Blossom Foundation day Kahit tinatamad pa bumangon ay nag-inat-inat na ako. Sinuot ko ang salamin ko sa mata at slippers. Pagkatapos kumain ay dumiretsyo na ako sa banyo para maligo ng bigla na namang mag-play sa utak ko 'yong nangyari noong nakaraang gabi, noong gabing hinatid ako ni Kristel at aksidenteng nahalikan ko siya sa lips. Flashback "K-kristel," tawag ko sana sa kanya para magpaalam at halikan sana siya sa pisngi. Para kasing galit siya sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung bakit? Gusto ko nga sana siyang i-confront kaso nga lang ay nauunahan naman ako ng hiya. Nahiya nga i-confront pero hindi hindi nahiya manghalik 'no? At sa lips pa talaga. Ang galing. So ayon nga nabigla rin ako sa ginawa ko dahil ang halik lang sana ay sa pisngi ay napunta sa lips. 'A

