Third Person POV Habang nakaupong nakatalikod si Ella sa rotonda, hindi niya napansin ang taong ingat na ingat na pumunta sa kanyang likuran. Napayakap pa nga ang dalaga sa sarili dulot ng lamig dahilan upang sandaling tumigil ang taong iyon. Ingat na ingat ito dahil kung hindi ay karumaldumal ang kahihinatnan niya kapag hindi naging matagumpay ang misyon nito. "Bang! Got you!" nakangising wika pa niya nang mahuli ang dalaga. Hindi agad nakakilos si Ella nang mahuli ng estrangherong lalaki ang mga kamay niya pagkatapos ay mabilis na tinakpan ang bibig at ang mas malala pa ay sinakluban ang ulo nito ng isang tote bag. Nagawa pa niyang magpumiglas ngunit no'ng may maamoy siyang kakaiba sa panyo, unti-unti siyang nanghina at nahilo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. - Bea

