Kristel Pagkatapos namin kumain ay dumiretsyo na kami sa bar na tinutukoy nila Gab, basta talaga sa ganito ang bilis lang nila. Beer na lang ang in-order naming inumin dahil nalasing na kagabi 'yong dalawa kaya wala kaming balak magpaka-wasted ngayong gabi Nakakapagod magpakalasing. “Andami namang couple sa bar na 'to.” Reklamo ni Sheila. Bitter allert. Tsh. Maya-maya ay dumating na rin ang order naming alak. So, inuman na. “Sayaw tayo, Rish?” aya ni Gab dito. Wala pa namang amats si Gab, sadyang may tama lang siya kay Irish. Halata namang ayaw nang isa pero wala naman itong nagawa ng hilain ni Gab, makulit, eh. Napailing-iling na lang ako. Napadako naman ang tingin ko kay Blossom, parang nag-iiba na awra ng mata niya, bes. Maya-maya.. “CR lang ako, guys?” wika nito at nakahawak sa

