Dinaga ang dibdib ko sa kaba, dama ang malamig na hangin na tumama sa aking balat nang mas lalong bilisan ni Kino ang pagpapatakbo ng kanyang motor. Pinikit ko na lang ang mga mata, rinig ang kantyawan ng grupo nila Sekin. Alam kong nakikipaghabulan din ang mag pipinsan sa kanila lalo na alam nilang kami ang target. Halos masira ang eardrums ng tenga ko nang businahan kami ng ka-grupo ng demonyo na wala atang balak tumigil hangga't hindi nakakabawi. "Are you okay?" rinig kong tanong ni Kino at dahan-dahan na tumango. For sure mararamdaman niya iyon dahil nakasubsob ang mukha ko sa likod niya. Tingin ko tatakasan ako ng kaluluwa sa sobrang bilis niyang magpatakbo. I knew he's a gangster at sigurado akong isa sa mga gawain niya ang racing. "Good!" tanging narinig ko at nagmulat ng mata

