Kristel Fuentabella's POV
“SEÑYORITA Kristel, gising na po, male-late na kayo sa klase niyo,” boses ng naririnig kong tumatawag sa akin.
Para pa akong nanaginip, eh, 'yong feeling ng akala mo panaginip lang din 'yong boses na naririnig mo. Kasambahay pala namin.
"Hmm.." 'yon nalang ang naging sagot ko dahil sa inaantok pa ako at tinatamad pa ako bumangon pero maya-maya ay pinilit ko pa rin na tignan ‘yong phone ko kung anong oras na and nah!
Nanlaki ang mata ko, male-late na kasi ako!
Agad na tinakbo ko ‘yong bathroom ko para maligo. Ni-ready naman na kasi lahat ng maid ‘yong gamit ko, ako nalang talaga ang kulang.
Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako pero dumiretso na ako sa sasakyan ko. Anong oras na eh.
"Magbreakfast ka muna anak," ani Nanay Soling, kasambahay rin namin.
"Hindi na po Nay, sa school nalang po ako kakain,” sagot ko naman kasi nga napaka-terror pa nang professor namin for first subject. Parang bubuga ng apoy kung magalit. Well, kahit bully queen ako at may pagkamaldita, marunong naman ako gumalang sa mga nakatatanda sa akin lalo na sa mga teacher basta ba'y wag lang nila ako kakantiin.
Nagmamadali na nga akong nagtatakbo sa kahabaan ng hallway at papasok sa room ko ng biglang..
“Aray!” sigaw ko habang nakahawak sa noo ko na natamaan, napatingin ako sa bumunggo sa akin at bigla akong natigilan at natulala.
Singkit, maputi at mukhang anghel. Nasa langit na ba ako?
Nakahawak din ito sa nuo nito, mukhang siya ‘yong natamaan ko. Wait, binunggo niya kaya ako. “Hey! How dare you?! Bakit mo ako binunggo!" sigaw ko sa babaeng nasa harap ko na ngayon. Late Reaction, Kristel?! What's happening to me? Urgh!
Ngunit wala itong reaksyon, nakayuko ito at mukhang may pinupulot siya sa baba. Ah, salamin.. Mukhang nalaglag pag kabangga niya sa akin, tulungan ko nga.. Wait.. Oy, tanga lang Kristel? Dapat galit ka dahil binunggo ka niya?! Ang sakit kaya!
Napulot na nito ang salamin nito at humarap sa akin. Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha nito. Nagandahan siguro sa akin? Yumuko naman kaagad ito. "Pasensya na Miss." 'Yon lang ang narinig ko mula rito at pumasok na ito ng room.
Napatingin na lang ako dito ng nauna na itong pumasok ng room.
So gano’n lang ‘yon?! Hindi niya ba ako nakikilala?!
Nakita ko siyang nakaupo sa may dulo at tinitigan ko lang siya ng masama pero no pansin lang ito at naka-earphone pa ito na ibinaling ang tingin sa bintana. Aba't snobera, girl!
“Hoy girl, anyare? Byernes santo ‘ang mukha mo, eh, monday palang kaya ngayon,” sabi ni Sheila, isa sa mga kaibigan ko.
"Kilala niyo ba ‘yong nerd na iyon?" Turo ko doon sa nerd na nakabungguan ko.
Umiling lang ang mga ito. “Mukhang bago at transferee,” sagot ni Gab.
Sa tingin niya nga rin bago lang ito at mukhang transferee, mukhang kailangan ko munang magpakilala sa newbie na 'to, ah.
Umupo na ako sa tabi ng mga kaibigan ko pero nakatingin pa rin ako sa anghel na ‘yon, este sa nerd na ‘yon! Yep, she's nerd! Meron siyang big eye glasses na panahon pa yata ng Lolo at Lola ko. Hay, nako! Napaka-old fashioned! Siguro kung hindi lang school uniform ang regular uniform namin ngayon, malamang super badoy pa nitong manamit.
Tamang-tama ang dating niya dahil matagal-tagal na rin no‘ng huling times kami nam-bully. Yeah, Isa ako sa mga bully ng school kabilang ang friends kong si Sheila, Irish, si Gab kasi mabait masyado at ayaw mang-bully.
Maya-maya ay dumating na din ang professor namin at tinawag ang nerd na ‘yon. Transferee nga ito, nagpakilala na rin ito sa harap.
“I'm Blossom Ishimada." Ang cute ng name at tsaka kaya pala ang cute ng mata, may lahi yatang Japanese. Ano na naman 'tong sinasabi ko.
“Okay, class dismissed,” wika ng prof namin ng huling subject namin na iyon bago ang vacant.
Nag-unahan na nga ‘yong iba na makalabas at si nerd pansin ko nandoon pa rin sa upuan niya at mukhang may binabasa sa notebook niya, seriously ngayon niya gagawin homework namin? Uso naman library ah. "Hey, girls, mauna na kayo. Sunod nalang ako," wika ko sa mga kaibigan kong so Gab,Irish at Sheila. Hintayin ko muna si nerd.
Maya-maya ay tumayo na din si nerd at nagmamadaling lumabas ng classroom at sinundan ko na siya. Ang bilis maglakad huh?
Pero patakbo akong lumakad at naabutan ko siya, hinawakan ko agad ‘yong braso niya. “Hey, sa tingin mo, saan ka pupunta nerd?” nakangiting sabi ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako tapos bigla akong napatulala. Cute eyes. Napatitig ako sa mata niya.
Nagulat na lamang ako dahil nabitawan ko na ‘yong braso niya at patakbong umalis kaagad ito. “Hoy! Wag mo akong takasang nerd ka!” Pero parang wala naman itong narinig at nakalayo na. Grr. Lintek naman, oh! Antanga-tanga ko! Bakit ba tulala ako sa kanya? Hindi 'bale at may araw din ang nerd na iyon sa akin!
"Hey, girl saan ka nanggaling at tsaka mukhang nanggagalaiti ka sa galit d‘yan?" tanong ni Irish.
Ikaw ba hindi rin maiinis, ang ganda ng gising mo tapos sisirain lang ng nerd na ‘yon. Inis na umupo nalang ako. "Merong lapastangang sumira nang araw ko." At isa-isa silang tumingin sa akin.
"At hahayaan mo nalang ba 'yon girl? Let's go at pahirapan na natin siya!” sabat naman ni Sheila, isa rin itong maldita gaya ko.
“Wag kayo mag-alala girls, naka-registered na sa utak kong pahirapan siya, swerte nga natin at nakakita ulit tayo ng magiging target natin." nakangisi kong wika sa mga 'to.
“So anong plano?” tanong ulit ni Sheila.
“Ang plano is araw-araw nating siyang pahihirapan hanggang sa siya na mismo ang sumuko at umalis dito sa school na 'to,” sagot ko naman sa kanila at sabay-sabay naman silang napatingin sa akin.
Blossom Ishimada's POV
“Kringgggg.” Tunog po ’yon ng alarmclock ko at hindi ng lumang telephono. In-off ko naman iyon at pupungas-pungas na bumangon na. Ito pala ang unang araw ko para pumasok ng school kahit medyo late na. Wala naman sana kasi akong balak mag-school pero mapilit ang pinsan ko at siya na raw bahala mag-asikaso ng lahat pati tuition fee ko, sagot niya na raw basta i-continue ko lang ‘yong school ko kaya ito kahit antok pa kailangan talagang pumasok. Sanay naman ako gumising ng maaga lalo na kung may mga iba pa akong pinagkakaabalahan para kumita.
Kinakabahan ako sa totoo lang kaya ito nailang pa ako pumasok ng classroom ko, isipin pa nang mga tao roon kung bakit may nerd na naligaw sa room nila. Wala pa naman ang prof. namin no'ng sumilip ako sa may bintana kanina kaya ayon palakad-lakad muna ako dito sa hallway.
Tumunog na ang school bell.
Hudyat iyon na kailangan ng pumasok sa room ng mga nasa labas na estudyante. Nagmamadali naman akong naglakad papunta ng room ko hanggang sa..
“Arayy!” sigaw ng babaeng nasa harap ko at napahawak na rin ako sa noo ko. Nalaglag din pala ang eyeglasses ko. Napansin ko ding napatigil ito at mukhang tulala, mukhang malala yata pagkakabunggo niya sa akin at tulala siya. Pinulot ko naman ang salamin ko na nalaglag para tignan ang mukha ng nabunggo ko nang bigla itong magsalita.
“Hey! How dare you?! Bakit mo ako binunggo?!” Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw nito pero mas nagulat ako ng makita ko ang mukha nito.
OMG! Sa lahat naman ng pwedeng mabunggo. Why her?
Wooo. Relax. Relax.
Kailangan kong magpakatatag. Yumuko naman ako at humingi ng pasensya. “Pasensya na, Miss,” sabi ko at nauna na akong pumasok ng room. Nag-sorry naman na ako kahit na may kasalanan din siya kaya kami nagkabungguan.
Pumasok na din ito ng room pero masama ang tingin nito na ipinukol sa akin kaya ibinaling ko nalang sa bintana ang tingin ko at kunwari ay hindi siya napansin.
Relax self, basta wag ka lang lilingon.
Maya-maya at dumating na rin ang professor namin ng subject na iyon at tinawag ako. Ipinakilala ako nito bilang bagong estudyante ng paaralang iyon. Inutusan din ako nitong magpakilala sa harap ng klase. "I'm Blossom Ishimada," sabi ko at naupo na, nakakahiya dahil nasa akin ang atensyon ng buong klase lalo na nang babaeng iyon.
Grabe makatingin. Para akong lalapain.
"Okay, class dismissed," sabi ng prof. namin nang huling subject na iyon bago ang vacant time. Isa-isa namang naglabasan ang lahat. Ako? Ito nagpaiwan muna para makaiwas sana sa gulo pero mukhang nakabantay sa akin ang babaeng iyon at nagpaiwan din ito.
Sabi ko na nga ba eh.
Nagmamadaling tumayo naman ako at lakad takbong lumabas ng room pero nakasunod na din pala ito.
Sinubukan kong tumakbo pero nahabol din ako nito at hinawakan ako sa braso.
"Hey. Sa tingin mo, saan ka pupunta nerd?" ngiting sabi nito at tinignan ko naman siya.
Puppy eyes. Paawang tingin ko rito. Aso lang?
Agad naman itong natigilan at nagulat na lang ako sa pagbitaw niya sa braso ko kaya sinamantala ko naman iyon para makatakas sa kanya at nagtatakbo na ako palayo. Balak pa sana ako nitong habulin pero mabilis na nakalayo ako kaagad at nakatakbo dahil malawak naman ang hallway nang eskwelahang iyon. Narinig ko nalang ang pagsigaw nito pero hindi ko naman naintindihan ang sinabi nito dahil nakasakay na rin ako ng elevator.
Hays. What a first day of school.
Dito na nga ako kumain sa labas ng Campus dahil baka makita ako ng Kristel na iyon. I know her dahil sikat ang pamilya nila, isa sila sa pinakamayaman dito sa bansa. Bali-balita na bully ito at ayoko namang mabiktima niya ako, ayoko ring mapalapit sa tulad niyang sikat at mayaman dahil-- Basta ayoko lang.
Dahil nga sa puyat ako kagabi kaya late ako kanina, hindi ko na rin napansin na may taong makakasalubong ako sa pinto, lutang, eh, at nabunggo ko pa ang ang babaeng iyon at ang malas roon ay 'yong Kristel pa na bali-balita ang pagiging maldita. I'm so dead. Magiging target pa 'ata ako ng grupo niya. Ang galing mo kasi Blossom, sa dami ba naman ng mabubunggo mo, ‘yog bully pa na babaeng iyon. Yari talaga ako. Sigurado iyon.
Basta gagawin ko nalang lahat para makaiwas sa kanila.
Bago pumasok ng room ay luminga-linga muna ako at baka makita ko pa ang malditang iyon at ang grupo niya, kailangan kong mag-ingat simula sa araw na ito.
Nakita ko naman ang grupo niya na nakaupo na pero papasok na rin ang prof namin. Thanks God. Sana po iligtas niyo ako sa malditang iyon at sa grupo niya.
Pagkatapos ng subject na iyon ay nagmamadali akong lumabas ng school na iyon at kung saan-saang shortcut pa ako dumaan para lang makaiwas kung sakaling makita ko man ang grupong iyon. Pumara na ako ng jeep papasok sa trabaho ko, nagtatrabaho ako sa isang fast food restaurant. Doon ko kasi kinukuha lahat ng gastusin ko para sa pagkain,pamasahe at pang-renta sa bahay na tinutuluyan ko. Wala naman akong problema sa school dahil nandyan ang pinsan ko para tulungan at suportahan ako. Mahirap ang maging working-student lalo na at hindi ako sanay pero ginagawa ko lahat ng ito para lang mabuhay. Perks of being independent.
Kristel
Patulog na nga ako pero hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ‘yong nerd na iyon, siguro ay dahil lang sa excited na talaga akong makaganti sa kanya at pahirapan siya. Kating-kati na ang kamay ko para hawakan ang kanyang magandang mukha este masakal siya.
Hindi niya kasi kilala ang binabangga niya, anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, baka pag nalaman niya manginig siya sa takot at magmakaawa sa akin dahil kayang-kaya ko talaga siyang patalsikin sa school na iyon! Si Daddy lang naman ‘yong may pinakamalaking share sa school na iyon. Madami-dami na rin akong napatalsik sa eskwelahang iyon. Basta bukas matitikman ng nerd na ‘yan ang ganti ng isang Kristel Fuentabella.
Ipapa-goodjob ko siya! Chos lang. Hindi naman ako ganoon kasama. Slight lang.
May ngiti ang labing natulog na ako pero ang nakakainis bago pumikit ay ang nakikita ko ang mukha ng nerd na iyon.
Ang singkit at cute na mukha nito.