Pagkatapos gamutin ni Kino ang sugat ko sa paa ay hindi niya naituloy ang ginagawang pagpapaligay sa akin nang kalabugin ng katok ang kwarto niya. Syempre, kabadong-kabado ako dahil nasa loob ako. Ano na lang ang iisipin nila kung sakaling makita nila ako dito sa loob ng kwarto niya? Takang-taka siyang nakatingin sa akin ngayon dahil natataranta na ako kakahanap kung saan ako magtatago. "What are you doing?" tanong niya na tila hilong-hilo kakasunod sa akin ng tingin. "Chill, alam nilang kasama kita." Doon na ako natigilan at napatanga na lang. "What? Bakit hindi mo sinabi agad?" "Ikaw 'tong naglilikot dyan. Of course they knew, nakita nila tayo kanina 'di ba?" naiiling siyang tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng pintuan. He unlocked the door and opened it. Pinagkasya ko na lang ang

