Kristel "Girl, magkano patatas ngayon sa palengke?" Bungad na tanong sa akin ni Gab, nang makaupo na ako. Kapapasok ko lang kasi ng classroom. Napakunot naman ang nuo ko at chineck ko 'yong nasa likod ko. Baka kasi may kausap siya roon na hindi ko nakikita pero hindi naman dahil sa akin siya nakatingin. Siraulo ba 'to? Mukha ba akong tindera sa palengke? Mukha ba akong si sarah prinsesa? Never din naman ako namalengke. "Aba malay ko! Ano namang alam ko d'yan?!" "Mukha ka kasing nalugi, eh." Natawa pa ito. Nako.mPigilan niyo 'ko. Napakaaga. Kapag ako tuluyan na-badtrip, may lilipad ngayon papuntang mars. "Haha? Nakakatawa?" Tsk. "Girl, 'yong totoo? Meron ka ba ngayon?" Bungad ng isang loka sa akin. Si Sheila. "Oh, baka naman basted na naman?" Ngiting nakakaloko ni Irish kaya sinamaan

