Kristel
"WHATTT?!" Sabay-sabay na react nilang dalawa. Si Irish at Sheila na kausap ko matapos marinig ang sinabi ko.
"Okay ka lang, girl?" Paano kung hindi gumana 'yang plano mo?" Si Irish na mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Or paano nga kung gumana nga, girl, tapos ma-fall ka rin sa kanya?" sheila said and--
Smirked?
Baliw na 'tong isang 'to.
But anyway, mga kaibigan ko ba talaga 'to? Ang susupportive, ah, at saka ang advance naman yata nila masyado mag-isip.
Sinamaan ko sila ng tingin. "Hinding-hindi ako mapo-fall sa babaeng iyon kailanman! Tandaan niyo 'yan!" But what if? Urgh.. NEVER!
"Oo na, girl. Defensive masyado, ah?" wika ni Sheila na tatawa-tawa. Asarin ba naman ako. Sapakin ko na mga 'to, eh.
"Hindi ako defensive, girls, okay? Basta inuunahan ko lang kayo na kailanman hinding-hindi mangyayari 'yang mga iniisip niyo na mapo-fall ako sa nerd na 'yon." This time mahinahon na ako. Baka asarin na naman ako ng mga bruha, eh.
"Pero girl, bakit nga pala hindi natin pwede sabihin kay Gab, 'yong plano mo?" nakakunot ang noo na tanong ni Irish.
"Alam niyo na ang sagot d'yan 'di na? Baka tumutol pa 'yon sa plano ko. Alam niyo naman 'di ba, na close na sila ni nerd ngayon. Baka mabulilyaso pa ang plano ko. Saka na lang natin sasabihin kapag napalapit na sa akin si Blossom." Ayoko namang mangyari 'yon. Ayokong malaman niya 'yong gagawin ko na paiibigin ko si nerd at kapag hulog na hulog na ito sa akin, saka ko naman ito iiwan. Yeah. Malapit na matapos ang one month deal namin kaya naman gumawa ako ng ibang plano para mapatalsik si Blossom dito. May mabigat sa parte ko pero nilalabanan ko. Mas gugustuhin ko 'to kesa maulit ang dati.
Blossom
Kung may gusto man akong pakasalan ngayon ay walang iba kung hindi itong kama ko. Magni-nine thirty na din pala pero nakahilata pa rin ako dahil saturday naman ngayon. Yep, walang pasok pero ito nagising na rin dahil kanina pa tunog nang tunog 'yong phone ko.
Sino ba naman kasi itong istorbo na 'to? Ang aga-aga, eh, makapagpalit na nga ng number. Napa-subsob naman ako sa unan ko nang makita ko kung sino 'yong caller.
Bakit kaya ang aga nito magising? Classmate naman kami, ah, kaya sure ako na wala rin itong pasok. "Hello," sagot ko rito. Lagi nalang ito tumatawag at nagte-text. Napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw parang bigla itong bumait sa akin at lagi na rin itong nakangiti. Ano kayang nakain n'on at biglang ganoon?
Lulugo-lugo namang ibinaba ko na ang phone ko pagkatapos nito patayin ang tawag. Kailangan ko kasing hiwalayan ang kama ko ngayon dahil niyayaya ako ni Kristel magpunta nang mall ngayon at kailangang nandoon na ako bago mag-ten. Ano naman kayang gagawin namin? Magsho-shopping ba siya at gagawin niya akong tagadala ng mga pinamili niya? Ano pa nga ba? Alangan namang manood kami ng sine at kumain 'di ba? Ano 'yon? Date? Date raw, eh, baka gawin pa akong alalay n'on.
"Wer r u?!" Ikalimang text nito. Hindi ba siya nakakaintindi ng traffic? Nandito pa kasi ako somewhere in edsa na pagkatraffic-traffic at itong babaeng 'to, nakakalimang text at limang tawag na. Sinabi ko nang malapit na ako pero traffic lang talaga. Paulit-ulit lang siya. Excited yata siya masyado sa date namin este sa pagma-mall niya?
"Bakit ba ang tagal-tagal mo?" tanong ni Kristel nang makarating na ako sa mall na tagpuan namin. Angganda nito lalo sa suot nito.
Salubong na naman ang makapal n'yang kilay at mukha na namang masungit. Okay, binabawi ko ang sinabi kong maganda siya. Amppp.
"Pasensya na. Sobrang traffic kasi." Kung pwede ko nga lang sana liparin papunta rito sa mall, ginawa ko na. Back to sungit na naman si bully queen.
Nakita ko naman lalong pagkunot ng kilay nito at nagbabadya na naman nang pagiging tigre nito.
Easy tiger. Easy.
Huminga naman ito ng malalim at tumingin sa akin. "Okay, patatawarin kita ngayon pero wag na wag mo ng uulitin. Ayokong pinaghihintay ako." 'Yon lang at tumalikod na ito. Natawa naman ako sa loob-loob ko. Pinakinggan ako ng tigre, ah.
"Tutunganga ka nalang ba d'yan? Halika na." tawag ni bully queen sa akin ng mapansin niyang hindi ako sumusunod sa kanya.
"S--Sorry." Napakamot nalang ako nng batok ko at agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya.
Habang naglalakad siya ay sumusunod lang ako sa likod niya. "Hey. What are you doing? Para kang stalker ko sa ginagawa mo." wika nito sabay abot at hawak ng kamay ko.
Sa totoo lang gusto ko mapangiti ng oras na 'yon dahil sa ginawa niya pero syempre baka magtaka 'tong babaeng 'to at singhalan na naman ako.
"Bakit anglamig ng kamay mo?" Biglang tanong niya habang nakatitig sa akin na ikinagulat ko naman habang hhww (holding hands while walking) at paswing-swing pa ampeg namin dito sa mall.
"W-Wala. Malamig lang kasi sa labas." Dahilan ko naman pero sa totoo lang mainit sa labas. Nag-iwas naman kaagad ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga titig niya.
Bakit pakiramdam ko may iba sa mga titig niya ngayon?
"Ah." Tango lang niya.
Napapansin ko lang kanina pa kami palakad-lakad sa mall na 'to pero bibitawan niya lang ang kamay ko kapag magsusukat siya ng damit at hahawakan niya naman ulit ito. 'Yong totoo? Nasarapan lang? Siya rin ang nagdala ng mga shopping bags na inaasahan kong ako ang gagawa.
Sana ganito nalang siya lagi baka magkakrass pa ako sa kanya. 'Di Joke.
"Ano kayang magandang movie?" tanong nito ng mapadaan kami sa sinehan. May balak yata siyang manood at nakatingin ito sa mga showing movies ngayon na naroon. Sa totoo lang mahilig din ako manood ng mga movies lalo na nang mga korean drama. Shtt Oppa!
Itinuro ko naman sa kanya yung bagong movie ni Sarah at John Lhoyd mukhang maganda din kasi mahilig talaga ako sa Love story. Kinikilig pa naman ako sa tambalan nila. Agad naman siyang bumili ng ticket at pumila pa. Himala, hindi niya ako inutusan? Bumili rin ito ng popcorn at coke in can. "Here." Abot niya sa akin nang popcorn at coke. "Sa'yo yan." Saglit naman akong napatulala dahil sa pagngiti niya.
Pang-toothpaste model, eh.
"S-salamat." Bakit parang may iba sa kanya ngayon? Habang nanoood naman ay patingin-tingin pa siya sa akin habang nakangiti.
Nagsisimula siyang maging weird.
Ahmmm.
"Hatid na kita." wika niya ng makalabas na kami nang sinehan. Anong oras na din pala. Magluluto pa'ko ng dinner ko. Alangan namang tumanggi ako 'di ba?
Ipinagbukas niya pa ako nang pinto ng sasakyan kaya nailang pa ako sumakay. "S--salamat." Bakit ba lagi akong nauutal ngayon?
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang mapansin kong nag-park kami sa harap nang isang restaurant. "I know gutom ka na. Tara kain muna tayo" nakangiting wika niya at inalalayan pa akong bumaba. Kanina pa 'to nagpapaka-gentlewoman.
'Yong totoo? Doppelganger na naman ni Kristel 'to?
"Ano sa'yo?" tanong niya pag lapit ng waiter sa mesa namin. Mahal doon, alam ko. Wala pa naman akong pera. "Don't worry, ako ang magbabayad." Hinawakan pa nito ang kamay ko ng nakangiti. Nababasa niya ba iniisip ko?
Nakakatakot kumain sa ganito eh, baka mamaya takbuhan ako nitong kasama ko tapos paghugasin ako nang sandamakmak na plato.
Alanganin naman akong napangiti.
"T-bone steak with mushroom na lang siguro." Sagot ko.
"Drinks mo?" Ngiti ulit nito.
"I-Iced tea nalang." Shtt.. Bakit ba siya ngiti nang ngiti?
Naka-auto smile yata siya ngayong araw?
Pagkatapos ng dinner date, este ng dinner namin ay inihatid niya na ako sa tinutuluyan ko. Inihatid niya pa ako sa gate at may iniabot sa akin. 'Yong mga shopping bags na naglalaman ng mga pinamili niya kanina. Nagtataka namang tumingin ako sa kanya. "Para sa'yo 'yan."
"Huh? Sa akin? 'Di ba, ikaw bumili nito kanina at tsaka, ikaw din ang nagsukat?"
"Nope. Sinukat at ibinili ko talaga 'yan para sa'yo. Tingin ko magka-size lang naman tayo, eh.
"H-hindi ko matatanggap 'to. Pasensya na. Wala namang dahilan para bigyan mo 'ko nito, eh." Hindi talaga kasi ako tumatanggap ng ganito ng walang dahilan.
"Bakit? Kailangan ba may dahilan muna para bigyan kita n'yan? Dahil ba sa akin galing kaya ayaw mong tanggapin?" Huh? Ano raw?
"Hin--" Pinutol naman nito agad ang sasabihin ko.
"Kung kay Gab ba galing yang mga 'yan, tatanggapin mo agad? Sige, kung ayaw mo ng mga 'yan. Itatapon ko nalang." Akmang kukunin niya na ang mga iyon sa kamay ko nang iiwas ko ito kanya. Ano kayang problema niya sa kaibigan niya? Nagseselos ba siya? Hindi naman siguro.
"Oo na, kukunin ko na 'to. Sayang naman kung itatapon mo lang kaya salamat dito." saad ko sabay lakad papasok sa loob ng inuupahan ko, eh, sa bigla akong nahiya sa kanya.
"Sige na, ingat ka." Kaway ko sa kanya ng pasakay na siya ng sasakyan niya. Kumaway rin ito at ngumiti bago sumakay ng sasakyan nito.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng maisara ang pinto.
Kaya niya din palang maging mabait minsan. Sana palagi siyang ganoon.
Mas maganda kasi siya kapag nakangiti.