Ella's POV Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng may mangyari sa akin pero ni anino ni Kuya Kino ay hindi ko nakita ospital para lang man bisitahin ako. Gano'n ba karami ang pinagkaka-abalahan niya para hindi ako kamustahin? Dapat pala ay hindi na ako umasa. Dapat kinalimutan ko na siya ng tuluyan pero bakit parang bumabalik na naman? Damn! Me and my karupukan against the world nga naman. He ghosted me few years ago, so what should I expect? Hindi na ako natuto. "Hoy! Tulala ka gaga, may problema?" tiningnan ko si Bea. "May masakit ba sa'yo? Dapat kasi nagpahinga ka na lang eh." Umiling ako. "Okay na ako, ano kaba." "Bakit ba kasi atat na atat kang pumasok? May gusto kang makita 'no?" pang-aasar pa ni Nadine. Tumawa na lang ako dahil sa kakulitan nila. Hindi ko alam kung anong

