Kristel Palibot kaming nakaupo sa may bonfire na naroon. "Kampaii!" Taas nila ng mga hawak nilang baso ng may lamang alak maliban kay Blossom na hot chocolate drink 'yong hawak. Ayaw na raw kasi nito uminom at saka giniginaw daw rin siya kaya hot chocolate drink lang muna ang kanya. Pansin ko nga rin dahil nakayakap siya sa tuhod niya. How I wish, ako na lang 'yong kayakap niya.. Isa rin siguro sa dahilan kaya ayaw niya na uminom ng alak dahil sa pangyayaring 'yon? Ang epic nga, eh. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko. Akala niya kasi nanaginip lang siya pero totoo pa lang magkatabi kami ng hubad at walang anumang saplot sa katawan. Sino ba naman kasing hindi magugulat ng ganoon 'di ba? Mukhang napansin niya yatang may nakatingin sa kanya kaya bigla naman siyang napabaling ng tingi

