Kristel
As usual, medyo tinanghali na naman ako ng gising, ano pa nga bang bago? Ginising ni Manang, naligo, tapos on the way na sa school. Laging ganoon naman tuwing umaga pag may pasok dahil laging late ako kung magising.
Nakakainis 'yong nerd na 'yon, hinanap ko nga siya kahapon pero mukhang nataguan talaga ako, hindi 'bale at magkaklase kami sa madaming subjects.
Pagpasok ko sa room nandoon na si nerd. Dahil wala naman kaming seating arrangement, sa tabi niya ako naupo at pinaalis ko 'yong katabi niya. Tinignan lang ako ng mga friends ko na nakangiti rin sa akin.
Tinitigan ko siya kahit habang nagtuturo 'yong prof. namin pero siya seryoso lang na nakikinig, ganda talaga ng mga mata niya.. Ays! Erase! Erase! Badwords again.
"Hey," Mahinang tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Mas lalo akong nainis. Bingi ba siya? Binulong ko nalang sa tainga niya.
"Hey." Tapos bigla siyang natigilan pero agad na bumalik ulit ito sa pakikinig sa prof namin.
Bungol huh? Mas maganda naman ako kay prof, ah. Mukhang malinis naman yung tainga niya or talagang ayaw lang ako pakinggan? Ganoon pala huh.
Blossom
Nandito na ako sa room at 'yong maldita na iyon, wala pa. Sana nga hindi na siya pumasok dahil sa totoo lang kinakabahan ako sa pwede niyang gawin. Maya-maya ay dumating na din 'yong maldita at nagulat ako dahil sa tabi ko pa siya umupo at pinaalis niya 'yong katabi ko. Maldita talaga. Wala namang nagawa 'yong katabi ko at lumipat nalang ng upuan.
Maya-maya ay dumating na din si prof. at nagsimula na ring magturo pero itong katabi kong si maldita kahit hindi ako lumingon alam kong nakatingin siya sa akin, wag kang lilingon Blossom! Maya-maya ay mahinang bumulong siya sa akin, "Hey.." Pero hindi talaga ako lumingon tapos ay bigla akong nagulat sa ginawa niya.
"Hey." Ulit niya at dinikit niya talaga sa tainga ko, pakiramdam po nagsitayuan lahat ng balahibo sa batok ko. Inhaleee.. Exhaleee.. Wag ng pansinin, focus nalang para sa future. Matatapos din ang subject na 'to.
Maya-maya ay natapos na rin ang klase naming iyon syempre dali-dali akong tumayo lumakad palabas ng room, kailangan ko ka kaagad makalayo. As usual, sa labas na naman ako kakain nito.
Kristel
Tinakasan na naman ako ni nerd pero wag siya, alam ko kung saan siya papunta. Madami akong mata sa eskwelahang ito pati sa labas..
"Hey, girls, tara na!" 'Aya ko kay Irish at Sheila na hindi pa rin tapos sa pagre-retouch, pabebe kasi. Si Gab naman susunod nalang daw, tinawag pa ng mga ka-team niya, varsity player kasi ng volleyball 'yon. Mabuti na rin 'yon, kokontra lang 'yon sa pambu-bully namin.
Agad naman naming nakita 'yong nerd na iyon. "Pwede bang makiupo." Tabi ko sa kanya at sumunod din 'yong dalawa. Mukhang nagulat ito pero ipinagpatuloy lang nito ang pagkain.
"Mukhang hindi kanya pinapansin girl oh," wika ni Sheila.
Agad namang uminit yung ulo ko. "Hindi ka ba talaga magsasalita?!" Galit na sigaw ko sa kanya na ikinatingin na rin ng ibang taong nandoon. Hindi naman sila makapag-react dahil kilala nila ako at ang grupo ko.
Wala pa rin itong reaksyon at akma pa itong tatayo pero pinigilan ko ang braso niya at binuhusan siya ng juice sa ulo. "Ayaw mo kasing sumagot! 'Yan ang dapat sa'yo! Tara na, girls!"
Blossom
Nagulat ako dahil talagang alam ng malditang iyon at grupo niya na nandito ako at tumabi pa sila sa akin, ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?!" sigaw niya sa akin na ikinatingin na ng ibang tao roon pero mukhang wala itong pakialam dahil takot sa grupo niya. Gustong-gusto ko sumagot at bulyawan din siya pero ano namang mapapala ko? Mamaya mapatalsik pa ako sa eskwelahang 'to, ayaw ko namang mangyari 'yon dahil pinaghirapan ko kayang pumasok dito tapos madami pang gastos kung lilipat ako, malapit lang din kasi ito sa trabaho at sa bahay na tinutuluyan ko.
Nagmamadali kong tinapos 'yong pagkain kong halos hindi ko na malunok at nagmamadaling tumayo pero maagap na nahawakan ni maldita 'yong braso ko. Laking gulat ko nang ibuhos niya sa ulo ko ang juice na nandoon. "Ayaw mo kasing sumagot! Yan ang dapat sa'yo! Tara na, girls!" sigaw nito at nagmamadaling umalis kasama ang mga alipores niya.
Pinagtinginan ako ng ibang tao at nagbulungan pa ang mga ito kaya lumayo ako kaagad sa lugar na iyon.
Kristel
Ipinagpatuloy nalang namin ang pagkain dito sa room namin. Yep, may sarili kaming room ng grupo ko na sadyang ipinagawa ko para sa akin I mean para sa amin. Katabi lang ito ng school na pinapasukan namin. May kitchen, may dalawang comfort room at sala set din na may malaking TV, refrigerator na maliit at may aircon din. Parang bahay lang. Dito kami tumatambay pag may research o kaya bored kami sa room.
Maya-maya ay may kumatok. Si Gab pala at as usual kay Irish kaagad lumapit. Niyakap nito si Irish pero si Irish todo iwas lang. Ewan ko sa isang 'to kung bakit trip na trip si Irish. Sobrang close kasi 'yang dalawang yan. Si Gab kasi bisexual tas si Irish straight kaya ewan ko nalang din kung hindi sila ang magkatuluyan.
"Sa tingin ko galing kayo doon sa girl na gusto niyong i-bully at nagawa niyo na?" wika ni Gab.
Ito ang ayaw ko kay Gab, lagi akong kinokontra pagdating sa pangbubully. Lagi niya kasing sinasabi na handa niya kaming samahan sa mga kalokohan at gusto naming gawin pero wag lang sa pangbubully kaya nga nagdahilan pa na hindi makakasama kanina.
"Yep," I said wearing my evil smile.
"Siguro naman titigil na kayo?" sabi niya.
"Titigil? Nagsisimula palang kami," sagot ko sa kanya.
"Wag ka na ngang makialam Gab." sigaw ni Irish sa kanya at nanahimik naman siya. Si Irish lang talaga sinusunod niya dito. Hayss.
Blossom
Inayos ko yung sarili ko sa comfort room, halos mangiyak-ngiyak pa ako pero kailangan kong magpakatatag.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ng babaeng iyon at inabutan niya ako nang panyo, nagulat naman ako pero kahit kasamahan siya ng malditang iyon, hindi naman ito kasama kanina no'ng binuhusan niya ako ng juice.
Tumango nalang ako pero hindi ko kinuha 'yong panyong inaabot niya.
"Pasensya kana kala Kristel, ah." Yuko niya at inabot niya ulit sa akin 'yong panyo tapos t-shirt.
Napatanga naman ako, parang ambait naman nito para maging kaibigan o ka-grupo ng malditang iyon.
"Wag kang mag-alala, malinis yan, saakin 'yang shirt. Basa ka kasi. Sige, ah, mauna na ako," sabi niya at umalis na.
Sinuot ko 'yong t-shirt, halos magkakatawan lang pala kami. 'Yong maldita kasing iyon, ano bang gagawin ko para tigilan niya na ako.
Gab
(Padaan lang ng POV si Gab.)
Palabas na ako nang c.r no'n nang makita ko si Blossom, 'yong target daw namin para ibully. Naawa ako sa itsura niya dahil basa 'yong shirt at buhok niya. Mukhang alam ko naman na nangyari, halos mangiyak-ngiyak siya.
"Okay ka lang?" Abot ko sa kanya ng panyo ko, tumango lang siya at hindi sumagot.
"Pasensya kana kala Kristel, ah." Ako nalang ang humingi ng pasensya dahil alam kong never gagawin ng tatlo iyon, hindi pa din siya sumagot.
"Wag kang mag-alala, malinis yan, saakin 'yang shirt. Basa ka kasi. Sige, ah, mauna na ako." sabi ko dahil kakausapin ko muna sila Kristel about dito.
Ako nga pala si Gabrielle or Gab for short, friend ni Kristel, Sheila at Irish. Isa akong bisexual, varsity player ako ng volleyball ng school namin. Mga bata palang kami magkakaibigan na kaming apat, sa totoo lang mabait naman si Kristel pero simula ng mawala si Tita, I mean 'yong Mother niya, nagbago na siya. Naging masungit at walang pakialam sa mundo at ayon sinasamahan ko silang tatlo sa mga kalokohan o trip nila pero maliban lang sa mang-bully. I know what it feels, naging biktima rin ako ng bullying noong elementary ako at si Kristel ang tagapagtanggol ko noon. Nakakatawa 'no? Ang dating tagapagtanggol sa nabu-bully ay bully queen na ngayon pero sa totoo lang mabait naman talaga si Kristel, kulang lang siya sa pagkalinga at pagmamahal ng isang magulang. Bukod sa nasaktan siya sa maagang pagkawala ng ina niya, naging busy din ang ama nito sa negosyo kaya hindi na siya napagtuunan ng pansin. Mas lalo rin siyang nasaktan no'ng iniwan siya ng taong iyon.
Ang kanyang first love..
Blossom
Pauwi na nga pala ako, mabuti nalang at tinigilan muna ako ng maldita at grupo niya pagkatapos no'ng kanina, nakaisip na nga pala ako ng paraan para tigilan na niya ako at ng grupo niya, kakausapin ko talaga siya, bahala na kahit magalit pa siya, wala na akong choice kung hindi ang gawin iyon..