Blossom "Ang ganda mo anak." Nakangiti si Mama habang nakaharap kaming dalawa sa salamin at pinagmamasdan ako. Napangiti lang ako ng tipid kay Mama pero sa totoo lang gustong-gusto ko na umiyak pero pinipigilan lang ako ni Mama. Kakalat daw kasi ang make-up ko sa mukha. Sabi naman ni Kuya magmumukha raw akong ghost bride. Yes. Ikakasal na ako sa araw na 'to. Pinilit ko naman pagaanin ang awra ko kahit sa totoo lang ang bigat ng pakiramdam ko. Na hindi ko alam kung paano kakayanin ang mga mangyayari mamaya. Pinilig ko naman ang ulo ko para pigilan ang nagbabadyang luha na namumuo na sa mata ko. Pinilit ko ring wag ng mag-isip ng kung ano-ano dahil baka nga mas maiyak pa ako. Lumakad na ako para pumasok sa sasakyang maghahatid saamin sa simbahan. Lumingon naman ako may kanto malapit

