Chapter 4 (PART 2)

2765 Words
"Seryoso? Maglalakad ako ng parang aso? Eh ikaw ibon, lilipad ka ba n'yan? Ikaw ahas gagapang ka n'yan? Ikaw baboy gugulong ka niyan? T-ngina n'yo, alam na alam ko pag pinag t-tripan ako. Yari kayo saakin mamayang mga engot kayo.." "Ladies and gentlemen! Let's give around of applause to the constestant of Pet's Runway!" nagsimula na ang tugtog ng pang rampa nakita kong sinenyasan na ako ng organizer na rumampa kaya huminga ako ng malalim at magsisimula na sana maglakad pero nadapa ako dahil may paa na humarang saakin. Tinignan ko kung sino ang pumatid saakin walang iba kung hindi 'yung baboy na mascot. Rinig ko ang malakas na tawanan ng tao kaya sobrang naasar ako at tumayo saka naglakad na parang walang nangyari saakin. Mamaya saakin ang mga hayop na 'to. Matitikman nila ang bangis ng asong nagngangalang Pintura. Pasalamat sila kung wala lang 'yung lalaking gray ang mata at 'di ko siya pinagtataguan ay gumawa na akong eksena dahil binubugbog ko sila. "Hahaha, ayos kalang ba doggy?" natatawang tanong ng host kaya nag thumbs up lang ako. "So dahil ok lang si Doggy, let's call the contestant for the dog category!" kumaway kaway nalang ako sa paligid hanggang sa makapunta na ako sa pinaka harap ng stage. "Doggy wawa siya.." napatingin naman ako sa batang babae na biglang humagulgol at mula 'yun sa table ni Captain. Bumaba siya sa kinuupuan niya saka tumakbo palapit saakin. "Dawina!" sigaw nila kaya tumalon ako mula sa stage para mabuhat ang bata babae. Umiyak 'to, sa bisig ko kaya napangiti ako dahil umiiyak siya kasi nga nadapa ako. "Dawina baby.." napatingin ako sa babaeng lumapit saamin si Atarah. Napalunok pa ako dahil nakakapang liit ang kagandahan niya para siyang Diyosa na hindi nakakasawang tignan ang mukha. Hindi ako magtataka kung mahuhumaling sakaniya si Captain pati na rin ang asawa ngayon. Siguro maraming gwapo ang baliw na baliw saknaiya kasi naman kulang ang salitang 'Maganda' para idescribe siya. "Let's go baby, Ok lang si doggy. Later gagamutin siya ni Tita Mikee, ok? Let's go na, may gagawin pa si Doggy oh.." napakaganda ng boses niya at hinhinhin. Ibinigay ko naman sakaniya ang batang si Dawina kaya nginitian niya ako dahilan para matulala ako sakaniya dahil mas maganda siya kapag nakangiti. Nakakapangliit. Huminga ako ng malalim at bumalik sa taas ng stage. Nagpatuloy ang programa hanggang sa matapos na ang katergorya ng mga aso pero may kakaiba akong naramdaman. Namamanhid ang paa ko, nanakit ang puson ko at may kung anong bumubulwak sa ibaba ko. Syet, bakit ngayon ka pa dumating? Wrong time ampotakte. Ramdam na ramdam ko na ang kakaibang lansa na amoy ko sa loob ng mascot dahil basa na ang pambaba kong damit. "Hoy pusa, hanggang mamaya pa tayo dito?" tanong ko dahil siya ang katabi ko,kagaya ko tapos na rin siyang rumampa. "Oo, hanggat dipa tapos rumampa ang lahat." umikot ang sikmura ko dahil hindi na akong kumportable lalo pa't pakiramdam kong marami ng lumabas na dugo. Kapag first day ko kasi matic na bubulwak ang dugo ko, mas malakas pa siya sa second day ko kaya eto ngayon, mabilis akong nanghihina at sinasakitan ng sobra sa puso. Hindi na ako nakatiis at bumaba na ako ng hagdan pero hinarangan agad ako ng bantay. "Saan ka pupunta?" mataray na usal ng babaeng halatang masungit. "Magpapalit lang po ako ng pads, meron ako ngayon." nakangiwi kong saad kaya pinagkunotan niya ako ng noo. "Babae ka?" gulat na saad niya kaya gustong gusto ko siyang barahin pero hindi ko na itinuloy at sa halip ay napatingin ako sa paligid dahil baka marining nung Captain. "Shh, h'wag kayong maingay. Babalik din po ako.."seryoso kong saad sakaniya. "Oh siya bilisan mo. Dito kana sa likod ng stage dumaan." tumango ako at naglakad na ako ng mabilis. Wala akong extrang damit, pabs at napkin kaya taypats na taypats ako nito. Syet lang, bakit kapag nakikita ko ang lalaking gray na matang 'yun minamalas ako? Ramdam ko ang sobrang sakit ng puson ko. Nanlalambot ako na ewan at ang sakit na ulo ko. Gan'tong gan'to kapag dinadatnan ako tapos unang araw ko pa. "s**t wala pa akong extrang napkin." saad ko sa sarili ko. Hindi na ko dumaan sa Hall dahil wala naman akong makukuha doon at nagkakagulo pa sila doon dahil marami ngang ginagawa saka isa pa wala namang CR doon, under construction pa. Nagbihis lang kami sa isang kwarto kanina. Binilisan ang lakad ko saka luminga linga sa paligid ng park para maghanap ng bibilhin ng pads at may nakita akong convinience store na medyo may kalayuan ang kaso lang ay kailangan pang tumawid. At dahil nakakita na ako ng covenience store ay hinanap ko naman kung nasaan ang CR dito dahil ang alam ko kanina may nakita kong public CR dito sa park. Napalingon lingon mula ako sa paligid para hanapin ito at nanlamig ako bigla nang makita ko si Captain na kausap at kasama ang batang si Dawina saka ang batang lalaki na mukhang papunta saakin kaya mabilis akong tumakbo para maghanap ng tataguan ang kaso ay bigla akong nadapa dahil sa nakaharang na bato at sa pagmamadali ko na rin. Napangiwi ako nang gumulong gulong ako sa paslide ng sementong daan hanggang sa natanggal na ang ulo ng mascot ko. Napadaing ako dahil mas lalong sumakit ang katawan, puson at ang masama pa ay nagbulwakan na ata lahat ng dugo ko sa katawan. "Doggy!" nanlaki ang mga ko nang marinig ko na naman ang boses ng batang si Dawina. Hirap na hirap akong tumayo at hinanap ang ulo ng mascot at napakagat ako ng labi nang makita kong pinulot 'yun ni Captain habang diretso ang tingin niya saakin. "Wala ng ulo si Doggy!" umiiyak na saad ng batang si Dawina kaya napalunok ako at nagsalit salit ang tingin ko kay Captain pati narin sa mga kasama niyang bata. "Ate Dawina, don't cry Papa will put back the head of doggy." malambing na usal ng batang si Ranch ata dahil 'yun ang narinig kong tinawag sakaniya kanina. "Here.." nanlamig ang pawis ko at pakiramdam ko tuloy tuloy ang pagbuhos ng dugo ko sa panty dahil ngayon ay nasa harapan ko na sila. Natutulala ako ng bongga sa gwapong mukha ni Captain dahil siya pa mismo nagbalik ng ulo ng mascot sa ulo ko. Nasinghot ko pa ang napakabango niyang amoy bago tuluyan maisuot saakun ang mascot. " See? Magaling si Papa Ate Dawina. Doggy is fine now!" masayang saad ni Ranch sa Ate Dawina niya na patuloy pa rin ang paghikbi. "You ok?" napalunok ako ng marinig ko ang tanong ni Captain kaya napatango tango nalang ako saka nag thumbs up. "Did you eat na Doggy?" tanong ng batang si Ranch kaya tumango lang ako ulit kaya lumaki ang ngiti niya saakin. "Buhat mo 'ko! Doggy!" napaawang ang labi ko dahil gusto magpabuhat ng batang si Dawina kaya wala na akong nagawa kung hindi buhatin siya dahil ayoko namang magsalita at tumangi. "Papa, take us a picture please.." kumunot ang noo ko dahil tintawag ng batang si Ramch na 'Papa' si Captain. Talaga bang anak niya ba ang mga batang 'to? Bakit hindi sila magkamukha? "Sure. C'mon pumwesto na kayo.." inilabas ni Captain ang mamahalin niyang phone na touch screen saka itinapat saamin. Naramdaman ko na hinawakan ni Ranch ang kamay ko kasabay ng pagbulwak muli ng dugo ko dahil buhat buhat ko si Dawina. "Say doggy!" masayang sigaw ni Dawina kaya sumigaw muli eto pati na rin si Ranch. "Doggy!" "Doggy, carry me too!" napakagat ako sakain labi dahil ngayon gusto na narin ang magpabuhat ni Ranch at kapag binuhat ko siya paniguradong mauubos na talaga ang dugo ko sakatawan. "No, you're too heavy Ranch. Gusto mong matatangal ang ulo ni doggy?" ewan ko ba kung nangaasar siya pero parang nangaasar talaga siya. "No, Papa. Ok Doggy just sit down and po kami dito dito then papa wil take us again picture, is that ok with you?"sinunod ko ang gusto ni Ranch. Sa malapitan talagang masasabi kong hindi niya kamukha si Captain, gwapo at perpekto ang mukha ng batang si Ranch at mas lamang na kahawig 'to ng gwapong asawa ni Atarah. Pero bakit sa picture magkakasama itong si Dawina, Ranch, Atarah at etong si Captain? Tapos ang nga mata pa ng bata kulay abo. Contact lense lang? Ang gulo naman ng pamilya nila."Say Doggy!" sabay na sumigaw si Dawina at Ranch samntalang ako ng peace sign lanh. "Papa sama ka, sit ka sa tabi ni doggy. Selfie nalang tayo.." bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi ng bata kaya tumango si Captain at tumabi saakin. "You are good in dancing but you're too clumsy." malalim na boses na saad niya kaya kinilabutan ako. "Papa game na! Say Doggy!" itinaas ni Captain ang phone niya saka itinapat saaming apat. Niyakap ako ng mahigpit ng dalawang bata saka sabay silang sumigaw pero sa pagkakataong 'to nakisigaw na rin si Captain. "Doggy!" At nang matapos na ang picture taking namin ay hinarap ng batang si Dawina. ''Doggy, san ikaw pupunta? bakit ikaw umalis doon?"natigilan naman ako sa sinabi nito at 'di makapagsalita. Ayokong magsalita dahil t'yak makikilala ako ni Captain, malaking tyansa na makilala niya ako sa pamamagitan ng boses ko. "Ate Dawina, I think she can't understand tagalog? Speak English, 'diba magaling na ikaw?" natigilan naman ako dahil balak ata nilang paduguin ang noo kasi mag sasalita sila ng english kaya mabilis akong nagsalita pero nilakihan ko boses ko. "Nakakintindi ako ng tagalog, arf arf. Mag c-cr lang si doggy arf arf." namumulang saad ko dahil nakakahiya 'tong ginagawa sa totoo lang lalo pa't nakita na ni Captain ang mukha ko. Napatingin kami kay Captain nang bigla itong tumayo saka nagsalita. "Wait me here, I'll leave the children here. Don't you ever try to kidnap them, you'll regret it.." maotoridad n saad niya kaya bigla akong kinabahan parang iba ang gusto niyang iparating. May alam na ba siya? "Papa, she's not kidnapper!" pambabawal ng batang si Ranch. Kung satingin niya k-kidnapin ko ang mga bata eh bakit iiwan niya saakin, lalo pa kung may trust issue 'to? Wait baka pain 'to? Baka gusto niya lang akong hulihin? "Yeah, you both behave, ok? I'll be back." nagtataka akong tinignan siya nang tinalikuran niya kami. Gusto kong tignan kung saan siya pupunta pero kinuha ni Ranch ang atensyon ko. "Doggy! You're kind naman 'diba? Hindi mo naman kami k-kidnapin 'diba?" matamis na tanong ni Ranch kaya umiling lang ako. "Hindi ha, mabait ako arf arf." sagot ko kaya tumawa siya pati na rin si Dawina. "Ate don't bark, you're funny. I know you're human don't pretend. Mas gusto ni Ate Dawina na nagsasalita ng ayos ikaw.." natatawa niya pa ring sambit kaya awkward akong natawa dahil parang inaasar niya talaga ako. "Sige, Magkapatid ba kayo?" tanong ko sakanilang dalawa pero sabay lang silang umliling at mas lalong yumakap saakin si Dawina. "Nope, but I consider her as my Ate kasi po mag friends 'yung mga Mommy namin kaso si Tita Aida 'yung Mommy niya nasa heaven na kasama ni Papa niya pero po niaalagaan siya ngayon ni Tita Amirah, Tito Primch, Mommy, Daddy and Papa!" masyadong madaldal ang batang si Ranch kaya nacute-an ako ng sobra sakaniya. Ang bibo at talino niyang bata. "Doggy, you're so cute. Punta ikaw birthday ni Dawina! Ok?" malambing na usal ni Dawina saka ikinaskas ang ang pisnge niya sa katawan ko. "Dawina was right Ate, punta ikaw! Next week na birthday niya, Please? I'm sure she'll be happy kung nandoon ikaw.." nanlaki ang mga mata ko dahil masyado silang attach saakin lalo pa't iniinvite pa nila ako sa party nila pero hindi pwede. Mas lalo lang akong mapapalapit doon kay Captain, parang nilalapit ko na rin ang sarili ko sa kulungan kapag pumayag ako sa gusto ni Dawina. "Busy kasi ako, pero try ko. Hmm, tatay mo ba 'yung tinatawag mong Papa?" pangiiba ko ng usapan para mawala sa isipan nila 'yung tungkol sa pag invite saakin. "Tatay is a father right?"inosenteng tanong kaya tumango nalang ako dahil talagang ang ganda ng pronunciation, diction at sobrang confident niya mag english kahit bata palang siya. "She's my Mama's friend. I call him Papa po kasi po, nung wala pa si Daddy at nasa malayo pa siya, Papa was there to take care of us.." napaawang ang bibig ko dahil ang malinaw saakin ay naging kapalit siya ng ama ni Ranch pansamantala. "He loves your Mama?" tanong ko pa para malinawan ako dahil noong narinig ko sa usapan nila sa bar, broken yata 'tong si Captain dahil kay Atarah. "Ate, Shh. I'll tell you a secret, ok? Papa loves my Mama but Mama loves Daddy. Maraming may love kay Mama cuz She's pretty and Kind ang kaso mas love ni Mama si Daddy. You know my Tito Kristan, Tito Adier loves Mama too." sino ba namang lalaki ang hindi maiinlove sa kagandahan ng Mama niya. Kahit siguro mga maligno mahuhumaling sa ganda niyang mala Diyosa. "Talaga.." natutulala kong saad dahil nakakapangliit. Hindi sa naiingit ako pero talagang nakakapangliit lang kasi may gano'n palang kagandang babae. "Yeah but you're beautiful and kind too. You're funny and good in dancing. I think I love you Ate.." natawa naman ako sa sinabi ni Ranch lalo pa nang niyakap niya ako kaya ginaya siya ni Dawina. "I love Doggy too, Ranch!" "Love ko rin kayo!" saad ko saka niyakap sila pabalik. Namiss ko tuloy ang mga kapatid ko. Panigurado kapag nakita ako ni Hanna ang bunso namin pati na rin si Coco na special sa mga kapatid ko ay matutuwa sila. "Do you think Papa is pogi?" nagtaka naman ako sa biglang nagseryoso ang mukha ni Ranch habang nakatingin ng diretso saakin. "Ayos lang." pa shobiz kong sagot dahil hindi ko masabing. 'Oo ang gwapo gwapo niya' "What do you mean ayos?" napalunok ako dahil kinunotan ako ng noo ni Ranch kaya napakagat ako saaking labi."Gwapo konti." napangiti naman siya ng konti saka tinuro ang sarili niya. "Really? Then how about me?" "Gwapo ka sobra!" masaya kong sambit pero sumabat si Dawina kaya natawa ako at niyakap ito muli. "Dawina is pretty too!" "Oo naman sobrang ganda." humagikgik siya pero napatingin ako kay Ranch na malaki ang ngiti saakin. "I think I really love you. I'll marry you Ate when I grow na, ok?" nalaki ang mga mata ko at talagang natawa ng sobra dahil sobrang cute niya. "Ranch, what are you talking about?"unti unting nawala ang ngiti ko dahil narinig ko na ang boses ni Captain pero hindi ko 'to nilingon. "You're back Papa!" masayang sigaw ni Ranch. "You'll marry her?" seryosong tanong ni Captain kaya tumango tango lang ang bata. "Yes, I'm so inlove with her Papa."sagot ng bata. "She's old and you're still a baby." pagpipigil ni Captain. Gusto ko siyang tignan pero hindi ko na ginawa dahil baka mapatitig na naman ako sakaniya. "I know but Ate will wait me naman po." nakangusong usal ni Ranch. "Choose a woman that's afraid to do bad things." kahit hindi ako marunong magsalita ng english masyado ay nakakaintindi naman kasi ako kaya alam kong may ibang ipanhihiwatig 'tong lalaking 'to. "Kaya nga po, Ate is Kind naman ih she make us happy! And that's so cute!" malaking ngiting saad nito kay Captain. "You don't know her anak.." sa pagkaktaong 'to ay hindi ko napigilan ang sarili ko at napatingin na sakaniya. Kitang kita ko na umigting ang panga nito saka inilahad sakin ang dalang plastic. "Here, get this." tumambad saakin ang isang plastic ng napkin kaya pinagpulahan ako ng pisnge. Paano niya nalaman? Don't tell me naamoy niya na kalansahan ko? Syet nakakahiya! Potakte naman. Kainis! "Is that diaper?" inosenteng tanong ni Dawina. "Yes, Doggy needs this." seryosong binibigyan niya ako ng mapanukat ng tingin. "Get this then change." malamig nuya pang sambit kaya nanginginig ang kamay ko na kinuha ang hawak niyang plastic. "Let's go Dawina amd Ranch, Doggy will change diaper. We'll just wait her in our table." tumango naman ang dalawang bata at nagsimula ng maglakad palapit kay Captain."Ba-bye Doggy! See you later." magiliw na paalam nila pero napatingin ako kay Captain na lumapit naman ngayon saakin. "We'll talk after you change your pad. Don't you ever try to escape again, I will follow you. No matter where you are in this f-cking world, I have ways to find you." napalunok pa ako lalo pa't lumapit sa lalo saakin at binulungan. "You will regret what you just did, you stole my wallet.." huminga siya ng malalim at lumapit saakin. "And my first kiss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD