Kristel Ilang araw na simula no'ng manligaw ako kay nerd pero wa-epek lang at hindi na din ako nito pinapansin gaano. Porket tapos na 'yong deal namin, eh. Kapag ako napuno talaga sa pagiging pabebe niya. Grr. Akala mo naman kasi kung sinong maganda pero infairness maganda naman talaga kasi si nerdy. "Dapat kasi babe may flowers at chocolates ka na dala. Ayan tuloy snob ang beauty mo." At nagtawanan ang dalawang kaharap ko. "Haha? Nakakatawa ano?" Sinamaan ko naman sila ng tingin. Mga lokong 'to, hindi na talaga titigil sa pang-aasar. Dapat pala hindi na 'ko nag-u-update sa kanila about sa panliligaw ko kay nerd. "Mukhang nagkakasiyahan kayo d'yan, ah." Si Gab pala at mukhang galing lang ng practice dahil nakasuot pa ito ng jersey shirt nito. "Yep. Naikwento lang ni Kristel 'yong abo

