Bakit pakiramdam ko may pinagtataksilan ako? Wala ako sa sarili habang naglalakad kami patungong library. Ansel and Yohan were busy talking sa likod ko kaya hinayaan ko na lang sila. Hindi ko rin naman kasi maintindihan ang pinag-uusapan nila. I was thinking of how Kino looked at me a while ago. Galit ba siya sa akin? “Ella, watch out!” sabay sigaw ng dalawa kong kasama pero huli na ang lahat dahil nauntog na ang noo ko sa lamp post. Nakagat ko ang labi sa sakit at hinaplos ang noo na tingin ko ay mabubukulan maya-maya. Feeling ko ang daming star na umiikot sa ulo ko. “A-Ayos lang ako naman ako, hehe.” Napasinghap ako nang may pumihit sa akin paharap at namilog ang mga mata nang hipanin ni Yohan ang noo ko ng ilang beses. “Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” Tang-na, parang nah

