Hindi ako makakilos ng maayos nang itinukod niya ang palad sa tabi ng hita ko na para bang ikinukukulong ako at ayaw paalisin.
Nakita ko kung paano siya napalunok nang ilapit ko pa ang katawan sa kanya para hindi na ako mahirapan abutin ang pagkain since share naman kami.
Iitnukod ko ang kaliwang siko sa mesa habang nakaharap sa kanya at hinayaan ang collar ko na lumaylay, nakasilip ang hinaharap kung saan kitang-kita niya.
Hindi na kasi ako nagsusuot ng bra since my nipplè cover naman na uso ngayon.
“Mag-aaral ka ba rito?” tanong ko pagkatapos kong isubo ang karneng hiniwa niya.
Hindi agad siya nakasagot at napainom ng tubig nang magtagal ang mata niya sa nakasilip kong hinaharap.
“Yeah, I don’t have choice since I’m here.” Aniya na tinanguan ko naman.
Sandali siya nag-angat ng tingin sa akin saka nito pinunasan ang gilid ng labi. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ang balikat na animo’y hirap na hirap huminga.
Is he controlling himself?
“What’s wrong?” I asked at nagulat nang bigla siyang tumayo na siyang ipinagtaka ko. “Nakakailang subo ka palang, K-Kuya Kino.”
Although I’m used to call him Kuya Kino way back, parang na-a-awkward-an ako ngayon knowing na hindi na kami mga bata.
“I’m done,” he replied in an icy tone saka siya tumalikod. Wala naman siguro akong ginawang mali? “Finish your foods and go home, malalim na ang gabi.”
Napayuko ako. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa sinabi niya na para bang ayaw na niya akong manatili rito.
What did I do wrong? Kumain lang naman kaming dalawa.
“Kuya, ano bang pinagsasabi mo? She can stay here for overnight,” singit ni Kia sa pagalit na boses. “You’re being rude na naman.”
“Naipagpaalam mo ba iyan? What if magalit si Tita at Tito?” Kino retorted na para bang walang pakialam sa nararamdaman ko.
Napatingin ako kay Kia nang marahas siyang tumayo at sandaling napatingin kay Kino na ngayon ay nakapamulsang nakatingin sa kapatid niya.
Magsasalita na sana ako nang pangunahan ako ni Kia. “Pakiulit, Kuya Kino? Iyan? Niya-iyan-iyan mo na naman ngayon si Ella?”
Ramdam ko kung paano bumigat ang tensyon dito sa kusina kaya bago pa sila mag-away ay tumayo na ako. Pinilit kong ngumiti at tinanguan si Kia na ngayon ay nakatingin sa akin.
Sunod-sunod ang paglunok ko at sinit-aside ang nararamdaman dahil ayokong mag-away sila dahil sa akin.
Hindi ganito ang inasahan ko. Okay naman kami kanina.
“Uuwi na ako,” sabi ko at nilingon si Ara, hawak ang isang babasaging malaking plato na pinaglalagyan ng noodles. “Mauna na ako ha?”
I heard Kino tsk-ed kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko kung paano binangga ni Kia ang braso ng kuya niya na halata sa mukha nito na gusto ng sumabog sa galit.
Sinunandan ko siya ng tingin habang mabilis na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
“Hindi ka aalis, Ella. Naipagpaalam na kita kay Tito at Tita kaya mananatili ka rito, just feign ignorance to my bipolar brother na moody na naman,” Kia said with finality. Sandali ko sinilip ang kinatatayuan ni Kino pero wala na siya ro’n at ngayon ay naglalakad na patungong living room. “Sometimes I just don’t get kuya.”
Nginitian ko siya although nasaktan ako sa sinabi ng kuya niya na animo’y gusto na akong paalisin.
Umupo kami pareho at hindi ko maiwasan titigan si Kino na ngayon ay nakaupo sa sofa, nanonood sa flatscreen tv na hindi ko napansin na meron pala no’n.
Nag-iwas agad ako ng mata no’ng tumingin siya sa gawi namin. “It’s alright.” I said in response to Kia.
Naupo sa tabi ko si Ara bago inilapag ang babasaging plato sa lamesa. Ngayon ay pinapagitnaan nila ako ni Kia, nag-aalalang nakatitig sa akin.
“Are you okay?” masuyong tanong ni Ara kasunod si Kia at hinawakan ang kamay ko.
“Your hand is cold and shaking,” she added in a concern tone. “Wait nga—” bago pa makatayo si Kia ay pinigilan ko at inilingan ko.
“I’m fine, Kia. Nagulat lang ako. Okay lang naman kami kanina, hindi ko lang maintindihan kung bakit nagkagano’n na lang siya.” Sabi ko at pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ng lalake.
Hindi ako nag-iwas ng tingin nang magtama ang mata namin ni Kino. Humalukipkip pa siya habang pinupukol niya ako ng matalim na tingin.
“Ubusin mo na iyang pagkain mo nang makatikim ka nitong samyang baka kasi pagalitan kana naman ng Kuya Kino mo,” sabat ni Ara at diniinan pa talaga ang huling salita. “Maski ako hindi ko rin maintindihan ang inasta niya. Ayos lang iyan, Ella, marami namang lalake dyan.”
Umingos ako. “Hindi ako interesado,” sabi ko sa matamlay na boses at inilihis ang tingin kay Kino na wala atang balak magbawi ng tingin. “Hindi rin naman ako interesado kay Kino.”
Kia’s eyes widened in disbelief tapos ay napasilip din sa akin si Ara na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Dapat nilakasan mo ang pagkakasabi mo no’n,” pilyong sambit pa ni Ara. Nang-uudyok pa talaga. “Para marinig niya na hindi ka naman talaga interesado like iyong feelings mo dati ay hindi na katulad ngayon.”
Hindi ako umimik. I was hurt a while ago dahil sa sinabi ni Kino which made me feel uninterested to him para alamin kung anong nangyari sa buhay niya noong umalis siya.
I have a lot of questions na gusto kong itanong ko sa kanya but seems like hindi na mangyayari iyon.
“Kino!” sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan nang bumungad doon ang apat na lalake saka dinaluhan si Kino sa may sofa.
“Pinsan namin ang mga iyan sa side father at mukhang nalaman nila na nauna kaming umuwi,” sambit ni Kia. “Si Nikko iyong nakasalamin na kilala bilang isang nonchalant nerd. Si Stephen naman iyong isa na malamig ang awrahan. Si Yohan naman iyong chinito na playboy, ingat lang sa isa na yan, wala iyan pinapalampas na babae kapag natipuhan niya. That cool guy ay si Harper, same vibes sila ni Kuya Kino then iyong isa ay si Ansel, ang makulit sa kanila.” Paliwanag pa niya.
“Hi Kia!” bati ng magpipinsan sa kasama namin. “And girls!”
Akmang pupuntahan kami no’ng Ansel nang pigilan siya ni Kino at pinukol ng matalim na tingin. Nagtataka tuloy ang lalake.
“Magpapakilala lang kami, Kino. Kalma.” Agap ni Ansel.
“Babatiin lang namin sila,” rinig kong sambit no’ng si Yohan at napatitig sa akin. “Kilala mo ba iyong isa?”
Napatingin sa akin si Kino bago ibinalik ang tingin sa pinsan na nandidilim ang mukha. “Don’t you dare, Yohan.”
I felt uneasy when that guy named Yohan stared at me intently then crept a small smile.
Hindi namin namalayan na nakalapit na pala sa amin si Ansel at nagawa pang tumikim ng samyang at napainom agad ng tubig dahil sa anghang.
“Fvck! Samyang!” he exclaimed.
Mahinang tumawa si Ara at Kia dahil sa naging reaksyong ng lalake. Ipinagsalin ko siya ulit ng tubig sa baso since hindi pa ata sapat iyon na agad naman niyang iniinom.
Ngayon ko lang narealize na baso ko iyon. “Iyong baso ko…”
“Nah, it’s fine— aray naman, Kino!” namilipit ang lalake sa sakit habang nakahawak si Kino sa balikat niya saka nito itinulak sa likod.
Narinig namin ang tawanan ng magpipinsan na ipinagtaka ko.
Salubong ang kilay ni Kino na ngayon ay ang sama ng timpla ng mukha. Hindi ko nalang pinansin ang matalim niyang tingin sa akin at sinilip ang mga pinsan nila na pabalik na sa living room.
”Bilis mong nakarating rito kuya, ah. Threatened ka ba? Na baka may magustuhan—”
“Shut up, Kia.” Malamig at matigas na sambit ni Kino, hindi pa rin inaalis ang paninitig sa akin na sinalubong ko lang. “Hindi ba sinabi kong umuwi kana?”
Narinig ko ang mahinang tawa ni Kia. “Threatened kasi baka maagawan.” I heard her said which made me confused.
“Hindi ako uuwi. Hindi lang naman ikaw ang pinunta ko rito,” I mustered the courage to said that to him even though I felt like I’m about to stuttered. “Threatened ka nga ba, Kuya Kino?” tanong ko, hindi alam ang pinagsasabi.
This time humagalpak na ng tawa si Kia habang si Ara ay pinipigilan ang sarili.
“Yes, I’m fvcking threatened. Takot ako na baka…” nag-iwas siya ng tingin. “Damn it!”
Marahas niyang ginulo ang buhok at mabilis ang mga hakbang na umakyat sa taas.
Anong nangyari ro’n?