Chapter 5

1773 Words
Sabay-sabay kaming napatingin kay Kino nang bumaba siya ng hagdan dala ang isang white hoodie. Akala namin ay lalabas siya pero nagtaka kami no’ng tunguin niya ang kusina. Kinabahan ako nang magtama ang mga mata namin. I couldn’t see any emotion on his eyes while he was walking towards us with a straight face. His dark aura screamed authority kaya tahimik kaming lahat. Nakita kong sumipol si Kia, handa sa puwedeng gawin ng kuya niya. Nakasunod lang ako ng tingin kay Kino hanggang sa tumigil siya sa harapan ko kahit na pinapagitnaan ako ng dalawa kong kaibigan. Nakikita ko mula rito kung paano kami panoorin ng mga pinsan nila, naghihintay sa susunod na gagawin ni Kino. Nag-eenjoy ba sila? Habang ako rito malapit nang takasan ng kaluluwa sa kaba at takot? Kilala ko noon si Kino noon na softie at palangiti pero ngayon, masasabi ko na ibang-iba na siya. May awrahan siya na bad boy na para bang sa isang pagkakamali mo lang ay kakainin ka ng buhay. “Lifted up your hands,” awtomatikong itinaas ko ang mga kamay, hindi alam kung anong gagawin niya. “I will let you stay here for overnight.” Dagdag pa niya sa mabigat at malamig na boses. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang isuot niya sa akin ang dala niyang hoodie. Sandaling tumigil ang paghinga ko nang ilapit niya ang katawan sa akin kasunod ang pagdaosdos ng kamay sa katawan ko. “T-Thank you,” bulong ko nang sandaling tumigil ang mukha niya kanang pisngi ko. “I-I will finish my food.” Nangangapa ako ng sasabihin. I heard him heavy a sigh. “Good. Pagkatapos niyo rito, sa likod kayo dumaan, nagkakaintindihan ba tayo?” I nodded repeatedly, still holding my breath. Nakahinga ang ako ng maluwag no’ng lumayo na siya at mabilis na tumalimang nakapamulsa patungo sa kinaroroonan ng mga pinsan na ngayon ay naghahagikhikan at naiiling. Walan imik kong pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain, hinihintay ang reaksyon ng dalawa kong kasama. “So, what just happen?” Ara asked dahilan para mapatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala sa nangyari. “I thought lalabas siya kasi galit?” Maski ako ay hindi ko rin maintindihan ang ginawa niya. Buong akala ko magwa-walk out siya. Napatingin ako kay Kia nang mahina siyang tumawa. “Si kuya talaga, minsan hindi ko maintindihan.” Kino is unpredictable person. Tipong hindi mo ma-predict ang susunod niyang gagawin. You just have to wait saka mo lang mare-realize ang gagawin niya. Mahirap siyang basahin. Napatingin ako sa hoodie’ng suot nang manuot sa ilong ko ang bango no’n. Damn, ito na ba ang amoy niya? “Huwag mong pigilan ngumiti, Ella, alam naming kinilig ka sa eksena niya kanina,” sabat ni Ara saka ko siya inirapan na tinawanan lang niya. “Bango ba?” “Oo, mabango.” Walang paligoy-ligoy kong sagot saka sila humagalpak ng tawa. Ngumuso ako at napagpasiyahan na tapusin na ang kinakain. Ara prepared a three bowl of samyang at dahil marami pa naman, Kia offered the remaining to the boys. “Sandali lang,” sabi ko na ipinagtaka nila lalo na no’ng tumayo ako. “Bago niyo ibigay sa kanila, gusto kong i-separate iyong kay Kino.” Kumuha ako ng isa pang bowl sa kitchen organizer saka bumalik sa mesa at nagsalin ng samyang sa bowl na kinuha ko para kay Kino. “Girl, ang rupok mo,” ani Ara na pinalabas ko lang sa kabilang tenga na parang walang narinig. “Sinuotan ka lang ng hoodie tapos—” I hissed and gave her a death glare. “Iyon na nga eh, binigyan ako ng hoodie tapos isinuot pa sa akin, I should return the favor.” Nahagip ng mata ko kung paano umawang ang bibig niya habang si Kia naman ay mahinang tumatawa na ngayon ay patikim-tikim na lang sa nakahain sa kanya. “Wow! Ang bait mo naman,” sarkastikong sabi pa niya at naiiling na lamang. “Ihatid na nating ‘to sa kanila bag pa lumamig. Dalhin mo iyang apat na bowl pati iyang sa kuya-kuyahan mo.” I heard Kia chuckled. “Kayong dalawa, tumigil na kayo dyan.” Nagpatiuna siyang maglakad kasunod si Ara tapos ako naman sa panghuli. “Ayon! May pagkain na rin, maanghang nga lang,” rinig kong sambit ni Ansel. “May pa-coke pa sila. Busog talaga kapag si Kia ang nag-asikaso.” Napalunok ako nang tumingin sa gawi ko si Kino. Humalukipkip siya habang salubong ang kilay, hindi nagustuhan ang pagsama ko sa kanila. Lalong sumama ang timpla ng itsura niya nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila. Maingat na inilapag ni Kia ang dala-dalang dalawang 1.5-liter na coke saka naman sumunod si Ara sa dala nitong malapad na babasaging plato na naglalaman ng samyang. No’ng ako na ang susunod, I was shaking when I placed the bowls over the table. Ramdam na ramdam ko ang paninitig ng magpipinsan sa akin. Ilang beses akong huminga ng malalim bago nag-angat ng tingin. Sa unang pagkakataon, kinaya kong makihalo sa hindi ko mga kilala at ang matindi pa rito ay sa mga lalake pa. I mustered the courage to turned my back to Kino who is now creasing his forehead while looking up to me, sitting handsome in the sofa. Alam kong pinapanood ako ni Ara at Kia mula sa likuran ko, hinihintay ang susunod kong gagawin. Inilahad ko ang dala-dala kong bowl na may lamang samyang para sa lalakeng naka-angat ang tingin sa akin ngayon. “Para sa’yo, K-Kuya Kino.” I stuttered because I never did this to anyone. Tiningnan niya lang iyon saka ibinalik sa akin. “I’m full, Ella.” Namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Is he lowkey rejecting me? “Oh, I see.” Bago ko pa man tuluyang maibaba ang kamay ko para sana ilagay na lang sa mesa ay nagulat ako nang hawakan ni Yohan ang bowl. “Akin na lang, busog naman si Kino.” Napatingin ako sa lalake na ngiti-ngiti ngayon sa akin kaya hindi ko maiwasan suklian ang ngiti niya ngunit gano’n na lang ang gulat naming lahat nang marahas na kunin ni Kino ang bowl at walang pag-aalinlangan na binasag sa harap namin. “Ops, my bad.” Pinasadahan niya ako ng tingin bago tumayo saka niya ako nilampasan. Katamikan ang namayani nang maramdaman ko ang pagkirot ng binti ko. Bumaba ang tingin ko ro’n only to realize I was bleeding dahil sa bubog. “Ella may sa sugat ka!” Ara and Kia shouted kaya agad nila akong dinaluhan at napatayo ang apat na magpipinsan. “Ayos lang naman ako, bubog lang.” Sambit ko at tiniis ang sakit. “May first aid kita kayo Kia?” tanong ni Ansel. “Wala, kaka-transfer lang namin,” alalang sagot ni Kia. “May malapit na store, can you guys go?” “Ansel and I will go,” Nikko said. “Asikasuhin niyo na lang siya.” “Kakausapin ko lang si Kino.” Sinundan ko ng tingin si Harper na ngayon ay paakyat sa hagdan. “I’ll clean the mess,” nabaling ang tingin ko kay Stephen. “Dito niyo siya paupuin.” Tinapik niya kung saan siya nakaupo kaya iginaya ako ro’n ni Yohan saka sumunod si Ara at Kia. Stephen immediately went to the kitchen looking for something. “Tawagin niyo ako kung dumating na si Ansel at Nikko, kakausapin ko lang si Kuya Kino. Hindi ko nagugustuhan ang temper niya.” Ani Kia pero bago pa man siya makaalis ay pinigilan ko at inilingan. “Ayos lang naman ako, Kia.” Sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. “Pagsasabihan ko lang, hindi ako makikipag-away, promise,” nginitian niya ako at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. “Balik agad ako.” “O-okay.” Tanging nasabi ko at napangiwing nagbaba ng tingin sa taong nagtatanggal ng bubog. “Are you okay? Does it hurt?” Yohan asked as I nodded my head slowly. “Good thing isa lang ang bumaon. Hintayin na lang natin—nandyan na pala sila.” Napatingin kami kay Nikko at Ansel na kararating lang habang hinihingal dala ang apat na cellophane. Bakit parang ang dami ata nilang binili? Inilapag nila ang mga dala sa lamesa saka iyon inisa-isan tingnan ni Yohan. “Akyat lang kami sa taas,” ani Nikko. “Kailangan maturuan ng leksyon ang isang iyon.” Dagdag pa niya at hinatak si Ansel paakyat. Pagkatapos rin linisin ni Stephen ang kalat, nagpaalam siyang aakyat lang din sandali kaya tinanguan lang namin. “Ikaw? Hindi ka ba aakyat?” I asked Yohan that made him chuckled and then shook his head. “No need, kasalanan ko naman kaya nagkaganito. I provoked him knowing that you are his beloved childhood sweetheart,” sambit niya na ngayon ay nililinisan ang sugat ko kaya hindi ko minsan maiwasan mapangiwi sa sakit. “Sorry.” “You don’t have to say sorry. Kung sana ay sinunod ko siya ay hindi sana magkakaganito…” I trailed off. “But I didn’t he was like that.” Hindi agad siya nakapagsalita. Kino was not like that before, mahaba ang pasensiya noon pero ngayon ay hindi ko na masabi dahil sa ikinilos niya kanina. Napatingin ako kay Ara nang sundutin niya ang tagiliran ko. “Ayos lang kung magbanyo muna ako sandali?” bulong niya kaya tinanguan ko. “Mabilis lang, gusto ng pumutok.” “Go, maihi ka pa rito, nakakahiya sa kasama natin.” Bulong ko pabalik at umirap bago tumayo saka dali-daling tinungo ang banyo. Katahimikan ang namayani pagkatapos gamutin ni Yohan ang sugat ko. Sinundan ko siya ng tingin nang humilig siya sa sandalan ng sofa. “Playboy ka raw?” basag ko sa katahimikan at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. “Salamat nga pala.” Humagalpak siya ng tawa na siyang ipinataka ko. “What did you say, playboy ako? Iyon ba ang sinabi sa’yo ni Kia?” Tumango ako. “Oo, mukha ka rin kasing playboy.” Dire-deretsong sagot ko na ikinatawa niya ng malakas. “Whoa! Mas lalo mo a ko pinapahanga,” tuwang-tuwang sabi pa niya. “You dare to say that in front of me? Really? Hindi ka ba natatakot na baka magalit ako sa pagiging prangka mo sa akin?” I shook my head as I remember Kino. “Sisigawan mo rin ba ako?” Sandali siyang natigilan at nagsalubong ang kilay. “What do mean by rin? Sinigawan ka ba ni Kino?” Hindi agad ako nakasagot. Sasabihin ko ba sa kanya o hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD