Kristel “Miss mo?” Sinamaan ko naman ng tingin ang nagsalita na iyon na si Gab. “I mean mismo, 'yong softdrinks.” Tatawa-tawang defend naman nito. Nakitawa pa 'yong dalawa. “Hi, guys.” Biglang namang napaikot ang mga mata ng mga kaibigan kong impakta sa dumating na iyon. Mga loko talaga. Hindi man lang ito nag-greetback. “S-sorry. S-sige doon muna ako,” wika na lang ni Cateleen. “Loko kayo. Isipin ng tao may galit kayo," sabi ko pa sa mga ito. “May galit naman talaga kami, ah. 'Di kami tulad mo na nakikipag-plastikan pa d'yan sa ex mo.” Si Sheila. Napakaingay talaga. “Loko. Marinig kayo.” “Hayaan mong marinig para alam n'yang 'di na dapat siya lumalapit sa'yo o sa amin. 'Di ba nag-usap na kayo na titigil na siya na lalayuan kana niya?” ani Sheila ulit. Napatingin naman sa kanya an

