WARNING: S-SPG | R-18 Harper's POV Bumuntong hininga na lamang ako nang biglang tumayo si Kino. Nasaksihan lang naman niya kung paano nakawan ng halik ni Yohan si Ella sa pisngi nito. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa parking lot, binasag ng kamao niya ang side mirror ng kanyang motor. Napakamot na lang ako sa aking buhok nang pagtinginan kami ng mga tao. Babasagin pa sana niya ang isa pero napigilan ko agad. Alam ko naman na wala siyang pakialam sa kung gaano kamahal ang motor niyo pero nakakahatak na kami ng atensyon. "Tama na iyan, Kino. Pumunta na lang tayo sa tunnel, doon mo ibuhos. Pinagtitinginan na tayo rito, saway ko sa kanya. "Ako na ang mag-d-drive." Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sa mukha niya ang pagpayag pero halatang galit pa rin kay

