Ella's POV Binawi ko ang kamay ni Yohan na ikinagulat niya pero mas hindi niya inaasahan nang ako mismo ang humawak sa kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri namin. Harapang ginawa ko iyon habang nangingiti kay Yohan. Kitang-kita ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. Ayokong makita ang reaksyon ni Kino kaya iniwasan kong hindi mapatingin sa kanya, for sure hindi niya nagustuhan ang ginawa ko pero wala kaming magagawa. "Sandali lang," sabi ko at tumingkayad saka inayos ang kanyang bangs. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko kung paano kami pukulin ni Kino ng matalim na tingin. "Nagmadali kaba? Date natin 'to kaya dapat ikaw lang ang pinaka-gwapo... gwapo sa paningin ko." "Ohhh!" kantyawan ng dalawang nanonood sa amin kaya natawa na lang ako. "Ella kailan ka pa natutong bumanat?

