Chapter 7

1539 Words
Blossom "Good morning." Bungad niya pagdating ko ng room. With smiley pa. Sa tabi ko na nga pala siya umupo. Ang weird ng ngiti niya. Hindi naman pilit pero parang nang-aakit. Awit. "Nasukat mo na ba 'yong mga ipinamili ko para sa'yo?" Tumango lang ako. Parang nailang kasi ako sumagot lalo na't parang kakaiba 'yong treatment niya sakin ngayon. Maganda 'yong mga damit na binili niya para sa'kin at alam kong mamahalin kaya nga ito't nahihiya ako sa kanya. "Wag kang magtaka. Simula pa lang 'yan." Nakangiting hawak nito ng kamay ko. Huh? Ano raw? Hoy, kamay ko! Nakatitig pa rin ito habang hawak pa rin ang kamay ko. Paano ko ba babawiin kamay ko? Mabuti nalang dumating na ang prof. namin ng oras na 'yon at nakaligtas na ang kamay ko na halos pasmado na dahil kanina niya pa hawak. Wew. Pinawisan ako do'n. Pagkatapos naman ng klase na iyon ay lumapit sa akin si bully queen. "Sabay na tayo maglunch?" Nakangiting abot ng kamay nito. As if naman na may choice ako para tumanggi 'di ba? "Anong gusto niyo, girls?" tanong ni bully queen. Teka-- Teka-- Wag mo sabihing? "Sa'yo? Ano sa'yo babe?" BABE?? BABE DAW?? Ako ba 'yong tinatanong niya? Pero sa akin siya nakatingin, eh. "A-Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Hindi. Ako, girl." Si Irish na tatawa-tawa. Babe raw kasi tapos ako? Kailan pa naging babe pangalan ko? "Ikaw 'yon, girl." wika ni Sheila na nakangiti. "So babe, ano sa'yo?" tanong niya ulit. Talagang inulit-ulit pa? "Ah, ano na lang sa'kin. Ano. Ahm. A-Adobo! Oh, 'yon na lang adobo sa'kin." Nagkandautal-utal na tuloy ako! Letseng babe 'yan! "Okay babe." wika nito at pumunta na ng counter. Nakita ko naman 'yong dalawa na ngingiti-ngiti maliban kay Gab na nakakunot pa rin ang noo. Pinagtitripan yata ako ng mga 'to, eh! Promise, ang weird na ni bully queen pati 'yong dalawa maliban kay Gab na gaya ko ay clueless din sa ikinikilos ni bully queen. Hindi na siya cute, mukha na siyang may sapak. Pero ba't kinikilig ka self? Marupok. "Babe." "Ay babe!" Nagulat kasi ako sa pagbulong nito. Sa may batok ko pa talaga. Nandito kasi ako ngayon sa library. Pag may extra time ako kapag vacant time, dito ako natambay. May hinahanap kasi akong libro tapos biglang sumulpot 'tong si bully queen at bumulong nang 'BABE' sa may batok ko kaya grabe 'yong gulat ko at nagtayuan pa yata ang mga balahibo ko sa batok. Kainis, pero bakit ganoon? Ang sarap pakinggan ng boses niya. "Ginulat mo naman ako," wika ko sa kanya. "Sorry babe. Tulala ka kasi d'yan, eh. Hindi ko nga alam kung may libro ka talagang hinahanap." Pinagmamasdan niya kaya ako? Stalker? "S-Syempre meron 'no!" Palusot ko rito. Hindi ko pwedeng aminin na iniisip ko siya 'no? Tumawa lang ito at mukhang hindi naman fake. Baliw na ang isang 'to. "Hatid na kita maya babe, ah." wika niya. Kailangan pa bang itanong 'yon? Slave niya ako 'di ba? Nakalimutan niya na yata na hindi naman ako makakatanggi except sa ibang bagay syempre na hindi ko kayang gawin. Napatitig naman ako sa kanya habang nagbabasa siya ng libro. Hair Check. Eyes check. Nose check. Lips check. Ang perfect kaya nang features ng mukha nito. Singkit ang mata nito na bagay naman sa makapal na kilay nito, matangos ang ilong nito. Tapos 'yong lips nito pinkish.. "Don't you know, it's rude to stare, babe." wika nito na nakatingin pa rin sa binabasa nito. "HUH?! A-Anong pinagsasabi mo d'yan?" Tarantang balik ko sa binabasa ko. "I saw you babe. Tinititigan mo lips ko." Paano niya kaya nakita 'yon? "Haa? Kailan? Hindi naman, ah." "Maang-maangan si babe. Halika na nga, babe." Tumingin ito sa relo nito. "May thirty minutes pa tayo para mamasyal, babe." wika niya sabay hila ng kamay ko hanggang parking lot. Saan na naman kaya kami pupunta? Sa coffeeshop lang pala kami papunta at malapit lang pala sa school namin. Hindi ko alam 'to. "Nakapunta ka na ba dito, babe?" tanong niya ng makaupo na kami. Ipinaghila niya nga pala ako ng upuan. Eh 'di, siya na gentlewoman. "Hindi pa," sagot ko. Maganda ang coffee shop na iyon. Maliit lang 'yong table ng bawat mesa at may dalawang upuan lang. Pang-couple 'ata ang coffee shop na 'yon. Puro kasi pares ang nakikita ko roon at may mga ilang pares na sweet pa. Bakit niya ba ako dinala rito? Sakit sa mata, ah. Ang sweet pa ng music na tinutugtog n'ong banda sa may mini stage nito. Nag-order siya ng dalawang mocha frappe at dalawang choco fudge cake. Mukhang masarap ang mga ito. Matagal na pala no'ng huling nakapunta ako sa ganito. "Alam mo ba kung bakit kita dinala dito, babe?" tanong nito. Kailangan pa bang itanong 'yon? Syempre dahil trip niya lang? Oh, baka gusto niya na naman akong ipahiya? "Hindi." Iling na sagot ko. °°°°° Kristel "May gusto kasi ako sabihin sa'yo, babe, eh, at gusto kong masabi ko sa'yo 'to habang may free time ka pa kasi alam ko namang busy ka at hindi na ako makapag-antay na sabihin sa'yo 'to." "A-Ano 'yon?" mukhang kinakabahan na tanong niya. "Babe." hinawakan ang kamay nito at tinignan ito sa mga mata. May kung ano naman akong naramdaman sa dibdib ko. "Tinatapos ko na 'yong deal natin. Malaya ka na ngayon," napangiti na lang ako ng masabi iyon sa kanya. "T-talaga?" Naniniguradong tanong pa nito. "Oo, babe." Tango ko rito. "Pero babe, may sasabihin pa 'ko." Hawak ko ulit ng kamay nito. Para pa akong nararamdaman ng kaba ng sandaling iyon. Napahugot pa ng malalim bago masabi iyon. "Pwede ka bang ligawan, babe?" °°°°° Blossom "May gusto kasi akong sabihin sa'yo, babe, eh, at gusto kong masabi ko sa'yo 'to habang may free time ka pa kasi alam ko namang busy ka at hindi na ako makapag-antay na sabihin sa'yo 'to." "A-Ano 'yon?" Kinakabahan naman ako sa sasabihin niya. "Babe." Sabay hawak ng kamay ko at tingin sa mata ko. "Tinatapos ko na 'yong deal natin. Malaya ka na ngayon," kakangiting wika nito. "T-talaga?" naniniguradong tanong ko dahil baka pinagtitripan na naman ako nito. "Oo, babe. " Tango nito. Malaya na 'ko? Yes! Malaya na 'ko! "Pero babe may sasabihin pa 'ko." Hawak pa nito ng kamay ko. Napatigil naman ako dahil baka sasabihin nito na 'Izah a prank' H'wag naman. Huminga muna ito nang malalim bago magsalita. "Pwede ka bang ligawan, babe?" Huh? Pwede ka bang ligawan, babe? Pwede ka bang ligawan, babe? Pwede ka bang ligawan, babe? Grabe 'yong pag-echo saakin ng sinabi niya. HUH? Ano raw??! Sumabay pa yung ingay ng banda na kumakanta pero alam ko. Rinig ko 'yong sinabi niya! Nagulat lang ako. "Nababaliw ka na ba?!" Liligawan niya raw ako?! Sumabay naman 'yong chorus n'ong kinakanta ng bandang naroon. "Is that I'm crazy for you.. Touch me once and you know its true.. I'll never wanted anyone like this.. Its so brand new.." "Oh, alam mo na, babe?" natatawang wika nito. What?! Seryoso ba siya?! Nakuha pang tumawa. OMG! Ako yata ang mababaliw sa kanya! "A-Alam mo ba 'yang sinasabi mo.. Parehas tayong babae," seryosong wika ko. Pareho naman talaga kaming babae, eh, at alam ko sa sarili ko na straight ako. Nakita ko naman ang biglang pag lungkot sa mukha nito. "Oo, alam ko, babe, at hindi naman kita pipilitin na gustuhin mo rin ako." Naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang galit siya sa akin pagkatapos ano? Gusto niya na agad ako? Ganoon? Parang ayoko namang maniwala sa mga sinasabi niya. "I know maikling panahon lang kita nakilala at nagtataka kung bakit nagustuhan kita kaagad pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko rin alam 'yong dahilan, basta ang alam ko lang paggising ko ikaw na lang lagi kong naiisip at gusto kong ikaw palagi ang nakikita ko at masaya ako kapag kasama kita kaya sana hayaan mo akong iparamdam sa'yo na importante ka sa 'kin sa kabila ng mga pangit na nangyari sa atin. Sana patawarin mo rin ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo." Ramdam ko ang lahat ng sinabi niya at parang maluluha na ito. Haysss. Pero sa side ko mahirap itong paniwalaan at alam ko talaga sa sarili kong straight ako. "I'm sorry," 'Yon na lamang ang tanging nasabi ko. °°°°° Kristel "Oh, my, ang korny mo, girl." At sabay pang tumawa ang dalawa. "Hoy, tumigil nga kayo." Mga babaeng 'to pinagtatawanan ako. Nakwento ko kasi 'yong pag-uusap namin ni nerd no'n sa coffee shop. "Anong feeling ng hindi ka pa nga nanliligaw basted ka na kaagad, girl?" Si Irish na tatawa-tawa kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Expected ko naman kasi 'yon at kasama 'yon sa plano ko." Mukhang may pag-asa naman ako kay nerd at alam kong attracted din siya sa akin. DIN? I mean attracted siya sa akin. Hindi ako attracted sa kanya ano at lahat ng sinabi ko sa kanya no'n sa coffee shop ay parte lang ng plano ko kung paano siya mapo-fall saakin. Sa nakikita kong reaksyon niya kahapon, mukhang pinipilit niya lang igiit na wala siyang nararamdaman sa akin pero alam kong meron. Alam kong meron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD