Chapter 25

1581 Words

Patakbo niyang sinalubong ang anak niya at mabilis na niyakap dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak. “Mabuti at dumating ka na, Clarise, kanina ka pa namin hinihintay, hindi naman kasi namin alam kung paano ka tatawagan,” anang kapitbahay nilang babae na kababanaagan ang takot at pag-aalala sa tinig nito. “Bakit ho? Ano po bang nangyari?” Pati siya ay biglang nilukob ng kaba dahil sa nakita niyang itsura nito. Kinutuban siya na baka may nangyaring masama kay Aling Susan na lihim niyang hiniling na sana ay mali ang naiisip niya. “Si Aling Susan, itinakbo namin sa hospital kanina dahil nahihirapang makahinga,” sabi nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig at pakiramdam niya ay tumaas din ang lahat ng balahibo niya sa braso dahil sa masamang balitang sumalubong sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD