Kristel
Nakatitig ako ngayon sa kalangitan at mga bituin. "Mom, kung nandito ka kaya ngayon, magiging ganito kaya ako?" Kausap ko sa mga bituin na nakikita ko ngayon sa may bubungan ng harap ng bintana nang kwarto ko. Ito 'yong pinakapaborito kong lugar dito sa bahay.
Matagal ng wala si Mommy. Nine years old lang ako noon nang mamatay si Mommy dahil sa isang aksidente. Simula nga noon, nagalit ako sa mundo, lalo na sa Daddy ko na simula nang mangyari iyon kung sino-sinong babae na ang kasa-kasama at kung minsan dinadala niya pa dito sa bahay.
Nasasaktan ako para sa Mom ko eh. Para sa akin kahit patay na lang Mommy, wala siyang karapatang lokohin ang Mommy ko. Kahit pa nasusunod lahat ng gusto at luho ko ay hindi ako masaya, may pera ka nga kung wala ka namang pamilya na makakasama mo araw-araw at gagabay sa'yo katulad ng iba. Pakiramdam ko hindi normal ang buhay ko katulad ng iba, gumigising ako sa umaga ng walang dahilan, nabubuhay ako para sa wala.
Natulog ako na katabi ang picture ni Mommy, sana Mom nandito ka pa..
Blossom
Maaga naman akong nakapasok dahil maaga akong nagising ngayon, tinanggihan ko muna kasi 'yong mga ibang raket na ibinibigay ng mga kaibigan ko sa akin, noong bakasyon kasi okay pa pero ngayon hindi na pwede dahil sa oras ng pasok ko. Mabuti nga at pumayag pa 'yong fastfood chain na pinapasukan ko na bawasan yung oras ko para makapagpahinga pa naman daw ako. Pinsan ko ang nagpasok sa akin doon, kaibigan niya yata ang owner n'on. Sobrang close kami ng pinsan kong iyon, lagi akong tinutulungan kapag nangangailangan talaga ako lalo na sa school ko, siya na 'yng umako basta raw mag-aral lang ako ng mabuti.
Napag-isipan ko na rin ang gagawin ko para tigilan na ako ng malditang iyon at ng grupo niya, para lang matigil na sila at mabuhay ako ng normal sa eskwelahang iyon.
As usual, late na naman si maldita at sa tabi ko nanaman umupo, nakangiti pa na parang walang gagawing mabuti. Nasisiraan na talaga ng bait. Laging nakangiti mag-isa.
Pagkatapos ng subject na iyon ay vacant time na pero hindi muna ako lumabas ng classroom at si maldita with her friends ay ganoon din. Sinadya ko naman talaga.
Nakita ko naman sinenyasan niya ang mga kasama niya na umalis at lumapit siya sa akin kaya tumayo naman ako kaagad. "Hep-- Hep, d'yan ka lang! Wag na wag mo na akong tatakbuhan!" pabulyaw na wika niya sa akin sa pag-aakalang tatakaasan ko ulit siya.
"H-Hindi kita tatakbuhan.." sagot ko na medyo nanginginig pa. Hindi naman sa takot ako pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla yatang kinabahan ako habang kaharap ko siya ngayon.
"So anong tawag mo sa ginawa mo no'ng isang araw? Tinakbuhan mo 'ko?! Alam mo bang hingal ko no'n, ah?!" Nyay. Mukhang gigil na siya!
"S-Sorry. I don't mean it, nagmamadali lang kasi ako no'n dahil baka maa-ate na ako sa work ko pe--"
"So, are you trying to say na male-late ka sa work mo dahil sa akin? Ganoon ba?!" Putol nito sa sasabihin ko. Galit na talaga siya.
"No! I'm sorry, please.. Sana tigilan niyo na ako." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para hawakan pa ang kamay niya. Basta ang gusto ko lang malaman niya na sincere ako sa paghingi ng tawad sa kanya.
Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko at tinabig agad ang kamay ko sabay tinalikuran ako at nag-walk out?
Anyare ?
Nagulat ako dahil bigla itong nagwalk-out. Anong nangyari doon?
Nagtaka naman ako dahil hindi na ako ginugulo ni Kristel kahit noong nakasalubong ko sila kanina sa canteen, hindi nila ako pinansin. Na-convince ko na ba siya? Si bully queen? Weh?
Bago umuwi ay nag-CR muna ako. Letse, mukhang nasira tiyan ko kung sa kung anong nakain ko kanina. Pagkatapos ko ay nagmamadali na akong lumabas nang CR, baka kasi makasalubong ko pa sila Kristel at pagtripan na naman ako nang biglang--
"Arayy." Pamilyar 'yong boses. Natamaan ang balikat ko ng kung kaninong balikat at dahil nga sa nataranta na ako napahawak pa ako sa kamay niya at nahila rin siya patumba.
Ang sakit ng likod ko super pero bigla naman akong napatulala sa kaharap ko ngayon. Actually pareho kaming tulala lalo na ako dahil nakapaibabaw siya sa akin at halos magdikit na 'yong mukha namin. Ang ganda niya talaga, 'yon nga lang napakasama ng ugali niya--
Ni--
Ni Kristel! Nang ma-realize ko kung sino 'yong nakapatong sa akin ay dali-dali ko siyang naitulak paalis sa ibabaw ko kaya laglag ang pwetan niya sa sahig. Edi tie kami.
"Ouch, huh?!" sigaw naman niya habang nakahawak sa balakang niya.
Tinulungan ko siyang tumayo. "S-Sorry." Yuko ko at hingi nang paumanhin sa kanya, inaasahan ko na kung may gagawin man siya sa akin kung sasampalin niya man ako or what pero mali ako ng hinala.
"Madudulas ka nalang kasi nerd, mandadamay ka pa." Wika niya lang sa akin na nakangiti pa pero mukhang hindi naman ito galit at wala ring ginawa sa akin.
WHATTT?!
Si Kristel ba talaga 'to? Baka doppelganger niya?
Nagsasalita pa ito pero nakatingin lang ako sa mukha nito at nakangiti lang ito.
Good mood, siguro?
Sinamantala ko naman iyon para tumalikod na sana at umalis na--
Pero bigla niya ulit akong hinawakan sa braso at napatingin ako sa kanya at nagkatitigan na naman kami. "Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos mong manakit, iiwan mo nalang basta-basta?" seryosong saad niya. Ang talim pa ng tingin niya sa akin kaya napalunok na lamang ako.
Who goat 'yon?!
Ang creepy ng tingin niya. "Joke!" Biglang ngiti naman niya sabay bitaw ng braso ko.
Napaawang ang bibig ko sa winika nito. Kumain kaya 'to ng breakfast?
Baka nalipasan?
Bipolar ata 'tong babae na to, akala ko magagalit na naman siya pero biglang JOKE? What a big JOKE huh?
Hindi ko na naiwasang hawakan ang nuo nito dahil baka nilalagnat, eh? Nakangisi pa nga.
"Bukas ng ganito ring oras, sa room one-zero-seven, kung gusto mong tigilan na kita, pumunta ka." wika niya at lumabas na rin ng pinto.
Room one-zero-seven? Baka doon na nila ako balak i-ambush ng grupo niya?! Ambush talaga. Okay? Para lang matigil na sila. G ako!
Kristel
Umalis ako palayo sa nerd na iyon, ano ba kasi itong nangyayari sa akin, bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko?!
"Okay ka lang girl?" ani Gab.
Hindi ako nakasagot agad, napatango nalang ako.
"Anong ginawa sa'yo ng nerd na 'yon, girl?" tanong naman ni Sheila.
"W-wala siyang ginawa, okay? Sumakit lang 'yong tiyan ko. Tara kaen na tayo." sagot ko nalang sa kanila.
Habang kumakain sa canteen nakita ko na naman siya pero hindi ko nalang muna pinansin, saka na 'yong plano ko sa kanya kapag okay na 'yong puso ko. Papa-check-up nga ako mamaya, baka kung ano 'to?
"Hey, girl, bakit pinabayaan mo lang siya?" nagtatakang tanong ni Irish, ang tinutukoy nito ay si nerd na kumakain sa mesang medyo malapit sa amin.
"Saka na 'yong plano, may pinagkakaabalahan kasi ako ngayon." dahilan ko nalang.
Kahit habang nasa klase ay hindi ko talaga siya tinitignan, baka atakihin na ako sa puso, eh. Siguro kaya nangyayari 'to dahil lang sa inis ko sa nerd na 'yon?
Nauna ng umuwi si Irish at Gab, then si Sheila sinundo ng date niya kuno kaya ito mag-isa ako, mag-retouch muna bago umuwi.
Nagulat ako pagpasok ko ng pinto dahil may nakabunggo nanaman ako at sa balikat naman ito tumama."Arayy!" sigaw ko dahil tumama yata ang balikat niya sa dibdib ko at dahil na rin sa mas matangkad ako sa kanya ay natumba siya pero hindi lang pala siya dahil sa napahawak siya sa kamay ko, so pati ako napasama.
Take note. Ang awkward ng pwesto namin, nakapatong ako sa kanya at nagkatitigan lang kami-- Ganda talaga ng mata niya, tapos 'yong ilong niyang katamtaman lang ang tangos, then 'yong lips--
"Aray!" sigaw ko. Bigla kasi akong tinulak ni nerd, ano bang problema niya? Sakit n'on, ah.
"S-sorry." Nakayuko pa ito, ang cute niya talaga tas naka-pout pa 'yong pinkish lips niya kaya imbis na magalit, napangiti na lang ako.
"Madudulas ka nalang kasi nerd, mandadamay ka pa." wika ko sa kanya na nakangiti pa, sinabi ko rin sa kanya na wag na maging lampa at mag-iingat na sa susunod. Maya-maya ay bigla nanaman niya akong tinalikuran at akmang aalis na naman kaya dagli kong hinawakan siya sa braso.
"Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos mong manakit, iiwan mo nalang basta-basta?" Tignan mo 'to, kinakausap pa, eh. Ito pa naman 'yong pinakaayaw ko sa lahat, 'yong tatalikuran ako. Tumingin naman siya sa akin at nagkatitigan na naman kami
TUG--DUG TUG--DUG
So ito nanaman kaya binitawan ko kaagad yung braso niya.. "Joke!" sabi ko nalang at tinalikuran ko na siya. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. May sakit na yata ako sa puso? Kailangan ko na talagang magpa-check-up?
Nginisihan ko lang ito pero sa loob-loob ko ay ang lakas-lakas na nang kabog ng dibdib ko.
Para pa ngang huminto ang paghinga ko ng idampi nito ang palad nito sa nuo ko.
"Bukas ng ganito ring oras, sa room one-zero-seven. Kung gusto mong tigilan na kita, pumunta ka." wika ko sa kanya na pinipigilan ang mautal, nagmamadali na akong umalis sa lugar na iyon dahil sa puso kong hindi mapakali. Letseng puso 'to!