Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakausap pa rin niya ang ang sinumang nasa kabilang linya. “Isasama ko siya?” pumintig ang tenga ko pagkarinig sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niyang isasama niya? Pero saan naman? “No, I can’t, may lagnat siya.” Sandali niya akong tinapunan ng tingin. “Hindi ako pupunta, kayo na lang. Wala akong dalang kotse o motor.” Dagdag pa niya. Tama nga iyong sinabi ni Kean na grounded siya. Ano ba kasing ginawa niya at humantong pa sa gano’n? Siguro nalaman nila tita at tito ang pinaggagawa niya as a mysterious gangster? Kapag iniisip ko talaga na magulo ang mundo niya, hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba. “It’s fvcking raining, Harper!” napalunok ako sa paraan ng pagsigaw niya. Nag-iwas ako ng tingin nang mapatingin siya ulit sa akin. “Sorry,” he mo

