Blossom Sakit ng ulo ko. Urgh Anong oras na rin pala kami nakauwi last night kaya diretsyo kama na nga lang din ako pagpasok ko ng kwarto. Sobrang pagod, eh. Pag-alis ko nga lang ng jacket at shoes ko ay higa kaagad ako. Napansin ko ring matamlay 'yong tatlo at hikab ng hikab. Halata rin sa mga mata nila 'yong eyebags. Si Gab, Irish at Sheila. Wala pa pala si Kristel. Kahit papaano nga nakatulog ako sa sasakyan dahil kay Kristel. Nahiya nga akong baka nangawit na siya pero mas nahihiya naman akong hawakan 'yong braso niya at alisin sa pagkakaakbay mula sa balikat ko. Maya-maya ay dumating na ang prof. namin para sa first subject pero wala pa rin si Kristel. Baka ma-late na naman 'yon? 'Oy, concern. Bakit kasi wala pa siya? Hanggang matapos ang subject na iyon pero walang Kristel n

