Gusto kong matawa sa kung paano ako pangunahan ni Ara sa paglalakad. Halatang-halata na mas excited pa siya sa akin.
Bumunggo ako sa likuran niya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad, buti na lang di gawa ang ilong ko or else tanggal.
Lumayo ako sa kanya at takang napatingin sa kaibigan na ngayon ay nakapamewang na humarap sa akin.
"Hindi ka talaga excited na makita siya 'no? Ang bagal mong maglakad," aniya sa iritang boses kaya hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad. "Hindi puwedeng ako lang excited dito! Ikaw din dapat!"
Naiiling na lang ako. Binabagalan ko lang naman ang paglalakad ko dahil kinakabahan ako na makita siya.
Mga bata pa kami no'ng huli kaming magkita pero ngayon, dalaga at binata na. Sinong hindi kakabahan?
That feeling na after so many years, magkikita na kayo ng childhood sweetheart and worst baka hindi pa ako makilala— sa itsura ko ba naman ngayon na nakamaluwag na shorts tapos oversize na white shirt then nakapuyod pa ang buhok, ewan ko na lang.
Sa sobrang pagmamadali ko kanina kaka-pressure sa akin ni Ara para bilisan ang pag-aayos, hindi ko na alam kung anong pinagdadampot kong damit sa cabinet na pati suklay ay hindi ko nagawa.
Dalaga pa ba ako nito?
"Sandali lang naman, Ara. Makakarating din tayo ro'n. Ito naman ang excited." Sambit ko dahil halos takbuhin namin ang daan kakamadali.
Hinihingal na ako. Alam naman ng bruhang 'to na may hika ako tapos kung maka-kaladkad huwagas.
"Excited na ako na magkita kayong dalawa," seryosong sabi pa niya. "Hearing your story way back, deserve niyong dalawa na magkita at makapag-usap pagkatapos ng ilang taon."
Hindi kaagad ako nakapagsalita. "Okay na ako na makita siya, hindi ko kayang makipag-usap, Ara."
Honestly, gusto ko na lang bumalik sa bahay. I don't think I will be able to face him sa itsura ko ngayon and for sure ang awkward.
I couldn't imagine myself being in front of him na parang tuod?
"No!" Ara exclaimed. "Mag-usap kayo like pakilala lang, just to remind him na may iniwan siya dati, char."
Natampal ko ang aking noo sa sinabi niya. "Ikaw talaga, Ara," wika ko at napaisip. Wala naman sigurong masama kung magpakilala lang? "I'll try na makipagkilala, medyo close naman kami ng kapatid niyang babae."
Medyo bumagal ang paglalakad namin dahil sa sinabi ko. "You mean si Kia? Iyong adopted?" hininaan niya ang boses nang tumapat na kami sa bahay nila Kino.
"Yes," napalunok ako nang umangat ang tingin ko sa bahay, sa mismong may bintana. "Nakatingin siya sa atin."
Nahagip ng mata ko kung paano sinundan ni Ara ang tinitingnan ko.
Maraming lamp post sa bahay nila at may mga nakadikit din sa may mga bintana nila kaya sobrang liwanag to the point na makikita mo kung sino iyong nandoon.
Kung kanina medyo kabado ako, ngayon dinaga na ang dibdib ko, naghaharumentado. Pinagdaop ko ang palad dahil sa panlalamig at panginginig no'n.
Ang gwapo niya. If he was already handsome when he was young, he is even more so now. The first thing I noticed was his blonde hair, which further enhanced his appearance.
"Shutanginers, ang gwapo," rinig kong bulong ni Ara. "Pero alam ko naman na sa'yong-sa'yo iyan kaya no worries, marami pa akong lalake, char."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ara being a playgirl. I hope hindi siya makarma sa pinag-gagawa niya.
Hindi ko magawang ilihis ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa may bintana. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kumalma.
He was looking down on us as if studying me despite our distance.
Will he remember me after all those years of being apart?
Pakiramdam ko ang layo na niya kumpara dati. Sabagay, ilang taon din ang lumipas saka binata at dalaga na kami ngayon, hindi na mga bata.
My gaze remained fixed on him, unable to withdraw my eyes from the chilling intensity of his stare directed at me.
"Staring competition ba 'to?" sabat ni Ara dahilan upang kurutin ko siya sa kanyang tagiliran.
Ito na naman siya sa paninira niya ng moment. Porque palagi niyang na-e-experience, eh!
"Ate Ella!" nabaling ang tingin ko sa babae'ng tumabi kay Kino sa may bintana. "I miss you!"
Nginitian ko ang babae na kahit magka-edad lang kami ay tinatawag pa rin niya akong ate.
I waved, and she did the same, smiling broadly.
I am glad to see them again. She was the bridge that led Kino and me to become childhood sweethearts.
Iyong tipong palagi niya kaming inaasar hanggang hindi namin namalayan na nagiging close na kami ni Kino kaya hirap na hirap ako no'ng mga oras na umalis sila.
"I miss you," I mouthed to her, smiling genuinely. "Kamusta?"
Those words were intended for both of them.
"Wait me there, ate! Bababa ako!" malakas na sambit ni Kia mula sa bintana.
As Ara mentioned earlier, Kia is adopted, and she knew and accepted it wholeheartedly. What I really admire about her is her maturity.
"Ate Ella!" Kia shouted kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. "Ang pretty mo pa rin!"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya kasi ang lakas ng pagkakasabi niya no'n. Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin ulit sa may bintana pero wala na ro'n si Kino.
Narinig kaya niya? Maganda rin ba ako sa paningin niya? Ugh, Ella! Stop being so delusional, for sure may girlfriend na siya.
I was smiling to her while she was running towards us. Napasinghap ako nang kabigin niya ako ng yakap.
"Hi, Ara! Nice to see you!" bati niya sa kasama ko na ngayon ay pinaglalaruan ang kuko.
"Nice to see you too," kaswal na sambit ng kaibigan ko. "As your request, nandito na siya. Nagdahilan pa ako."
Takang-taka kong tiningnan si Ara na ngayon ay nakangisi sa akin. "What do you mean? Akala ko ba maglilinis tayo? Mom told me—"
Salubong ang kilay ko nang magtawanan sila na para bang pinagplanuhan nila 'to.
"Dinahilan ko lang iyon, wala na kasi akong maisip," ani Ara at nagawa pang dumila. "Well, at least nandito kana. Hindi kana naman pupunta kung sinabi ko sa'yo ang totoo."
Sandali akong natigilan. "Pupunta pa rin naman kung nagsabi ka ng totoo." Kalmadong sabi ko at umirap.
"Kinuntsaba ko silang dalawa ni Tita, mabuti na lang at kumagat," singit naman ni Kia saka kumalas mula sa pagkakayakap sa akin. "Anyway, pasok na tayo sa loob. Walang maglilinis o mag-aayos ng gamit kasi okay na lahat. Kakain tayo."
With both of her hands, hinatak niya kami papasok sa loob ng kanilang bahay.
Nanlalaki ang mga mata ko sa kung gaano karami ang pagkain na nakahain sa babasagin nilang lamesang bilog.
They both chuckled when my stomach growled. Ngayon ko lang napagtanto na whole day pala akong walang kain dahil sa aliw ko maglinis.
"Hindi ka kumain?" tanong ni Kia.
"Sigurado akong hindi iyan kumain kasi nadatnan ko sa bahay nila na nag-ge-general cleaning, knowing kung gaano kaaliw iyan sa paglilinis, nakakalimutan kumin." Sabat ni Ara nang makaupo sa pabilog na sofa, kaharap ang mga pagkain.
Napakamot na lang ako sa aking buhok. "Nakalimutan kong kumain kaya ito nagmamaktol na."
Kia shook her head. "Bawal iyan, ayaw pa naman ni Kuya Kino ng ganyan. Mabuti na lang pala at nagluto siya ng marami."
Umawang ang labi ko. "Niluto niya lahat ng 'to?"
I never thought na kaya niyang magluto ng ganito karami. Marami ba ang bibisita sa kanila ngayon?
Kia nodded. "Oo, nagpapakitang gilas sa'yo." Humahagikhik na sambit niya.
"Hindi naman siguro. Baka nag-expect lang siya na maraming bibisita sa inyo since kakauwi niyo lang," agap ko at naupo sa tabi ni Ara na umi-iling lang. "Hindi naman ako gano'n ka-importante."
Napayuko ako. I don't know what I'm saying. Kusa na lang lumalabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.
The soft cushion of the sofa jumped as Kia abruptly sat beside me and lifted my chin to look at her.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at umarko ang gilid ng labi. "Hoy! Sinong nagsabi niyan at nang mabigwasan ko?"
"Hayaan mo na iyan si Ella, kulang lang iyan sa kain," Ara chimed in while typing on her phone. "Gusto kong magsamyang."
"Don't say that again, Ella. Kuya Kino wouldn't like it," seryosong sambit ni Kia bago ibinalin ang tingin kay Ara na hanggang ngayon ay nagtitipa pa rin sa kanyang phone. "May malapit bang convenience store rito?"
"Yes! Two minutes walk lang, tara? Sama ka, Ella?" tanong ni Ara pero umiling ako.
Takang napatingin sila sa akin nang tumayo ako at sinundan ang naghahabulang dalawang persian cat na kulay black at gray.
May isa pang nakatambay sa hagdan na kulay puti kaya binuhat ko.
"Hindi, kayo na lang." Sagot ko at tinadtad ng halik ang pusa.
I sat on the stairs as I cradled the cat as if it were mine. I really want to have a Persian cat, but Mama and Papa don't want to.
Puwede ko ba 'tong i-uwi? I mean kahit isa lang? Baka payagan pa ako nila Mama at Papa kung galing sa kanila.
"Sure ka? Wala kang kasama rito sa baba, bukas pa ang dating nila Mama at Papa," ani Kia. Okay lang naman na mag-isa ako rito basta may kasama akong mga pusa. "Hindi ka talaga sasama?" paninigurado pa niya.
Marahas akong umiling. "Hindi na, Kia. Okay na ako rito sa mga kasama kong mga pusa."
Aliw na aliw na ako sa isang 'to habang iyong dalawa ay naghahabulan pa rin, pataas-baba sa hagdan.
"Sabi mo iyan ha? Tara na Ara, mabilis lang naman tayo." Rinig kong dagdag pa ni Kia at hindi ko na sila nagawang tapunan pa ng tingin sa sobrang pagka-aliw ko.
Tanging narinig ko ay ang yabag nila at chikahan na hindi ko naman maintindihan hanggang sa makalabas na sila ng bahay.
Gigil na gigil ako sa kung paano ako lambingin ng pusa na 'to at mukhang komportableng-komportable pa sa paraan ng pagkakayakap ko.
"You're so cute, I wonder what your name is?" I whispered to the cat even though it couldn't understand me. I showered it with kisses again because of how adorable it was.
Nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko kaya tumigil ako sandali.
Kinabahan ako nang marinig ko ang mga hakbang pababa sa hagdanan.
"Her name is El, and as far as I can remember, I didn't allow anyone to touch my cats without my permission."
Nanigas ako sa aking kinauupuan kasabay no'n ang pag-alis ng pusa sa bisig ko.
His baritone voice sent shivers down my spine. Is this really him?