CHAPTER 5 (PART 1)

3074 Words
Paint Cenery TULALA pa rin ako sa kinatatayuan ko kung saan ako iniwanan nina Captain. Ni hindi talaga makagalaw habang hawak hawak pa rin ang binigay n'yang plastic ng napkin. Nakakapagtaka, paano niya nalaman na kailang ko ng gan'to? Tinagusan na ba ako sagad sa mascot pero makapal ang suot kong 'to kaya paniguradong hindi ako tatagusan dito pero hindi pa rin ako sigurado o amoy regla na 'ko? Baka malansa na kaya alam n'ya na agad, pero kung amoy malansa na ako edi dapat ang mga batang si Ranch at Dawina na mga anak mayaman ay nandidiri na saakin? Oh baka naman naamoy na nila ako pero hindi lang nila pinahalatang nandidiri sila para hindi ako ma offend kasi naman wagas makayakap ang dalawang bata saakin. Hays, naghahalo halo sa isipan ko ang mga nangyari. Kasi naman 'yang Captain gray eyes na 'yan parang alam ang lahat. Nakakapagtaka na nalaman niya na kailangan ko ng napkin at nakakapagtaka na nalaman niyang ako 'yung babaeng nagnakaw sakaniya ng wallet at first kiss niya raw. Paksyet! First kiss niya ako at first kiss ko rin siya? Ang hirap lang paniwalaan na ako anh unang halik niya kasi ang mga gano'n kagwapong lalaki ay marami na paniguradong na halikan. Pero ang problema dito ay pinagbaba- taan niya na ako. Pagsisihan ko raw ang ginawa ko. Hindi naman sa natatakot pero kakabahan ako bigla, first time kong kabahan sa isang banta kasi naman para bang may kung anong aura siya nakakapang bilis ng t***k ng puso. Papakulong niya na ba ako? Tapos na ba ang masasayang araw ko? Paano nalang ang pamilya ko? Wala nang magtutos sakanila lalo pa't ngayon si Tatay may cancer at ang mga kapatid ko ay lahat nagaaral, maraming gastusin sa eskwelahan. Kung balak niya akong ipakulong ay dapat ginawa niya agad ngayon kasi maari ko naman na siyang takasan ngayon mismo pero naalala ko na sinabi niya na kaya niya akong hanapin kahit saan ako magpunta baka may umaaligid siyang tauhan kasi mayaman siya. Kaya niyang gawin ang lahat sa pamamagitan ng pera niya. "Gomo gochi pachitaw, gusto ko ng palitaw~." nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong may pumapalo saakin na mga dahon. Napakunot ang noo ko at pinigilan si Roi Gin na nakapikit habang ginagawa n'ya ang pagpalo saakin dahil nagiging abnormal na naman siya "Goma gucci palawlaw, penge po ng ampaw." patuloy niyang sinasambit kaya itinulak ko siya dahilan para idilat niya ang mata niya. "Anak ka ng shooting star! Potakte ka! Anong ginagawa mo?!" inis kong sambit kaya inikutan niya ako habang pinapaspas ang hawak niyang mga dahon. "Pintura mukhang siopao~ Pintura mukhang siopao~." marahan kong pinulot ang ulo ng mascot at binato sakniya. "G-go ka Roi Gin, ano ba problema mo?" iritado kong saad dahil mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Napalinga linga ako s paligid at walang tao sa banda ng park na 'to kami lang dalawa. Nginitian niya ako ng pagkalaki laki at binitawan ang hawaka n'yang dahon. "Angas ko syet, sabi na epektibo. Malakas talaga pakiramdam kong may lahi akong CHAN at Lolo ko si Angkil Chan saka kambal ko si Jackie Chan." binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin dahil sa kalokohan niya. "Mukha kang ankle." nakangiwi kong saad sakaniya at itinuro ko pa ang siko ko pati na rin siya. "Pakeneng syet. Ni english mo na ang 'siko' level up na pangaasar mo Pintura Senarya. Conyorism ka na ha. T-nginang 'yan, namamaalam ka na ba?" sinamaan ko siya ng tingin kaya kaya humalakhak siya habang bumaba ang tingin niya sa hawak kong plastic. "Tigilan mo 'ko." "Sungit mukha naman singet. Kanina ka pa kaya tulala. Kinakausap kita hindi ka sumagot para kang may sariling mundo. Gan'yan na ba epekto ng mens? Oh 'yan magpalit ka na at aalis na tayo dito." kinuha niya ang isang paper bag na nakalagay sa lapag kaya napatitig lang ako rito. "Ngayon?" gulat na tanong ko dahil sinabi ni Captain ay h'wag daw ako magtangkang tumakas dahil mahahanap niya pa rin ako. "Hindi next year." pambabara niya kaya nagtiim ang bagang ko at binigyan siya ng matalim na tingin. "Seryoso ako." "Paano 'yung seryoso?" pumipitong usal niya kaya napakagat ako saaking labi sa sobrang inis. "Potakte kang animal ka." ang ngiti niya kanina ay biglang nawala at napalitan 'to ng seryosong tingin. "Kailangan na nating umalis dito, nakita ka na nung Montego, pinagbantaan ka na rin hindi ba? Matic na taypats kana. Kulungan na bagsak mo kaya kailangan nating tumakas na hanggat kaya natin.." bakas sa boses niya ang matinding kaba na talagang pinagtatakhan ko. Natatakot siya? First time rin 'to ha, walang kahit sinong kinatatakutan ang abnormal na 'to. "Sino ba 'yan Montego na 'yan? Kilala mo ba talaga?" kuryoso kong tanong. "Palit ka muna n'yan dudes." inabot niya saakin ang paper bag na hawak niya. " Pakeneng syet mas alam ko pa sainyo ni Gracielle kung kailan kayo dinadatnan. Tss, kababaeng tao hindi inaalala kung kailang nireregla tapos hindi pa marunong magdala ng extra napkin at panty. Tsk. Kumpleto 'yan, sige na magpalit ka na kung ayaw mong ako pa magpalit n'yan." chineck ko ang laman ng paper bag at tumambad saakin ang extrang damit, legins, panty at mayroon ding dalawang piraso ng napkin. Napangiti ako ng matamis kay Roi dahil tama naman ang sinasabi niya. Mas alam niya pasamain ni Gracielle kung kailan kami dadatnan madalas kapag na public place kami tapos bigla tinagusan ako o si Gracielle matic na may dala siyang lagi na short at panty na pampalit. Kaya mahal na amhal namin siya kasi sobrang sweet at caring niyang lalaki. "Salamat po Nanay Roi Gin! Mwuah! I love you as a friend and nanay. Hihi." inilingan niya nalang ako saka pumunta sa likuran ko para alisin ang zipper ng mascot. At nang maalis niya na ay lumabas na ako agad. "Bilisan mo na! Ayun ang Cr." napatingin ako sa tinuro n'yang CR at nagmadali akong tumakbo doon habang buhat buhat ang binigay ni Roi Gin ang pang palit at napkin pati narin ang biniling isang plastic na napkin ni Captain. Binilisan ko ang pagsasaayos ng sarili ko at mahigit tatlong minuto ang ginugol ko sa pagpapalit at paghuhugas ng dapat hugasan. Paglabas ko ay naabutan ko sa labas ng CR si Roi Gin, hindi ko na rin nakita ang mascot dahil mukhang binalik niya na 'to. "Oh ayan ok na. Paano na 'yung sweldo natin?" mas concern pa rin talaga ako sa sweldo kesa sa kaligtasan ko. Aba sayang ang dalawang libo no. Inagaw niya ang hawaka kong paper bag kung saan nakalagay ang pinagpalitan ko ng damit pati na rin ang mga extra na napkin. "Babalik ako dito pero ihahatid muna kita ng ligtas, itatago muna kita pansamantala." kinunotan ko siya ng noo dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Saan?" "Kahit saan pero hindi sa barangay natin." seryosong saad kaya mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Minsan lang maging seryoso 'tong si Roi. "Hala paano ako makakapunta kay Tatay? Paano 'yung mga kapatid ko?"panggigiit ko. Hindi pwedeng magtago lang ako ng magtago. "Basta ako bahala sakanila saka isa pa titignan muna natin ang sitwasyon kung ipakukulong ka niya o anong balak niya sa'yo." kapag nagtago ako ay paniguradong hindi ko na matutustusan ang pangangailangan ni Tatay at ng mga kapatid ko dahil hindi ako makakapagtrabaho pero kapag naman nahuli at nakulong ako mas lalong hindi ko na masusuportahan ang panganagailangan ng pamilya ko. "Kay Mamsh Jorgie nalang ako punta. Kailangan n'yang malaman 'to." umigting ang panga ni Roi at kinunotan ako ng noo. "Mamsh Jorgie? 'Yung pokpok?" napatango tango kaya inis niyang kinagat ang ibaba niyang labi at hinila ako papunta sa sakayan ng tricycle. "Manong barangay Aplaya po." saad niya at ipinasok ako sa loob ng tricycle kaya nagtataka ko lang siyang tinignan. "Tricycle talaga tayo sasakay? Ma-mahalan tayo." sumakay na siya sa loob at nagsimula na rin umandar ang ang tricycle. "Maguusap tayo kapag nakarating na tayo sa bahay nung babae na 'yun, T-ngina. Sinabihan na kita Paint Cenery!" binigyan ako ng matalim na tingin ni Roi dahil galit na talaga siya. Kagaya ni Tatay, ayaw na ayaw niya rin na maging bayaran babae ako o isa saamin ni Gracielle at nang mga kapatid kong babae. "Hindi naman ako naging bayaran no at alam mong hinding hindi ko gagawin 'yun.." nakanguso kong saad pero huminga lang siya ng malalim at iniwas ang tingin saakin at matigas na tumingin sa labas. "Uy, galit ka? Promise kahit itanong mo pa kay Mamsh Jorgie wala akong ginawang kapokpokan." hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako. "Parang tanga mapipi ka sana ng tuluyan.." inirapan ko siya at pagkatapos buong byahe ay tahimik lang kami dahil hindi niya ako kinakausap at 'di ko na rin naman siya kinausap no. Hmp. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Barangay Aplaya at sa mismong bahay ni Mamsh Jorgie kami tumigil. "Magkano kuya?" malamig na tanong ni Roi. "Sikwenta toy." naglabas ng singkwenta si Roi sa kaniyang bulsa at inabot sa driver. "Ang mahal naman kuy----Aray, grabe namang manghila 'to, nyeta ka Roi pasalamat ka nanghihina ako!" hindi niya ako pinansin at iginiya papunta ng gate nina Mamsh. Kinalampag ni Roi ang gate ni Mamsh Jorgie. Pinipigilan ko siya pero ayaw magpaawat kaya napapatingin ang ibang chismosang kapit bahay dito "Sino ba 'yan?" iritadong saad ni Mamsh hanggang sa binuksan niya na ang gate. "Oh, Roi and Paint. Anong sadya ng mga magaganda at gwapo mula sa Brgy Dukieta? Bakit masyadong maraming maganda at gwapo sa barangay n'yo no." matamis na sambit ni Mamsh Jorgie saamin habang pasalit salit ang tingin nito saakin at kay Roi. Napangiwi pa ako nang makita ko na napaka maikling maong short siya at sandong sobrang nipis. "Papasukin mo kami at kailangan nating magusap." hindi na nagtaka si Mamsh Jorgie at binuksan nalang ang gate niya para makapasok kami. "Mukhang alam ko na kung bakit kayo nandito." nakangisi niyang saad habang sinasarado ang gate at nauna ng maglakad papasok ng bahay nila. Maganda ang bahay nina Mamsh. Malaki para sa tatlong tao na nakatira dito. Kasama niya ang isang kapatid na babae at pinsan. Nalaman ko 'to nung unang pagpunta ko rito. " 'Diba nakapag usap na tayo na h'wag h'wag mong irerecruit 'tong Paint na maging pokpok kagaya mo?!" galit na sigaw ni Roi nang makapasok kami sa loob ng bahay ni Mamsh. "G na G ka na naman saakin wala naman akong ginagawa, bago ka magalit saakin naitanong mo ba d'yan sa bestfriend mo kung ano ang tunay na nangyari?" walang reaksyon na sagot nito saamin kaya hinawakan ko ang braso ni Roi para pakalamahin. " Ewan ko ba d'yan Mamsh. Ang OA kala niya ata naging pokpok na ako porket sumama ako sa'yo, Tss judger ka Roi." sinulyapan ko si Roi pero matalim lang ang tingin nito kay Mamsh dahilan para mapangiti ng matamis ito. "Why do people judge each other where in fact, they also have flaws?" inosenteng panimula ni Mamsh Jorgie kaya natahimik kaming dalawa ni Roi. "H'wag kang maging judgemental hijo, In the first place dapat alam mo 'yung both sides bago mag-conclude. Hindi naman porket nakasalamuha ko ang isang babae ay automatic magiging pokpok na rin. Mga Filipino nga naman sarado ang isip at masyadong judgemental. Why don't we start educating ourselves and try not to react harshly on certain situations that we knew is one sided? Ang buong mundo nga naman ay napupuno ng mga hurado. Ika'y kanilang lalaitin, kutyain, husgahan at ituring na salot sa lipunan na walang matibay na basehan." napatanga ako dahil biglang nagsalita ng gan'to si Mamsh na talagang hindi kapani-paniwala. "Ilang Tao lang kaya ang marunong umunawa? Ilang Tao pa kaya ang hindi marunong makinig sa paliwanag bago humusga? Alam n'yo, h'wag n'yong ugaliin ang manghusga ng manghusga ng walang basehan at walang sapat na kaalaman. H'wag lang ang mata at tenga ang gamitin para alamin ang katotohanan, hindi porke nakikisama ang isang babae saakin dahil recruiter ako ng mga bayarang babae ay pokpok na agad sila, hindi porke nag make up, nagsuot ng sexy na damit ay pok pok na agad. Tignan n'yo kung kayo ang nasa sitwasyon, eto ngayon kasama at kausap ko kayo. Masasabi n'yo bang magnanakaw at drug dealer na rin ako? Hindi 'di ba kasi nakikipag usap lang ako at 'yun ang totoo.." napalingon ako kay Roi na ngayon ay nakatitig sa sahig samantalang si Mamsh Jorgie ay diretso lang ang tingin saakin. "Iha-halimbawa ko ang sitwasyong 'to sa isang cancer na sakit para maunawaan n'yo, hindi porke wala ka ng nakikitang sintomas ng sakit ay cancer free ka na. Hindi mo matatawag ang sarili mong cancer free kung walang basehan o patunay mula sa doctor. Hindi nga lang first opinion ang ginagawa nilang basehan. Inaalam, pinagaaralan at sinusuri muna talaga ng mga doctor kaya nga nagkakaroon pa ng second to third opinion para masabi kang Cancer free bago mo mahusgahan ng doctor na wala na siyang sakit. Nauunawaan n'yo ba ang punto ko?Pangalawnag halimbawa, Sa korte. Hindi ka maakusahan ng guilty hanggang walang matibay na ebidensya na magdidiin sa'yo." napalunok ako at talaga namangha ako sa galing niyang magsalita na talagang kala mo ay isang speaker na naghihikayat na gumawa ng mabuti. "Nakukuha n'yo ba ang punto ko? Na bago manghusga ay dapat inaalam, pinagaaralan, sinusuri at kailangan may basehan. Alam n'yo wala naman problema saakin kung lahat ng tao sa buong mundo ay husgaan at tawagin ako ng, pokpok, pawalk, malandi, prostitute, at kung ano ano pang masakit na salita ang ayaw ko lang at ikinaiinis ko ay nadadamay ang mga nakakasalamuha kong inosente naman at walang ginagawang masama pero damay pa rin sila sa panghuhusga ng tao. Hindi lang sainyo ko 'to sinabi, kahit sa mga iba kong kamag anak at kaibigan dahil gusto ko maging bukasan ang isipan nila/niyo sa mga gan'tong sitwasyon. Iwasan ang pagiging mapanghusga na tao.." sabay pa kami napabuntong hininga ni Roi at nagkatinginan din kami kaya tinanguan ko siya. "Sorry nadala lang ako ng emosyon ko." puno na pagsisi na sambit ni Roi kaya ginaya ko na rin siya. "Pasensya na rin Mamsh." Ngumiti lang ng matamis saamin si Mamsh."Naiintindihan ko at sana sa sobrang haba ng sinabi ko ay may naintindihan kayo. Sige na maupo na muna tayo at pag usapan na natin ang pinaka problema." naupo kami ni Roi sa malambot na sofa ni Mamsh na kaharap nito kung saan siya umupo. "Lingid sa kaalaman mo Roi hindi ko ibenanta ang katawan ni Paint sa kung sino sino lang. Iba ang raket ko ngayon, pumupunta kami sa bar ng mayayaman para doon magnakaw. Magpapakatotoo ako sa'yo sa kung ano ang madalas na strategy na gamit namin. Aakitin namin ang lasing na lalaki hanggang sa kukunin namin ang wallet pero iba ang ginawa ni Paint dahil expert siya sa pagnanakaw ay hindi niya na kailangan mangakit kayang kaya niyang kumuha ng wallet ng mabilisan.." panimula ni Mamsh kaya napatango tango at sumulyap naman kay Roi na bumuntong hininga. "Naiintindihan ko pero Aling----." pinutol ni Mamsh ang sasabihin niya at itinaas pa nito ang hintuturo niya na parang sign ng 'No' "Mamsh Jorgie. Ang baho ng Aling pang chismosa." napangisi nalang ako at napailing iling kaya tumikhim nalang si Roi. "Mamsh Jorgie, hindi ba kayo natatakot na mahuli lalo pa't magiging kalaban n'yo ang mga mayayaman na tao? Alam ko naman na malinis ka ring magtrabaho at 'di mo hahayaan na mahuli kayo pero ngayon palang sinasabi ko na Mamsh na itigil n'yo ang pagnanakaw n'yo sa mga mayaman dahil kapag nahuli kayo n'yan mahirapan ka na kalabanin sila." seryosong wika ni Roi kaya natulala lang si Mamsh na para bang iniisip na kung ano. "Kilala mo ba ang mga Montego?" tanong pa muli ni Roi pero umiling lang si Mamsh Jorgie. "May TV kang malaki pero hindi ka marunong manood ng balita no? May pera kang pambili ng make up pero dyaryo wala?" sarkastikong usal ni Roi pero inirapan lang siya ni Mamsh. "Eh sa busy lang akong lumandi, ok na? Happy ka na?" natawa ako sa sinabi niya pero ang katabi ko ay seryoso pa rin. " Lingid din sa kaalaam mo na Montego lang naman ang ninakawan nitong si Paint si Captain Roks Montego na isang sundalo. Alam n'yo bang Montego ang isa mga kilalang pamilya sa lipunan. Bukod sa mayaman sila ay ang buong pamilya ng mga 'to ay pinapahalagahan ang batas at hindi kinokonsinte ang mga masasamang gawain lahat ng kasapi ng pamilya nila ang trabaho, Pulis, Sundalo, Navy, Detective, Prosecutor, Imbestigator, Laywer at iba pang mga propesyon na halos ka allign ng mga 'yan." nanlaki ang mga mata kong tinignan siya dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "Paano mo nalaman na Montego ang nanakawan ni Paint eh wala ka naman nung nagnakaw siya." nabalik ang tingin kay Mamsh kaya nagtiim ang bagang ko bago magsalita. "Nagkita kami Mamsh sa party na pinga e-extra namin ni Roi, hindi ko rin inaasahan na makikilala n'ya ako. Ginagawa ko na nga ang lahat para pagtaguan siya pero nakilala niya pa rin ako at binantaan niya ako Mamsh. Pagsisihan ko raw na ninakaw ko ang wallet at first kiss niya!" wala sa sarili kong usal at huli ko na narealize ng magsalita bigla ni Roi. "Ano first kiss?" napalunok ako habang nakatingin sa mata niyang nagliliyab na. " A-ah oo first kisapmata niyang album. Ninakaw ko tas binenta ko." pagdadahilan ko saka iniwas ang tingin sakaniya. "Hindi ako bobo para maniwala sa kisapmata na 'yan, napaka walang kwentang dahilan. Sabihin mo ikaw ang humalik doon kay Captain Roks?" hindi ako sumagot at sa halip ay tumingin ako kay Mamsh na tinatanguan lang ako na para bang sinasabi na umamin na ako. "Ano?" naiinip na tanong ni Roi habang pinapagalaw ang kaniyang panga. "Hindi ko naman sinasadya kaya! Eh hindi pa naman dadampi ang kamay ko sa likod ng pans niya bigla nalang nitong nahawakan kamay ko kaya nataranta ako hinalikan ko na para kunin ang wallet." "Pwede mo naman kasing h'wag ng ituloy 'yun kung alam mong mahuhuli ka na, takte naman pwede namang sabihin may dumi o ano pero halikan? T-ngina kala ko ba bibigay natin first kiss natin sa mga magiging asawa natin?" nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang pangako namin sa isa't isa nina Gracielle dahil kahit millenial kami ay napagkasunduan namin na bibigay ang unang halik namin sa magiging asawa namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD