Chapter 5

3334 Words
Blossom So ngayon na nga 'yong araw na magiging slave ako ng isang Kristel Fuentabella. Tinatamad pa nga ako pumasok pero hindi pwedeng hindi ako pumasok dahil bukod sa walang dahilan para hindi ako pumasok, ngayon din kasi yung usapan namin ng maldita na 'yon. Baka napatalsik na pala niya ako sa eskwelahang iyon ng hindi ko nalalaman. Naglalakad ako sa hallway ng mapansin kong papalapit na sila maldita sa akin kasama nang friends niya, napaaga yata ang pasok ni bully queen ngayon at hindi siya late. Hey," tawag niya sa akin. Hey-hey hooray. Lumapit ako kaagad sa kanya. "Isa-isa ko munang ipapakilala ang mga friends ko sa'yo. "This is Irish." Turo nito nito roon sa babaeng cute na may dimple na biloy sa may side ng lips. "Ito naman si Sheila." Turo nito sa babaeng maputi na mukhang otako na may bangs pero mukhang masungit dahil nakataas ang isang kilay. "Then si Gab, I think you already know her, RIGHT?" pagdidiin pa nito sa huling word na sinabi nito. Nakita niya na kaya kaming magkasama? Tumango lang ako sa kanya. "Okay pag-usapan natin 'yong iba sa room," wika nito at napasunod nalang ako sa kanila, kumindat lang si Gab saakin na parang sinasabing wag ako patinag kay Kristel. "Give me your phone," mautoridad na wika niya. "Huh?" takang tanong ko sa kanya. Inikotan niya lang ako ng mata. "Sabi ko, akin na 'yong cellphone mo. Siguro naman meron ka n'on 'di ba?" Nagtaka man ako ay agad ko rin namang ibinigay sa kanya. "Ise-save ko ang number ko, ah. Here." Sauli niya naman ng phone ko. Akala ko naman kung anong gagawin niya. "Call me now para masave ko rin 'yong number mo, okay?" "Okay," sagot ko naman. "Dapat lagi mong sasagutin ang tawag ko everytime na tatawag ako sa'yo at wag na wag mo akong papatayan, mag-reply ka kapag tinetext kita, okay?" paliwanag pa nito. Ano ba talaga ako? Slave o boyfriend? Toinks. Boyfriend daw? I can't even imagine that. "Okay, pero paano kapag working hours ko? Working-Student ako. Eight pm to eleven pm ang pasok ko," mataray na sagot ko sa kanya, para naman malaman niyang hirap na hirap na ako sa schedule ko at wag na siyang dumagdag pa. "Problema mo na 'yon, Basta gawan mo nang paraan," mataray din na sagot niya. Grabe siya, oh. "Okay, sige," sagot ko nalang kasi wala naman na akong magagawa. Breaktime Kasabay ko sila Kristel sa canteen. "Bumili ka ng pagkain namin." At inabot niya saakin yung one-k. Iba talaga ang yayamanin. "Anong bibilhin ko?" tanong ko sa kanila. "Apat na pasta," sagot n'ong Sheila. "Samahan mo na rin pala ng apat na drinks, ah. Iced tea lang. " Pahabol ni Kristel. "Samahan ko na siya," ani Gab. "Umupo ka d'yan Gab, kaya mo na 'DI BA?" Mataray na tanong ni Kristel. Tumango nalang ako bilang sagot, alangan namang tumanggi ako 'di ba? Grabe. Mukha ba akong alien at kaya kong buhatin lahat 'yon? Pasta for lunch? mabubusog ba sila n'on? Masarap pa yata yung kwek-kwek sa may labas ng school, eh. Pagkatapos maipamili yung pagkain nila maldita kasama ng lunch ko ay isang tray lang muna ang dala ko, babalikan ko nalang ang iba. "Oh, bakit kulang 'to?" tanong ni maldita. "Babalikan ko pa 'yong ibang tray, hindi ko naman kaya buhatin lahat." Apat kamay ko girl? Apat? "Whatever. Can you make faster?! Gutom na kaya kami!" Galit na singhal sa akin ni Kristel kaya't agad naman akong tumalima para kunin 'yong isang tray. Sungit talaga. Siya lang ba ang gutom?! Napaka-ano lang talaga. Amppp. Habang naglalakad palapit sa mesa nila maldita ay bigla namang may paang pumatid sa akin. Huli na para iwasan 'yon. Sakto naman 'yong mukha ko sa platong may pagkain, so ayon ang kwela nang pagkakadapa ko. Nagtawanan at bulongan ang ibang mga studyante roon. Nakakapangliit. Pagkatapos itong si bully queen palapit pa saakin, sisigawan nanaman siguro ako at sasabihang lampa pero nagulat ako sa sunod na ginawa nito. Inabot niya 'yong kamay niya saakin at itinayo niya ako, pagkatapos pumunta siya roon sa mesa n'ong katabaang lalaki. "Hoy, baboy! Pinatid mo siya 'di ba?!" Turo ni Kristel saakin. Tapos 'yong lalaki namutla at biglang lumuhod na mukhang takot na takot. "Sorry po, sorry po." wika ng lalaking iyon. So 'yon pala ang pumatid sa akin? "Get out of my way! At wag kanang magkakamali pang ipakita 'yang mukha mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ni Kristel at hinila ang kamay ko paalis. I don't know kung anong nangyari sa akin pero iba 'yong naramdaman ko sa kanya habang tinititigan ko siya ng mga oras na 'yon. Tuwa. Dahil for the first time in my life may taong pinagtanggol ako. "T-Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi niya parin binibitawan 'yong kamay ko. Sumakay kami ng elevator, pinindot niya sa ground floor. Lumakad kami palabas ng elevator. Sa room one-zero-seven pala kami. 'Yong room nila Kristel na mukhang apartment. "Umupo ka dito," mautoridad na wika niya at umupo ako at hinintay siya. May kinuha siyang medic-kit. Pinunasan niya 'yong ulo at mukha ko ng towel pagkatapos ginamot niya iyong mga ilang gasgas ko sa braso. "Bakit ba kasi napakalampa mo, apat-apat na nga 'yong mata mo hindi mo pa rin makita ng daanan mo." 'Yong totoo? Concern ba siya 'to o nanlalait? I think both. Napangiti na lamang ako sa loob-loob ko. Pagkatapos niyang linisan yung mga gasgas sa braso ko ay may tinawagan naman siya sa phone. "Oh, napa'no naman 'tong labi mo." At hinawakan niya ang lips ko. Napatitig naman ako dahil sa paglapit niya sa akin. Ganda talaga ng babaeng 'to. "Ouch," wika ko naman, nadapa kasi ako no'ng isang araw sa bahay noong nagmamadali akong pumunta nang banyo para maligo. Oo, na. Lampa na 'ko. "W-Wala 'yan," sagot ko nalang pero siya, hindi pa din niya inaalis ang tingin sa labi ko. Nagkatitigan lang kami. I have this feel na gusto kong ilapit ang sarili ko sa kan-- "TOK. TOK." Malalakas na katok ang pumukaw sa aming dalawa. Nagulat din siya at agad na pumunta para pagbukasan kung sino man 'yong kumatok. Shtt. Anong ginagawa ko kanina? What if walang kumatok? Eh 'di, nag-chukaan na kaming dalawa? Ang mga kaibigan pala ni maldita at may dala-dala itong box of pizza at styro na may lamang chicken at pasta. "Come here, join us." 'Aya nito sa may table at kumuha ito ng drinks sa ref. saka nng plato, ipinagsandok pa ako nito nang pagkain.May itinatago din palang ka-sweet-tan ang isang Kristel Fuentabella. Ngumiti lang ako rito ng tipid. Shtt. Awkward. Pagkatapos kumain ay sabay-sabay na kaming pumasok sa next subject namin. Pansin ko lang, ang tahimik yata ni bully queen ngayon at hindi ako sinusungitan. Is that a good sign kaya? Kristel Habang nasa upuan namin ay pasulyap-sulyap akong tumitingin sa kanya. Kanino pa nga ba? Kay nerd. "Baka naman matunaw," bulong ni Gab saakin at tumawa ito. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Shut up, Gab. Will you?!" Nang-iinis, eh. Nagtaka ba kayo kung bakit hindi nag-react yung tatlo sa ginawa ko kanina kay Blossom? Well, kahit masama ako hindi ko naman kayang panoorin yung ibang tao na inaapi ng iba. Gusto ko ako lang 'yong nang-aapi sa target ko, ako lang kontrabida. Duh. Bully queen nga 'di ba? But seriously, I know in myself that's not the reason. "So ano girl, tuloy pa din ba 'yong plano mo?" tanong ni Irish sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot lalo na't naalala ko 'yong sugat sa labi ni nerd. She was hurt. "S-Saka na at tska sinunod niya naman 'yong mga gusto ko," sagot ko nalang habang nakatingin pa din kay nerd. Noong nakita ko siyang pinatid, parang may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Inis? Inis dahil napakalampa niya at galit, galit dahil sa pumatid sa kanya. Ano ba 'tong mga nararamdaman ko? Ghad. Nasisiraan nanaman yata ako nng bait. Bakit lagi ko siyang naiisip?! Bakit nasasaktan ako kapag nasasaktan siya?! Bakit hindi ko maalis 'yong tingin ko sa kanya?! Bakit naiinis ako kapag kasama o kausap niya si Gab?! Sa dami ng mga tanong ko sa sarili ko hindi ko napansin na uwian na pala at wala na sila Irish sa tabi ko. Wow. Magic. Bilis mang-iwan huh? Nag-text si Irish at Sheila na may kanya-kanyang date sila, si Gab nag-text din pero nang-iinis na naman. "Hey girl umalis na nga pala kmi, ikaw kasi 2lala sa kanya. Dmo 2loy napansin na uwian na. So tell me, maganda b ung view? Haha. XD" OMF: GAB "IFY!" Reply ko sa kanya. Gago talaga 'yon. So meaning nakatitig lang talaga ako sa buong oras nang klase? At napansin nila Gab 'yon! HELL NO! Kill me now, please. Kakahiya. But speaking of her? Nasaan na ba yung nerd na 'yon? Ma-text nga. "Wer r u?" Sent. "D2 nako sa work, sorry hndi ako nkapagpaalam agad dahil busy ka yata kanina." -Her So napansin niya rin kayang nakatitig ako sa kanya whole class? "Ok. mag work knajan." -me Uuwi na ako kasi wala naman akong gagawin pero may naisip pala akong puntahan. "San ka nagwowork nerd?" -me Nagreply ito kaagad, takot talaga siya sa banta ko, eh. Agad ko namang pinuntahan yung lugar na sinasabi niya at medyo malapit lang pala mula sa school namin. So dito pala sa fastfood na ito siya nagtatrabaho? Nakita ko kaagad siya na naglilinis doon sa mesa na medyo malapit saakin. Nagulat naman siya dahil hindi ko naman sinabi sa kanya na pupunta ako. Natawa naman ako sa reaksyon niya, putlang-putla, eh. Ganoon nalang ba talaga ang takot niya sa akin? Tinawag ko siya at agad naman siyang lumapit, nag-order ako pero sabi niya kailangan ko daw na pumila pa. "Ikaw nalang pumila." Utos ko sa kanya. "Nako, sorry. Hindi pwede, Kristel. Oras ng trabaho ko ngayon," sagot ni nerd kaya napasimangot nalang ako na pumila. Ghad. Bakit ko ba kasi naisipan na kumain dito? Ayon, si nerd nagma-map, buti pa yung sahig pinapansin niya samantalang ako? Ano raw? Natapos na akong kumain lahat pero hindi pa din ako umaalis sa mesa na 'yon kaya nilapitan na ako ni nerd. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin. "Bakit? Pinapauwi mo na ba ako?!" inis na tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa ganoon pero anong oras na, oh. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" saad niya. "Nope. Sino namang maghahanap? 'Yong mga katulong namin sa bahay?" nakangiting sagot ko naman sa kanya. Stupid question. Na-badtrip tuloy ako. "Anong oras ang out mo?" tanong ko sa kanya. "Mayang eleven pa. Why?" balik na tanong niya. "Okay, hihintayin nalang kita, malapit na rin naman." Nanlaki ang mata niyang cute. "B-bakit? I mean, bakit mo pa ako hihintayin?" nauutal nitong tanong nito. "Gusto ko lang, pwede ba sumunod ka nalang!" wika ko sa kanya at inihiga ko 'yong ulo ko sa mesa, bigat ng pakiramdam ko, eh. Blossom Nagulat talaga ako nang makita ko siya kanina, kaya pala tinanong niya kung saan ako nagwo-work dahil balak niya akong puntahan. Sana pala hindi ko na sinabi. Kanina sa room, napansin ko lang na parang tulala siya. Baka siguro may problema siya? Ang isang 'to, alam kong may family problem dahil galit na galit siya kapag napag-uusapan ang pamilya. Actually, medyo parehas kami. Dahil sa wala masyadong costumer kaya ako na ang nagpresentang maglinis, sa counter naman dapat kasi ako, eh. Ito nga kakatapos ko lang kaya chineck ko siya. Ayon, buhay pa naman at naghihilik. Nandoon at nakatulog siya sa mesa. Sabi ko naman kasi umuwi na, angtigas lang talaga ng ulo nang bully queen na 'to. Ang amo pa naman ng mukha niya kapag tulog pero kapag gising naman parang tigreng kakatay ng tao. Peace, totoo naman, eh. Napansin yata n'ong manager namin na lagi akong lumalapit sa mesa na Kristel kaya tinawag niya ako. "Kilala mo ba 'yon?" Turo n'ong manager namin kay maldita. Napakamot nalang ako ng ulo ko. "Opo, Ma'am, kaklase ko po siya," sagot ko. "Mukhang tulog na, siguro hinihintay kanya?" tanong ulit nito. "Oo nga po, Ma'am. Matigas kasi ang ulo, pasensya na po," sagot ko ulit. "Ah, dyowa mo ba o manliligaw? Ang tyaga huh." wika ulit ng manager namin. Huh? Ano raw? Bulag yata 'tong manager namin. Hello? Pareho kaya kaming babae at 'yang si bully queen, I'm sure, straight din yan gaya ko. "Nako, hindi po, Ma'am. Kaibigan ko lang po siya at straight kami pareho." iling na sagot ko pa. "Ah, akala ko kasi.. iba yung tingin niya sa'yo kanina, eh. By the way, malapit na rin naman mag eleven kaya pwede ka ng umuwi para makauwi na rin 'yong friend mo." wika ulit nito. Bait talaga nag manager naman. Buti naman. "Ah, sige po, Ma'am, salamat po," sagot o. Nagmamadaling nagbihis na ako at niligpit ang gamit ko. Ginising ko na rin si bully queen. "Kristel gising na.. Uwi na tayo.."Gising ko sa kanya at niyugyog ko 'yong braso niya. Nagising naman agad siya at namumula pa 'yong mata niya. Tumayo naman siya kaagad at hinawakan ako sa braso. Hindi na ako nag-react, bagong gising, eh. Mahirap na baka bigla akong sakmalin. Itinuro ko sa kanya 'yong daan papunta sa tinutuluyan ko. Nagda-drive lang pala siya mag-isa. Walang driver o bodyguard? Anak kaya siya ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, hindi ba siya natatakot? Nakarating na kami at hinatid niya ako sa gate pero bigla siyang nagsalita. "Pwede ba akong makitulog dito?" tanong niya. Whattt? Baka mangati lang siya sa lamok o insekto. "Wag kanang tumanggi dahil inaantok na talaga ako." Nauna pa siyang pumasok sa gate. Wow huh? Feel at home ang bruha. Napatanga nalang ako. Mababaliw na talaga ako sa babaeng ito. So dahil maliit ang kama ko sa lapag ako natulog. Ano pa nga ba? Basta, wag lang siya magreklamo kung naiinitan siya dahil wala akong aircon, electricfan lang ang meron ako! Kristel Nakatitig lang ako kay nerd na ngayon ay walang salamin. She's cute with or without eyeglasses. Ano ba 'tong sinasabi ko. Kagigising ko lang ng naalala kong nasa ibang bahay nga pala ako, nakita ko si nerd matutulog sa lapag. Kawawa naman. At the same time, natawa ako sa kanya matulog. May lahi pala itong ninja. Bukod sa gumugulong-gulong ito, sinisipa pa nito ang paanan nito. Tinawagan ko 'yong driver namin, papasundo ako. Maya-maya ay dumating na rin ito. Bago umalis ay kinumotan ko muna si nerd. Inabot muna ng driver 'yong pinabili ko bago kami umalis, napapangiti na pumikit nalang ulit ako. Blossom Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Sino ba kasi itong istorbo na tumatawag. Ang aga-aga, eh. "Hello," sagot ko kahit nakapikit pa 'yog isa kong mata. "Male- late kana, bumangon ka na d'yan at magbreakfast." mautoridad na utos nito. Sino pa nga ba? Bigla nga akong napadilat dahil sa boses na 'yon. Sasagot pa nga sana ako, eh, pero ibinaba niya na kaagad 'yong phone. Saka ko lang din napansin na wala na ito sa higaan nito. Pumasok na kaya siya? Pagkatapos maligo ay nagmamadali na akong nagbihis at sinuot ang eyeglasses ko. Paglabas ko naman sa kusina may napansin akong sticky note sa mesa katabi ang nakasupot na pagkain. Ang bait niya yata ngayon? Baka may lagnat? Kristel Tatawag o hindi tatawag? Nagtatalo ang utak ko, two sided 'to, eh. Maaga nga pala akong pumasok ngayon, hindi na kasi ako dinapuan ng antok simula nang magising ako kanina. Nanaig ang right brain ko, so I call her.. Calling Nerd... Mga ilang ring siguro bago nito nasagot. Subukan niya lang hindi sagutin. "Hello," sagot nito. Halata sa boses nito na bagong gising lang ito. "Male-late kana, bumangon ka na d'yan at mag-breakfast." wika ko sa kanya at pinatay ko agad 'yong phone ko. Okay na 'yon. Atleast nagising ko siya. Narinig ko rin bedroom voice niya. Cute. Napapangiti nalang ako, kinain naman siguro niya yung breakfast na pinabili ko? "Hey, girl. Kanina pa ako may tinatanong pero hindi ka sumasagot. Sino ba 'yong tinawagan mo?" tanong ni Sheila. "Wala, one of my baby flingy," sagot ko. May ganoon na ako? Flingy talaga. "Yuck, girl, walang forever sa baby," ani Sheila ulit. "Shut-up, Sheila, porket baby lang 'yong tawagan niyo nang ex mong si Brandon," saad ni Irish. Napapailing nalang ako sa dalawa. Padamihan kasi sila ng boylet. Ewan ko sa mga 'yan. Maya-maya ay nakita kong papalapit na si nerd sa room. Napangiti naman ako. Nasa bintana lang kasi 'yong mata ko kaya alam kong parating na siya at hindi siya nag-iisa. She's with Gab! At nagtatawanan pa ang dalawa. Bigla tuloy akong napasimangot. Napansin kong nakasimangot si Irish ng makita ang dalawa while Sheila is busy on her phone. "Hey, bakit ganyan yung mga mukha niyo." tanong sa amin ni Gab ng makaupo na siya sa tabi ko. Ano bang meron sa mukha ko? Hindi ko ito pinansin like Irish. Si Sheila naman mukhang hindi narinig si Gab. "Oh, nice talking. May nangyari ba?" tanong nito ulit. "Wala." Sagot ni Irish. Halata naman sa mukha nito ang pagkairita. Hindi sumasagot at nakatingin lang kay nerd na kausap ang katabi nito. Kailan niya ba ako kakausapin nag ganyan? 