Kristel "Nako, Ma'am, hindi ako nahirapan magmake-up sa inyo. Effortless kasi ang ganda niyo, eh," wika ng baklang nag-aayos sa akin. IKR. Nangbola pa, eh. Matagal ko ng alam na maganda ako. With or without make-up. Duh. "Okay na ba 'yan? Baka maya-maya kasi magsastart na kami," tanong ko do'n sa baklang nag-aayos sa akin. Inaayos pa kasi nito ang buhok ko. "Patapos na po, Ma'am. Wag kayo mainip. Tiyak mas lalo kayong magiging dyosa sa paningin ng lahat ngayong gabi!" Duh. Inikutan ko lang ito ng mata. IKR. °°°°° Maya-maya ay nagsimula na rin 'yong program pero hindi ko pa nakikita si Blossom. Baka mag-solo ako sa pagkanta nito. 'Di ba 'yon naman ang gusto ko? "Girl, tingin ka sa likod mo," wika ni Sheila kaya napatingin ako sa likod ko. Ang gandang babae naman nito. Wika ko sa sari

