If you love someone, you must be prepared to set them free. -Paulo Coelho Blossom Masakit. Mas masakit pa pala 'to sa inaasahan ko. Sinaktan ko 'yong taong mahal na mahal ko. Ayoko lang na madamay pa siya sa magulong buhay ko kaya hanggat maaari kahit gustong-gusto ko na bumigay sa mga effort niya, sa mga pinapakita niya, pinipilit ko na baliwalain siya. Hindi ko gustong saktan siya, ang gusto ko lang sukuan niya 'ko. Kasi kahit baguhin pa namin kung ano kami ay hindi pa rin n'on mababago na kailangan kong pumili at mag-desisyon. Mahina ako. Oo. Dahil wala akong lakas ng loob ipaglaban siya? Oo. Dahil sinaktan ko 'yong taong nand'yan para sa'kin? Oo. Dahil sinaktan ko 'yong taong mahal ko. "Nakapag-usap na ba kayo?" Si Steven. Ka-Batch ko kasi siya ng highschool and he's gay.

