Paint Cenery
NAGBOW ako ng bahagya at ngumiti saka tumalikod para hindi masyadong halatang kinakabahan ako. Sh-t, sa lahat ng mga nanakawan ko sakaniya lang ako kinabahan nang magkrus muli ang landas namin.
Paano naman kasi, 'yung mga nanakawan ko hindi naman ako gan'to tignan, parang walang lang nangyari kasi nga malinis akong magtrabaho at matic na nawalang makakakilala saakin.
Oh baka naman nag o-overthink lang ako? Kasi lasing siya at medyo madilim kaya sure akong hindi niya ako makikilala. Pero bakit siya nakatingin? Assuming lang ba ako? O baka hindi siya nakatingin saakin? Baka duling lang? Baka sa likod ko nakatingin?
Inis kong tinulak ang stroller na may laman na biscuit ng dog habang papunta ng Hall. Kailangan ko na talagang makagawa ng paraan para makaalis sa lugar na 'to dahil hindi naman gano'n kalaki ang park na para hindi kami magkita muli at kapag nagkataon na magkita kami ulit ay paniguradong yari na talaga ako nito.
"Paint! Hindi mo pa raw nahahatid sa mga bandang harap 'yung biscuit for dog." saad ng kasamahan ko sa waiter na bigla akong sinabayan papunta ng Hall.
"Ah hindi pa ba? Sorry pwedeng ikaw muna may emergency kasi eh, kailangan kong makausap si Roi." nakangiwi kong saad sakaniya at umarte na sobrang natataranta kaya huminga ng malalim at tumango.
"Oh sige, bilisan mo ha. Maghahatid din kasi ako ng Cat food tapos kailangan n'yan mag hatid na tayo ng pagkain sa mga bisita kasi start na 'yung pet runway.'' tumango ako at mabilis na tumakbo papunta ng loob at naabutan ko ang mga nag m-mascot doon na umiinom na mga tubig.
"Roi!" napatingin naman siya saakin at inilahad ang hawak niyang tubig.
"Oh ano tomguts kana? Kain ka muna biscuit ng aso d'yan. Tiis tiis muna tayo Ate ha, makakaraos din tayo." malokong usal niya kaya napairap nalang ako saka lumapit sakaniya upang bulungan.
" Palit nalang tayo, ako muna mag mascot. Ayokong napapagod ka eh. Kawawa naman ang bestfriend ko mukha ng tukmol.." ngumisi siya dahil sa sinabi ko at ibinaba ang hawak niyang baso ng tubig.
"Based on my intellectual capacity and my vast knowledge, tactically and tentively, right from the beginning, of Ecclesiastes evolution I have come to a concrete, definite and profound conclusion that I actually have nothing to say but, while camping my brain suddenly stop working, I had to think fast so I remove my brain and put some soil inside, connect the wire then light it up! And I think You're hiding with someone, pakwan, dandandan dalandan~ dandandan real real lasap na lasap real na real na real dandandan dalandan~ Problem solve. Im an alpha kid." napahilot naman ako sa sintido niya dahil nagawa niya pang kumanta at nagsimula na naman siya magsalita nang walang kwenta hindi mo talaga maiintidihan dahil mali mali naman 'to at niloloko niya lang talaga.
"Tado ka, seryoso ako! Andami mong dada d'yan mag start na yata ang runway dapat nandoon ka 'diba? Ayan na lumalabas na 'yung iba mong kasama." madiin kong saad saka kinuha ang ulo ng mascot na nakalagay sa sahig.
"Paano mo nasabe?" mapangasar na sambit niya kaya inabot ko ang tenga saka piningot 'to kaya mabilis niyang hinampas ang kamay ko.
"Aw, Ebarg ka dudes, bakit badtrip ka saakin ngayon? 'Di mo na ako love? Frienship over na ba?" nakanguso niyang sambit kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"H'wag mo 'kong artehan Roi Gin Jeriox kung ayaw mong maramdaman muli ang bangis ko. Tss sige na, magpalit na tayo." luminga linga ako sa paligid at busy ang lahat samantalang ang ibang kasamahan n'ya na mascot ay nagsilabasan na
"Bakit mo ba gusto makipag palit? Mat tinataguan ka talaga no? Ang bigat ng mascot na 'to saka mainit. Mabigat na trabaho 'to kaysa sa waiter?" kunot noong sambit niya habang naka halukipkip saakin habang sinusukat ng tingin ang kabuaan ko.
"Kasi nga pagod ka na! Tignan mo ang itusura mo. Putla mo Roi seryoso ako." huminga ako ng malalim dahil determinando ako maging mascot para lang mataguan ang lalaking gray ang mata kasi naman hindi pwedeng umalis nalang ako sayang 2k na sweldo.
"Mascot be ready, lalabas tayo after 10 minutes pagkatapos nung speach ni Miss Mikee. " malakas na sigaw ng parang organizer ng party na 'to kaya naghihintay nalang ako sa sagot ng pabebe kong kaibigan.
"Paint ayaw din kitang mapagod ng sobra. Gentleman ako no, mas gugustuhin ko pang ako ang mapagod at mahimatay dahil hinding hindi ko talaga hahayaan ang mga babaeng sobrang mapagod." napangiwi ako sa sinabi niya dahil ang plastic ng sagot niya at halatang hindi sincere.
"Ulol, ang plastic mo! Bilis na kasi.." pumunta ako sa likod niya at akmang ibaba ko ang zipper pero umiwas siya.
"Yawa, plastic mo rin kaya lol. Once in the blue moon kalang nagiging caring saakin saka halata namang may pinagtataguan ka eh, sino ba? Crush mo? Awitize dalaganism na ang Pintura namin." inakbayan niya at ginulo ang buhok kaya nagtiim ang bagang ko sa sobrang gigil ko sakaniya.
"Oo meron akong tinataguan pero hindi ko crush 'yun! Happy?" naiinis akong saad sakaniya habang marahan na tinanggal ang ang mabigat na brasong ipinatong niya sa balikat ko.
"Uy, english 'yun! Nag i-improve ka na nga ha." tuwang tuwang sambit niya pero halata namang nangaasar na kaya tinulak ko siya ng pagkalakas lakas at muntik pa siyang mapaupo pero mabuti nalang at nabalanse niya ang katawan nito.
"Napipikon na ako sa'yo Roi Gin!" linapitan ko muli siya saka hinila ito palapit saakin para bulungan. "Eh kasi, nandito 'yung lalaking ninakawan ko kagabi, mukhang nakilala ako. Nagkita kami eh." madiin kong sambit pero nagtitimpi naman.
"Nagnakaw ka kagabi? Bakit 'di mo ko sinama? Selfish ka buti nga sa'yo. Tss."nginusuan niya kaya bumuntong hininga ako lalo pa't ngumuso saka nagpacute na 'to.
"Explain ko sayo mamaya. Basta palit nalang tayo. Sigurado ako kapag pinagpatuloy ko ang pag waitress aabot ako sa puntong magkikita ulit kami baka kaladkarin ako sa police station." nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na nagseryoso na ang mukha niya.
"Sino ba 'yan? Lalaki?" nagtatakang tanong niya.
"Si Captain, basta narinig ko tinatawag siyang Captain na kasamahan n'ya nun. Nakita mo ba 'yung lalaking Gray ang mata d'yan?"natulala siya bigla sa sinabi ko na talagang pinagtakhan ko. Anong problema na abnormal na 'to?
"Anak ng tokwa sawsaw suka! Seryoso ba? Captain na gray ang mata? 'Yung Montego?" nanlalaking saad kaya pinanliitan ko siya ng mata. Bakit gan'to ang reaksyon niya? Kilala n'ya ba?
"Huh? Sinong Montego basta umalis ka na d'yan, ano gusto mo makulong ha?" madiin kong bulong saknaiya habang lumilinga sa paligid para icheck kung may nakikinig ba sa usapan namin at mabuti naman ay wala.
"Hindi saglit, si Captain Roks Montego ba tinutukoy mo? 'Yung Matangkad, maputi pero mas gwapo ako?" inis akong lumapit sakaniya saka binaba ang zipper ng mascot saka tinulak siya dahil tulala lang 'to na animo may malalim na iniisip. "Siguro." iritado kong saad habang sinusuot ang mabigat na mascot.
"Ang bigat pala nito, anak ng shooting star. Init pa. Zipper mo nga." wala siya sa sarili niya habang itinataas ang zipper.
"Pintura Senarya, uuwi na tayo kung ayaw mong mapulot sa kulungan." nakangiwi at nanlalaking mata na sambit niya kaya pinagtaasan kolang siya ng kilay.
"Sayang sweldo sige na, hindi naman na ako mahuhuli kapag naka mascot ako. Gan'to nalang kapag hinanap ako bahala ka ng magdahilan.." kinuha ko ang ulo ng mascot saka sinuot saakin.
"Mali kang binangga, Montego 'yun.." tinap ko ang likod niya dahil parang kinakabahan siya na ewan. "Don't wareh, I can handle this." nakangisi kong sambit dahil nag english ako habang tinatalikuran siya.
"Bilisan n'yo na!" sigaw ng organizer kaya mabilis akong lumabas ng hallat pumunta sa pila kung nasaan ang mga kapwa ko mascot pero ibang hayop, ako kasi Aso, may pusa, ibon, baboy, ahas, at iba pa.
"Ano gagawin?" tanong ko sa pusang mascot.
"Luh? Bakit naging babae boses mo Roi?"napairap na lang ako kahit hindi naman nakikita parang tanga, pwede bang maging babae agad ang boses ni Roi? Tss.
"Tanga ako 'to si Paint 'yung waitress, nag exchange na muna kami. Ano ba gagawin?" iritado kong saad dahil sa nakakabobo niyang tanong.
"Bakit nagpalit kayo?! May dance number, hindi mo naman memorize 'yun?" biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. May dance number? Hindi ko alam ang step at mas lalong hindi ako marunong sumayaw.
"Keri ko 'yan. Dancerist ako.." pagsisinungaling at lumulunok na usal ko dahil sobrang kinabahan ako. Pakiramdam ko mapapahiya ako dahil masisira ang performance nila kasi nga parehong kaliwa ang paa ko at para akong robot kung sumayaw sa sobrang tigas.
"Bilisan n'yo na dito kaya pumwesto.."sambit nung organizer at pinapila kami sa gitna.
"Pst, ano ba unang step?" tanong ko kay Pusa na nasalikod ko dahil ako ang nasa unahan ng pila.
"Pupunta tayo doon na tumatalon talon at palakpak, d'yan tayo dadaan.."turo niya sa gitna papunta ng stage kung saan walang mga nakaharang na lamesa. "Tapos sa baba muna tayo ng stage kasi may dance number." napatango tango nalang at wala na akong magagawa kung hindi ilabas ang talent ko sa pagsasayaw na matagal ko ng itinatatago, lol.
"Tapos ano pa?" bumagsak ang balikat ko dahil unti unti ng nagsimula ang kanta mas lalo pa akong nabusangot lalo panh nang iplay pang korean na kanta. Fantastic baby ata 'to, laging pinapatugtog 'to ng kapit bahay namin eh addict kasi masyado 'yung anak niya sa K-pop.
"Yeogi but-eola modu moyeola
We gon' party like lilililalala
mam-eul yeol-eola meolil biwola
bul-eul jipyeola lilililalala.."
Huminga ako ng malalim at kahit mabigat ang mascot ay nagawa ko pang magtatalon habang pumapalakpak ang kaso lang ay hindi sumasakto sa beat kaya napangiwi dahil kahit simpleng palakpak ay
hindi ko kayang isabay sa beat.
Nagpapalakpakan naman ang mga tao nang magsimula na kami papunta sa baba ng stage.
"Jeongdab-eun mudji malgo geudaelo
bad-adeul-yeo neukkimdaelo ga alright
haneul-eul majuhago du son-eul da wilo
jeo wilo nalttwigo sip-eo oh.."
Sa pagtatalon at pagpapalakpakan namin ay 'di rin nagtagal ay nakarating na kami sa baba ng stage. Sobrang bilis nang tibon ng puso ko dahil ramdam ko na malapit na ang chrous hudyat na magsisimula na ang dance number kaya mabilis akong pumwesto sa likod kaya nagtaka ang ibang kasama namin pero patuloy pa rin sa pagtalon at pagpalakpak.
"Nanananana nanananana
Wow, fantastic baby
Dance (uhuu)
I wanna dan-dan-dan-dan-dance.."
Nagsimula na silang sumayaw, napangiwi naman ako dahil 'di talaga ako makasabay sa kanila bukod sa mabigat ang mascot na 'to ay masyadong mabilis ang step nila saka masyado silang magaling.
Napasulyap ako sa table nina Captain. Hindi niya katabi 'yung Atarah dahil katabi nun 'yung isang gwapong lalaki na Rare ata ang pangalan. Bale, magkaharapan lang sila sa round table at katabi ni Captain ang tatlong bata na mukhang mga anak niya doon kay Atarah.
Nakangiti 'to habang pinapanood ang mga anak niya na masayang nanood kaya unti unti na rin tumaas ang tingin niya saamin kaya nataranta ako feeling ko kahit naka mascot ako makikilala niya ako.
"I wanna dan-dan-dan-dan-dance
Fantastic baby
Dance (uhuu)
Iwanna dan-dan-dan-dan-dance.."
"Hahaha, leader ata ng Girltrends si Doggy, hindi makasabay.." rinig kong saad nung isang babae kaya natauhan ako sa pagtingin sa pwesto nina Captain dahil hindi na pala talaga ako nakapag focus.
Umalingaw ngaw ang mga tawa ng tao kaya nataranta na ako dahil ko na talaga kayang makasabay sa sayaw nila kaya sa sobrang hiya ko ay pumunta nalang ako ng stage at sinayaw ang sayaw ni Jollibee kahit hindi tugma sa beat dahil 'yun lang ang madaling gawin.
"I wanna dan-dan-dan-dan-dance
Wow, fantastic baby
I nanjangpan-e hey kkeutpan wang chalye hey ttang-eul heundeulgo 3bun-eulon bulchungbunhan race way.."
Mas lalong nagsitawanan ang mga tao dahil sa ginawa ko kaya naramdaman ko ang matinding hiya. Dumako ang paningin ko sa table muli nina Captain at nakatingin siya ngayon saakin pati na rin ang mga kasama niya na tumatawa at ang pinaka malakas na tawa ay dun sa maputing mukhang Japanese or Korean na lalaki kaya naginit ang pisnge ko bukod tanging si Captain at ang asawa nung Atarah ang hindi tumatawa.
"Bun-wigineun gwayeol huh
Catch me on fire
Jinjjaga natanassda nananana
hanabuteo yeolkkaji modeun ge da han suwi molaebeolpan wileul michindeus-i ttwieobwado geotteunhan-uli.."
Tutal hindi naman nila ako kilala ay tinodo ko na ang pagsayaw habang pinagtatawanan nila ako dahil wala naman akong natatapakan na ibang dignidad, bukod tanging saakin lang saka isa pa sapamamagita nitong pagasayaw ko ay nag e-enjoy naman sila at masaya.
Hingal na hingal akong ginalaw galaw ko ang pwet ko at hinarap sakanila para gawin ang jollibee dance. Hinanap ng mata ko si Roi Gin kung nandito siya at nakita ko mula sa Hall ay nakatingin siya saakin habang seeyoso ang tingin saakin.
"Haneul-eun chungbunhi neomuna puleunikka amugeosdo mudji mallan mal-iya neukkilan mal-iya naega nugunji
ne simjangsolie majge ttwigi sijaghae."
Wala na akong ginawang step kung hindi puro pang jollibee kaya napadesisyunan ko ng magbudots kaya nagpalakpakan ang tao habang tumatawa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papaano ay nagagawa ko silang patawanin at nagugustuhan nila.
Nagulat pa ako nang biglang may tatlong batang sumampa sa stage na nakikisayaw na rin. Napakagat pa ako ng labi nang mapagtanto ko kung sino ang tatlong bata; Isang lalaki at dalawang babae. Ang mga anak
ni Captain.
"Mag-i kkeutnal ttaekkaji ye
I can't baby don't stop this
oneul-eun talaghae (michyeo bal-aghae) ganeungeoy.."
Napatingin ako sa table nina Captain at lahat sila nakatingin saamin habang vinivideohan kami nung Atarah. Hindi ko rin inaasahan nang biglang umakyat lalaking tumatawa kanina ng pagkalas lakas; "yung maputing lalaki na mas maputi pa ata sa gatas habang buhat buhat ang dalawang batang lalaki na mga nasa 1 year old or moth old palang at mukhang kambal na sobrang excited na mapalapit saamin.
Kamukha niya ang bata, maputi at singkit. Siguro anak niya nga, napatingin ako sa tatlong bata na anak ni Captain at kumunot ang noo ko dahil parang hindi naman kamukha nito ang mga bata lalong lalo na 'yung lalaki. Kamukha siya nung asawa ni Atarah ngayon, samantalang ang isang babae ay kamukha nung isang babae sa table rin nila, at etong batang babae ay walang kamukha miski isa sakanila? Anak niya ba talaga ang mga 'to? Ang gulo naman, saglit bat ba pinoproblema ko 'to?
Ibinaba nung maputing lalaki ang kambal at nakikisayaw sayaw na rin saamin habang inaalalayan niya dahil hindi pa gano'n kapulido ang tayo nila.
Napatingin na rin ako sa ibang bata na lumapit sa mga mascot na nasa baba at ang iba ay dito sa taas
pumunta para magsayaw sayaw kaya napangiti ako. Mahilig ako sa bata sa totoo lang dahil na rin sa mga kapatid ko na mahal na mahal ko.
"Wow, fantastic baby
Dance (Uhh)
I wanna dan-dan-dan-dan-dance
fantastic baby.."
Hilong hilo na ako sa loob ng mascot na 'to at talagang pagod na pagod na
dahil napaka energetic ng nga bata at kailangan ko rin na sabayan ang energy nila. Kaya nakahinga ako nang maluwag nang mapagod sila kaya kinuha na sila ng mga parents nila samantalang 'yung may hawak na kambal na lalaki ay bumaba na rin kasama ang isang babae pero 'yung lalaki at 'yung isa pang babae, ang sumundo ay si Captain.
Napatitig ako sa mukha niyang puno ng maliliit na band aid pati na rin ang noo niya na naka bandage pero bakit ang gwapo pa rin ng lalaking 'to dahil ba sa gray na mata niya kaya gan'to nalang kalakas ang dating niya.
Lumapit siya saamin at malaki ang ngiti niya sa mga bata habang nakangiti. "Let's go Ranch and Dawina.." napalunok ako nang marinig ko muli ang parang musika niyang boses. Ang lalim at lalaking lalaki talaga ang sarap pakinggan.
"Babye Doggy! We'll take a picture later ha?" saad nung Ranch kaya napatango tango nalang ako at namagha dahil napaka fluent niyang magsalita ng english. Syet, daig pa ako. Sana all nalang.
Hindi na ako tinapunan ni Captain ng tingin at binuhat nalang ang dalawang bata pababa ng stage kaya nakahinga ako ng malalim at dumapa ako habang nakasalok baba para magpacute dito sa stage saka pinanood nalang na sumayaw ang mga kapwa ko mascot kaya naghiyawan na naman ang mga tao dahil sa ginawa kong pagpahinga.
Takte, pakiramdam ko mahihimatay na ako sa sobrang init ng pakiramdam ko at pagod. Potakte, hindi ko naman pinangarap maging dancer pero gagawin ko 'to para sa dalawang libo at hindi makilala ng pesteng Captain na 'yan.
Hinintay ko ng matapos ang kanta habang pretende lang akong nakadapa sa stage at lumipas ang ilang minuto ay hindi na nagtagal ay natapos na kaya tumayo na ako nag bow. Kumaway kaway pa ako talaga natuwa ako dahil may pa standing ovation pa sila.
Nag flying kiss pa ako habang bumaba ako ng stage pero nakita kong nagsiakyatan ang mga kasama ko kaya bumalik nalang ulit ako at mukhang 'di pa pala tapos.
Lumapit saakin si Pusa. "Nice one, dancer ka nga. Gusto mo bang sumali sa dance troupe namin?" mapangasar na wika niya na halatang sarkastiko.
"Share mo lang?" mataray kong saad sakaniya pero naramdaman kong may umakbay saakin kaya napatingin ako rito at 'yung ibon na mascot.
"Galing mo Roi t-ngina ka." inakbayan ko rin ito saka diniin at ipinabigat ang braso ko sakaniya kaya napadaing siya. "T-ngina mo rin,"
"Sino ka?" sambit nito na puno ng gulat ang boses. "Hindi ako sinuka, inere ako ogag." pambabara ko.
"Pre, 'yung maganda kasama ni Roi kanina 'yan. Kilala mo 'yung pinaguusapan natin kanina?" natatawang wika ni Pusa. Tss, ano pa ba aasahan ko? Kahit lalaki pinag c-chismisan ako.
"Talaga? Syet galing mo pong sumayaw ampota, how to be you?" nagtiim ang bagang ko dahil pakiramdam ko kahit anong otas mababasag ko ang mukha ng mga hayop na 'to pero kailangan kong maging chill.
"H'wag ka'yo masyadong inggit, ako lang 'to." mayabang nalang na saad ko dahil nagtitimpi akong patulan ang mga hayop na 'to.
"Taena, LT. Kaya pala nagtataka ako bakit hindi makasabay si Roi eh dancer ang g-gong 'yun." totoo naman kasing Dancer si Roi at Gracielle. Naalala ko nun, sumali sila sa dance group ng school samantalang ako taga cheer lang kasi hindi talaga ako marunong pero kapag kantahan naman may pagmamayabang ako.
"Ows talaga may balat ka sa pwet, malaki maliit mukha ka ring pwet." nagsitawanan sila na sobrang nakakairita kaya inis akong napabaling ng tingin sakanila
"Ano ba na next na gagawin?" tanong ko sakanila kaya tumigil sila katatawa. "Unang rarampa ang mga aso, kaya ikaw ang rarampa. By category kasi, Kaso ibaa ang pagrampa mo maglalakad ka na ng parang aso ngayon." saad ng baboy na mascot kaya nagtiim ang bagang ko dahil halatang pinagt-tripan nila ako.