'Yong ngingiti siya at hindi nakasimangot. Dream on Kristel! 'Di ba nga isa siya sa mga binu-bully mo tapos ngayon gusto mong ngitian kanya?! Duh! Kung ako sa'yo magpaplano na akong patalsikin siya para hindi kana naguguluhan pa! Bulong ni Leftbrain ko. Wala namang masama kung maging mabait ka sa kanya lalo na ngayon na may iba kang nararamdaman para sa kanya, wala namang masamang iparamdam at ipakita 'di ba? Bulong ni Rightbrain ko. Grabe. Gulong-gulo ako, oh, hindi na nakatulong yung pag-iisip ko. Kailangan may gawin na ako. Grrr. Ito nga ngayon nandito na kami sa canteen at kung ano-ano na 'yong mga pinabili ng kasama ko kay nerd tapos sinamahan siya ni Gab, angsaya-saya lang nila at parang close na close na sila. "Ano nga pala sa'yo, Kristel?" tanong ni nerd. "'Yong gaya nalang sayo, thankyou," sagot ko. Gulat na gulat naman lahat sa sinabi ko, may nasabi ba akong masama? "Ah, okay sige." wika ni nerd at umalis na sila ni Gab. "Girl, did you say thank you kanina kay nerd?" sheila asked. "Y-Yes. Why?" nagtataka namang sagot ko. "Nothing," sagot nito. Ganoon na ba kabig-deal ang thank you ko? "Itutuloy mo pa ba yung plano?" ani Irish na nakasimangot pa rin. "I don't know," sagot ko dahil gulong-gulo ako. Sa maikling panahon na nakilala ko siya, ngayon lang ako naguluhan ng ganito sa isang tao. "Girl, malapit na matapos ang one month, remember?" Oo nga pala. Nakalimutan ko na. May deal kami. Pero ginawa ko lang naman sana 'yong deal na 'yon para pahirapan siya pero bakit parang ako 'yong nahihirapang mag-isip ngayon? Bago pa ako makasagot ay dumating na sila nerd. Kasalo namin si nerd sa mesa ngayon at pareho kami nang food, rice at ulam pala ang inorder niya. Sira ang diet, eh. Nagsimula na nga kaming kumain. "Anong tawag d'yan sa ulam na 'yan, Blossom?" tanong ni Gab dito. "Kare-kare," sagot naman nito, actually narinig niya na ng name ng ulam na 'yon pero hindi ko alam ang itsura, ito pala 'yon. Taste good, ah. Pagkatapos ng maghapon klase ay nagpresenta si Gab na ihatid sa trabaho si nerd. May pahatid pang nalalaman, eh. Ang bilis niya naman mag-lumandi. Haysss. Si Irish nakabusangot tulad ko nng makalayo na 'yong dalawa sa amin. "Kailan ba natin itutuloy yung plano, girl? Gusto ko nng maalis 'yang babaeng 'yan immediately dito sa school natin," ani Irish na medyo naiinis na. Nagulat naman ako rito. She sounds like jealous. Ahm. Bakit hindi ba? "Yeah. Actually, 'yan naman talaga ang plano 'di ba?" Sang-ayon naman ni Sheila. And I don't think kung seryoso si Sheila sa sinasabi niya dahil nakatingin ito na parang nang-aasar saakin. But I don't care. All I know now is sobrang naiinis ako nang magkasama silang dalawa ni Gab! Haysss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD