Kristel Hawak-hawak ko ang kamay niya habang papalapit ang sasakyan namin sa lugar na pinaghandaan ko talaga para lang sa aming dalawa. Hindi ko magawang bitawan ang kamay niya dahil sa halo-halong nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko rin mapalagpas na hindi siya bigyan ng pasimpleng tingin habang nagda-drive. Napapaisip tuloy ako minsan, ginayuma ba ako ng babaeng ito? I don't know. Hindi naman kasi ako dating ganito pero simula nang makilala ko siya, kasabay ng pagbabago ng nararamdaman ko ay ang pagbabago ng mga pananaw ko sa buhay. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse ko nang pigilan ko siya. "Wait, babe," wika ko at ako ang unang bumaba para ipagbukas siya ng pinto. "S-salamat," tanging sagot niya lang at inilibot ang mata sa lugar na iyon. Alam kong nagtataka siy

