapangasar na sambit ni Mamsh saka ni click ang artcle. "Ay ayaw mabuksan feel ko deleted na ang mga article na 'to." bakit kailangan may gan'to na article na, gano'n ba talaga kakilala sa buong Pilipinas 'yang Atarah pati 'yun Roks na 'yan? Eh bakit ako 'di ko sila kilala? Weird.
"Search mo nga Atarah and Roks Montego." seryoso kong sambit. Ewan ko ba nakakaramdam ako ng matinding curious sa katawan.
Sinearch niya ang sinabi ko at may mga nakita na naman kami article tungkol kay Roks at Atarah.
"Who's the real husband of nurse Atarah, is it Captain Roks or Dr. Rare?" niclick ulit ni Mamsh ero error lang. "Ayaw din mabuksan. Baka malaking issue 'to ng pamilya tapos pinadelete nalang no?" napatango tango nalang ako siguro nga nagkaroon ng malaking eskandalo sa pagitan ng mga pamilya nila pero nakakapagtaka lang na parang magkaibigan na ngayon sina Atarah, Rare at Roks na parang walang issue sa pagitan ng nga 'to. Ano 'yun plastikan ba sila?
"Ang gwapo naman nung Rare tapos gwapo rin 'tong si Roks. Grabe ang ganda naman kasi nitong Atarah kaya pinagaagawan. Mala telenovela, sana all.." napanguso ako at tumitig sa mga picture na tinitignan ni Mamsh.
"Mas gwapo 'yang si Rare eh gray lang naman mata ng Roks na 'yan." bitter na sambit ko, ewan ko ba naiinis ako kay Captain Roks nang malaman kong alam niya na ako ang nagnakaw ng wallet niya.
"Sus, crush mo 'yang si Captain Roks no? Napapansin kita masyado kang interesado sakaniya tapos kunwari bash pero deep inside kilig na kilig ajujuju style mo bulok." napairap ako sa sinabi ni Mamsh dahil walang katotohanan.
"Hindi no! Hinding ako mag c-crush sa isang sundalo lalo na 'yang gray eyes na lalaking 'yan dahil siya ang magiging dahilan ng pagkakulong natin!" giit ko.
°°°
NAGISING ako nang maramdaman kong may mahinang tumatapik ng pisnge ko. Napabango ako sa kamang hinihigaan ko saka tinignan kung sino ang may gawa nun.
"Pintura gumising kana A
alas dose na kanina pa call ng call etong si Roi, sabi ko tulog ka kaya tatawag daw siya mamaya o kaya bibisita nalang." kinusot ko ang mata ko at humikab habang nakatingin kay Mamsh na nakapameywang saakin.
Pinatuloy niya ako sa kwarto niya dahil wala ng bakanteng kwarto rito sa bahay niya. "Bawal pa ba ako umuwi?" umuunat unat na saad ko.
"Hanggat walang go signal si Roi bawal pa. Bilisan mo at maghilamos ka, bilhan mo 'ko ng toyo at sibuyas d'yan sa tindahan." napabusangot ako nang mapansin ko na hawak ni Mamsh ang isang sandok.
"Ang galing Mamsh, gigising mo 'ko para utusan no." iritado kong saad at habang inaabot niya saakin ang 50 pesos para pambili ng toyo at sibuyas.
"Aba malamang, hindi porket mukha kang prinsesa ay aasta ka na ng gano'n dito sa bahay ko. Kumilos ka rin saka wala akong payong at ayokong masunog ang balat ko masyadong mainit. Kumilos ka na at hindi ko matapos tapos ang niluluto kong adobo.." iniwan niya ako sa kwarto kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod at nagtungo sa CR para maghilamos at magpalit ng pads.
Nang matapos na ako ng bahay para magtungo sa tindahan na hindi naman kalayuan dito. "Pabili po suka at luya." saad ko sa tinderang humigikgik na parang tanga. Ang weird niya, kinikilig ba siya? Kakatapos lang ba nilang mag anuhan ng asawa o nobya niya?
Nagkibit balikat nalang ako nang inabot niya saakin ang binili ko kaya umalis na ako at nagtungo sa bahay ni Mamsh. "Seryoso ka ba? Sinabi ko Toyo ay sibuyas. Bumalik ka nga dun. Haynako ibalik mo 'yan." hindi makapaniwalang saad ni Mamsh nang inilahad ko na ang pinabili niya.
Kaya napahawak ako sa batok ko nang marealize ko na Toyo at Sibuyas ang pinabibili niya para sa Adobo hindi suka at luya para paksiw. Lutang ako ghorl. "Ikaw ba naman kagigising mo lang bigla kang uutusan. Gandang almusal ng utos mamsh promise nakakalutang ng utak." busangot na saad ko saka bumalik nalang sa tindahan na pinagbilhan ko.
"Ate papalit nga ako Adobo." nagtaka naman akong tinignan ng tindera. "Ha?" sarap barahin kaso wala pa ako sa mood eh.
"Ay ano pala toyo saka sibuyas. Sorry na lutang lang." kumakamot na ulo na saad ko kaya tumawwa siya ng mahinhin.
"Lutang ka porket may gwapo d'yan."inabot niya saakin ang ba basagin na datu puti toyo pati na rin ang sibuyas.
"Saan?" nagtatakang saad ko at nilingon ang itinuro ng mata niya at nabitawan ko ang hawak ko saka napaupo pa ako sa sobrang gulat nang mamataan ko si Captain Roks na pretendeng nakatingin saakin habang umiinom ng soft drink na nakalagay sa plastic.
"Anak ka ng shooting star." hiyaw ko at 'di makapaniwala sa nakikita kong nasa harap ko ngayon.
"Clumsy huh.." tumayo siya sa pagkaupo at nilapitan ako yumuko siya at inilahad ang kamay niya saakin. "You're bleeding.." seryoso sambit habang nakatingin sa kamay kong may sugat dahil nabasag pala ang hawak ko ng bote ng toyo at hindi ko man lang naramdaman 'yun.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para manginig 'to. "Why are you shakin huh? Masakit ba?" kunot noong saad niya saka inalalayan akong tumayo at nagpadala naman ako.
Napatitig lang ako sa mukha niya at hindi ako makagalaw hanggang sa naramdaman kong may malamig nabagay na dumampi sa balat ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaposas na 'to.
"You're under arrest Ms. Paint Cenery Ordencial a.k.a'Doggy' Hinding hindi ka na makakawala." malamig niyang usal.