Habang naglalakad kaming magkakaibigan papuntang university library, lumukot ang noo ko sa lalaking nasa unahan namin na may kasama pang babae. Sandaling umawang ang labi ko nang mapagtanto kong si Kino iyon dahil sa suot nitong hoodie. Tanda-tanda ko iyon dahil nakasabay ko lang naman siya sa bus kaninang umaga. Sino itong kasama niya? Siya ba iyong babae’ng nakita ko sa labas ng university noon? If I remember it correctly, Jia ang pangalan niya, co-major ni Kino sa engineering. Akala ko ba wala lang sila? Eh ano ‘tong nakikita ko? Ugh~ why do I even care? Kahit pa maglampungan sila sa harap ko, wala akong pakialam. “Si Kino iyon ‘di ba?” nginuso ni Bea ang sinusundan naming lalaki at saka naman ako tumango ng walang kabuhay-buhay. Nahagip ng mata ko kung paano ngumisi ang dalawang k

