Chapter 2

1170 Words
Nilakasan ko ang loob upang lingunin siya ngunit hanggang doon na lang, hindi ko kayang mag-angat ng mukha to face him. Nakatitig lang ako sa mga paa niya na ang linis tingnan. Nasa ika-apat siyang palapag ng hagdan habang ako ay nasa ikatlo and now he was towering me. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin kaya hindi ko magawang mag-angat ng mukha para salubungin ang malamig niyang mga mata. "Bakit ka pa lumingon kung hindi ka lang naman pala magsasalita?" suplado niyang sabi dahilan para bumilis ang paghinga ko. Say something, Ella! "Kapag nakita ko pang hinawakan—" "Kapag ba nagpaalam ako sa'yo, ipapahawak mo na sa akin ang mga pusa mo?" wala sa sariling tanong ko at nag-angat ng tingin, sinalubong ang mga mata niyang malamig kung makatitig. "Hindi mo na ako pagsasabihan?" Sandali siyang natigilan na animo'y hindi inasahan ang sinabi ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero nakita ko siyang ngumiti. Umangat-baba ang balikat ko sa nerbyos dahil sa pinaghalong kaba at panginging. Pinagdaop ko ang palad dahil sa panlalamig no'n. Sa pangalawang pagkakataon, nakaya kong makipagtitigan sa kanya na tila na-hypnotismo na rin. There was something on his eyes na hindi ko masabi kung ano. It as if like may gusto siyang sabihin pero pinigilan niya. "You dare to cut me off huh?" napakurap ako ng ilang beses sa tanong niya. Nahihimigan ko ang tuwa sa boses niya pero malamig pa rin. "S-Sorry, hindi ko s-sinasadya," nagkanda-utal-utal kong sabi. "I didn't mean to be rude by cutting you off, I was just ner—" Natuptop ko ang bibig nang hawakan niya ang panga ko at inilapit ang mukha. Ilang dangkal na lang ay maglalapat ang labi namin na siyang ipinagtaka ko. Lumikot ang mata ko at hindi mapigilan mapakurap ng ilang beses. Nanunuot sa ilong ko ang bango ng hininga niya kapag nagsasalita siya. "Kinakabahan ka ba, Ella?" tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango. I was confused when he laughed. Anong nakakatawa sa pagtango ko? Sa totoong kinakabahan ako dahil ang lapit namin sa isa't-isa idagdag mo pa ang paninitig niya at pakikipag-usap sa akin na hindi ko inasahan. Buong akala ko kasi magtititigan na lang kami rito tapos aalis din siya agad. Salubong ang kilay niya nang bumaba ang tingin niya sa collar ng damit ko. Laylay kasi iyon kaya sumisilip ang cleavage ko ro'n pero wala naman akong pakialam doon. Binalik niya ang tingin sa akin na salubong pa rin ang kilay. "Naglakad ka sa labas ng ganyan ang damit mo?" "Oo, ayaw mo ba?" takang tanong ko. Sandali kong hinawakan ang collar ng damit ko at ibinaba, revealing half of my breàsts. Narinig ko ang malutong niyang mura kaya napatingin ako sa kanya na may pagtataka. Hinatak niya agad ang kamay ko mula ro'n at inayos collar ng damit ko. "Ella, lalake ako, ano bang ginagawa mo?" he said in an icy tone. Bumali ang leeg ko. "Oo, alam ko naman na lalake ka, ano naman?" sagot ko, nagtataka pa rin. "You! Don't ever do that again in front of anyone, even me!" paalala pa niya sa matigas na boses. Napayuko ako. "Sorry, Kino." Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga. "You can play with my cats... even in my room but promise me one thing," he said that made me looked up to him again. "Ako lang ang susundin mo ha?" Nagnining ang mga mata ko sa sinabi niya at tumango-tango. "Oo, ikaw lang!" I saw him smile pero mabilis din nawala iyon. Bumalik ang pagkaseryoso niya at ngayon ay nakahalukipkip na nakasandal sa railings. Ngiti-ngiti akong nakatingin sa kanya. Kung kanina kinakabahan ako, ngayon hindi na. Ewan ko pero naging komportable agad ako kahit na nasigawan niya. Noon kasi he acted like a matured kuya kahit tinutukso kami ni Kia at ng ilang mga kalaro namin dahil sa pagiging overprotected niya sa akin. "Cover yourself everytime you go here saka mo tanggalin kapag nandito kana sa bahay," aniya nang hindi tinatanggal ang malalim na paninitig sa akin. "Pasok agad sa kwarto ko o ni Kia kapag may bisita. Kung gusto mo naman makipaglaro sa mga pusa, sa kwarto ko. Nagkakaintindihan ba tayo, Ella?" I was smiling when I nodded my head. "Opo, Kuya Kino." Napangiti siya pero agad din napawi. "Very good. From now own, call me Kuya Kino, understand?" "Noted, Kuya Kino." I said, beaming. Agad niya akong tinalikuran nang makarinig ng ingay sa labas. Nakabalik na ata sila Kia at Ara. Hindi ko mapigilan mapangiti. He's still the same pero kung noon gentle lang siya makitungo puwes ngayon suplado na. Masaya ako na pinayagan niya akong makipaglaro sa mga pusa niya and at the same time iyong feeling na kilala pa rin niya ako kahit na ibang-iba na iyong kami noon sa ngayon. "Ella! Anong— oh, nag-usap na kayo ni Kuya Kino?" nilingon ko si Ara at Kia na nasa loob na ng bahay at narinig ang pagsara ng pinto sa taas. Mukhang naabutan nila kami. Bumaba ako habang tumatango na may ngiti sa labi. "Oo, nakikilala pa rin pala niya ako." Sagot ko sa tanong ni Kia. Mahina niya akong itinulak na may pilyong ngiti. "Gagà ka, alangan! Childhood sweetheart kayo no'n! Bukambibig—" Kia was cut off. "I want samyang, Kia." Sandali kaming natigilan sa boses mula sa intercom. "Sasabay ako sa inyo." It was Kino and I couldn't help but to smile even more on how soothing his voice was. Napakamot ng buhok ang kapatid. "Nagpaalam kasi ako na lalabas to buy samyang kaya alam niya, eh mahilig iyon sa maanghang. Ayos lang na sumabay siya sa atin?" Ngiti-ngiti akong tumago at gano'n rin si Ara na ngayon ay pinaliliitan ako ng mata. "Oo naman, for sure matutuwa si Ella kasi makakasabay niya si Kino," pang-aasar pa ng bruhang kaibigan ko. "Tanggi mo pa?" Inismiran ko siya. "Tumigil ka nga." "Sus! Nakausap mo lang, kilig na kilig ka naman," dagdag pa niya at lumapit sa akin sabay sundot sa tagiliran ko. "Ako na ang magluluto niyan, kayo na bahala sa panulak." "May coke sa ref, chika nalang tayo sa kusina," Kia chimed in. "Kamusta naman ang pag-uusap niyo ni Kuya Kino?" Hindi kaagad ako nakasagot habang patungo kami ng kusina. "Ayos lang, suplado." Walang prenong sagot ko dahilan upang matawa sila pareho. Nang makarating sa kusina, si Ara ang nag-asikaso sa pagluluto ng samyang habang kami naman ni Kia ay naupo sa dining table. I was biting my nails kasi hindi ako marunong magkwento sa pangyayari at aminado ako na minsan ay walang filter ang bibig ko na kung anu-ano na lang ang lumalabas na salita. "Suplado si Kuya Kino para sa'yo?" aliw pang tanong niya. "Suplado na maldito. Pinagalitan kasi ako," nakalabing sabi ko. "Hindi ko naman inaano ang mga pusa niya, nilalambing ko lang." "Oh, so you find me suplado and maldito huh?" Napatakip ako ng bibig nang marinig ko ang boses ni Kino sa may likuran. May daan pala sa likod ng kusina nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD