Chapter 3

1370 Words
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko. Napakurap ako ng isang beses kay Kia na ngayon ay nakangisi. Kita ko rin sa gilid ng mata ko kung paano nasisiyahan si Ara na ngayon ay nakasandal sa balustrade ng habang kagat-kagat ang kanyang kuko. “Kung lalambingin ba kita, hindi na ako suplado sa paningin mo, Ella?” I swallowed hard when he said that na para bang sinusuyo ako. “Nagreport ka pa talaga kay Kia, hm?” Sandaling tumigil ang paghinga ko nang abutin niya ang babasaging pitsel sa mesa at nagsalin ng baso na tila niyayakap ako mula sa likuran. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita but I could feel how tense I am habang itong mga kasama ko ay tuwang-tuwang nanonood sa amin. Muling nanunuot sa ilong ko ang pabango niya, rinig ang bawat mabigat niyang paghinga nang humilig siya sa akin. “I was telling them the t-truth and how you treated me a while ago,” wala sa sariling sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. “Mali ba iyon?” Narinig ko ang hagikhikan ng mga kaibigan ko. Nang maramdaman kong tumama ang hininga niya sa kaliwang pisngi ko, hindi ako nag-alinlangan na tumigin dahilan upang magulat siya. “Mali ba ang ginawa ko, K-Kuya Kino? Na hindi dapat ako nagkuwento?” inosenteng tanong ko nang hindi man lang kumukurap habang siya ay nanlalaki pa rin ang mga mata. Hindi agad siya nakasagot at nakipagtitigan lang sa akin. Iyong kaninang nanlalaki niyang mga mata ay napalitan ng tuwa. His eyes were smiling. Bumaba ang tingin ko sa nakaawang niyang mapupulang labi pagkatapos ay nag-angat din ng tingin. Siya naman ngayon ang nagbaba ng mata at ilang sandaling nagtagal doon bago ulit i-angat ang tingin sa akin. “Are you always this innocent with your unfiltered mouth?” he asked and I nodded that made him chuckled. “Now I understand.” Sinundan ko siya ng tingin nang tumuwid siya ng tayo at ginulo ang maalon na buhok pagkatapos uminom ng tubig. Nagtataka ako sa reaksyon niya. “You didn’t answer my question, Kuya Kino…” sambit ko at ipinilig ang ulo, hindi pa rin tinatanggal ang paninitig sa kanya. “And why are you laughing?” Malamig ang mga mata niyang ibinaling ulit ang tingin sa akin. “I will answer all your questions kapag na-solo na kita,” aniya kaya tumango ako. “Kia, help me transfer the foods here in the dining table.” Tumayo ako dahilan para magsalubong ang kilay niya. “As far as I can remember you’re Ella not Kia.” Supladong sabi pa niya. Ngiti-ngiti akong tumango. “I’ll help, marami iyon.” Sandali akong napatingin sa living room at dumako ang tingin sa babasaging lamesa na punong-puno ng pagkain. Connected lang naman ang living room pati ang kusina kaya tanaw mula rito. “No, sit down and wait here,” Kino commanded that made my forehead creased. “Kia and I can handle it.” “Kino naman! Ang dami no’n!” reklamo ko habang nakanguso sa kinaroroonan ng lamesang may mga pagkain. Dumilim ang mukha niya kaya wala akong nagawa kundi ang umupo ulit at sumimangot. “Tutulong lang naman ako para mabilis, eh.” Dagdag ko sa mahinang boses. “I can hear you, Ella,” malamig at matigas niyang sabi. “And it’s Kuya Kino.” Pagtatama niya na ikinasimangot ko lalo. I put my elbow under the table and face-palmed with both of my knuckles. “Oo na kahit magka-edad lang naman.” Bulong ko and made sure na hindi niya maririnig. “Whispering something, Ella?” I heard him said. “Wala,” matamlay kong sagot. “Kayo na.” I heard him chuckled. “Sulking, eh?” Umiling ako. “No,” matipid kong sagot. Tumayo ako at lumapit kay Ara na ngayon ay may nakakalokong ngiti. “Tapos na?” “Tigas ng ulo,” Kino said. “Sabing umupo lang, gagawin mo dyan?” “Nagugutom ako,” sagot ko at kunware ay tinitingnan ang kumukulong noodles. “Malapit na ‘to.” Baling ko kay Ara na naiiling na lang na para bang pinipigilan na huwag tumawa. “Oo, malapit na.” Sagot niya saka ko siya inirapan nang humagikhik siya. “Hindi ka kakain ng noodles hangga’t hindi ka kumakain ng rice and that’s final,” Kino said in an authority. Hindi ko na napigilan ang mata kong umikot. Ganitong-ganito siya no’ng mga bata pa kami. Ang strikto pagdating sa akin. “Let’s go, Kia.” Mahina kong hinampas si Ara nang sundot-sundutin na naman niya ako sa tagiliran. “Strikto ng kuya-kuyahan mo ah,” pang-aasar pa niya nang masiguradong nakalayo na si Kino at Kia. “Kuya Kino? Really?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong masama sa kuya? Sa gano’n naman talaga ang turing niya sa akin—” Mahina siyang tumawa at tinapik ang balikat ko. “Hindi kasi iyon ang nakikita namin ni Kia, para kana niyang binabakuran.” Umingos ako. “Ewan ko sa’yo, Ara. Kung anu-ano sinasabi mo.” Tinawanan niya ako nang irapan ko siya saka bumalik sa kinauupuan ko. Nang matanaw ko si Kia at Kino na pabalik na mukhang nag-uusap ay umayos ako ng upo. Sandali kong inangat ang tingin ko kay Kino no’ng ilapag niya ang plato sa harap ko na punong-puno ng pagkain. “Hindi ko kayang ubusin niya.” Umarko ang kaliwang kilay niya. “Who told you na ikaw lang ang kakain niyan?” I heard Kia chuckled at sandali siyang tinapunan ng tingin. “Share kayo dyan ni kuya, hindi rin iyan kumakain ng noodles nang hindi muna kumakain ng rice.” Natigilan ako as I processed her words. “Share tayo?” paninigurado ko pa habang nakatingin sa lalaking nakatayo na ngayon ay nakapamulsa sa harap ko. “Bakit? Ayaw mo? Eh ‘d wa—” I cut him off. “G-gusto ko!” my cheeks heated up because of what I said, almost shouting. I saw him crept a smile. “Very good. Wait me here. Last na lang.” I nodded, casting a sidelong glance at Kia who is now smiling, ear to ear. “Cute niyo.” She mouthed to me bago siya sumunod kay Kino na nauunang maglakad papunta sa living room. Pinigilan kong huwag ngumiti. “Hindi naman.” Nahihiya ko pang sabi at napakamot ng batok. I waited for them and I couldn’t help but to feel nervous when they got back. Ramdam ko ang pagtambol ng dibdib ko lalo na no’ng pagkatapos niyang ilapag ang mga plato ay naghila siya ng upuan sa tabi ko at inilapit sa akin. I stopped myself from sniffing his scent but damn, ang bango niya. “You’re allergic to shrimps, right?” tanong niya habang abala sa paghihiwa sa karne. Hindi ko maiwasan mapatitig sa mukha niya. I never thought na maalala pa niya iyon. I mean, it’s been years na hindi kami nagkita and he still remembered it. I couldn’t help but to smile and nodded when he looked up to me. “Oo, allergic ako.” Dahan-dahan siyang tumango at binalik ang tingin sa karneng hinihiwa. “Iyong hika mo?” he asked again. “Mild pa rin.” Sagot ko at tuluyan nang lumapad ang ngiti ko. Nakakataba ng puso dahil naaalala pa rin niya ang mga yon. He nodded once again. “Then you should follow me, wag matigas ang ulo,” ilang beses akong tumango nang mag-angat siya ulit ng tingin sa akin. “I’ll punish you if not.” Tiim-bagang niyang sabi. Sandaling umawang ang bibig ko. “Papaluin mo ako?” they burst into laughter because of what I said. Anong nakakatawa ro'n? “Why are you guys laughing at me?” “Oo, papaluin kita,” natigilan ako sa sinagot ni Kino. “Kaya sundin mo ako ha?” Ngumuso ako. “Anong klaseng palo? Sa pwet ba?” tanong ko at inilapit ang mukha ko sa kanya kung saan ilang dangkal lang ang pagitan. I heard him cursed while Ara and Kia laughed so hard. Ano bang nakakatawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD