Palihim kong sinisilip ang entrance ng Jollibee pero ni anino ni Kino at Yohan ay wala. Hindi naman siguro sila nagsuntukan? Napatingin ako kay Kia nang sundutin niya ako sa tagiliran. Kanina ko pa kasi hindi ginagalaw ang pagkain ko at panay inom na lang ng tubig. Nahihilo rin ako dulot ng habulan kanina. Wala akong gana kumain. “What’s wrong, Ella? Still waiting? Hindi na iyon pupunta rito.” Umiling ako at pinilit ang sarili na kumain kahit pakiramdam ko ay nasusuka ako. “Hindi naman siguro sila nag-away ‘di ba?” Hindi agad sumagot si Kia at pinaikot ang kutsara sa kanyang mga daliri. “I’m not sure though. Impulsive kasi si kuya. Huwag mo na lang isipin at baka ma-stress ka pa. Feed yourself, for sure papagurin ka no’n mamayang madaling araw.” Humagalpak siya nang tumulo ang tubig m

