Blossom Ito na 'yong gabi na ayoko na sanang dumating. Gabi kung saan masaya 'yong iba sa kanilang mesa at nagtatawanan, kung saan nagagandahan ang mga kasuotan ng panauhin, kung saan magiging isa sa mga pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Engagement party. Ayaw ko man ay wala akong magagawa. Maaaring maling tadhana ngunit pipilitin ko na lang isipin na tama. Isipin na hindi nga siguro kami para sa isa't-isa ni Kristel, na kahit mahal na mahal ko siya ay hindi ko maaaring sundin ang puso ko dahil ikapapahamak naman ng pamilya ko. "Ready ka na ba, my dear princess?" tanong ng kinasusuklaman kong lalaki. Sino pa nga ba? Ang walang hiyang hilaw kong ama. Pinigil ko naman ang sarili ko dahil kaunting-kaunti na lang gusto ko na itong sapukin. Napahugot naman ako ng malalim na hininga at

