LOVE MEOW SHORT STORY
A life of a small kitten, how she manage to survive in the street and how she accepts the new life fate gives her.
⚫⚫⚫
"Meow, meow.'' Isang mahabang pagngiyaw ng munting kunting ang umalingawngaw sa isang madilim na eskinita habang tinatanaw nito ang makapal na usok sa 'di kalayuang kanto.
Humalukipkip ang maliit nitong katawan, nagmistula siyang maliit na kulay gray na bola sa posisyon niyang 'yon. Nanginginig pa siya dahil sa basang balahibo, hindi niya maiwasang sumulyap sa mga nagsisitakbuhang mga residente bitbit ang mga bagay na mahalaga sa kanila. Mayroon siyang matiyagang minamatiyagan, sa bawat likot ng kanyang tainga at paglingon ay nagbabakasaling makita niya ang kanyang hinahanap.
"Iniwan daw ni Aling Magda 'yong sinsaing niya sa kalan para makipagharutan sa lalaki niya!'' Gigil na gigil pang ipinapadyak ng matanda ang paa dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.
"Wala na tayong matutuluyan.'' Umiiyak habang yakap ng isang residente ang dalawang buwang gulang na sanggol niyang anak na tangi niyang nailigtas.
'Mama.' Sa isip ng kuting. Muli itong kumuha ng lakas para maitayo ang apat na munting paa. Atras abante siya sa paghakbang sa gawing kanto ng nasusunog na bahay.
Sa mga tao'y munting pagngiyaw ang maririnig nila pero ang sinasabi niya'y 'Mama, nasaan ka na?' Sinubukan pa niyang bilisan ang pagtakbo papunta sa kanto na 'yon. Nang makasingit siya sa mga paang nakaharang sa daan ay huminto't naupo siya sa tapat ng nasusunog na bahay, repleksyon ngayon sa maliit niyang mga mata ang nagsisilakihang mga apoy.
⚫
Kinaumagahan ay maitim na usok na lang at natupok na kabahayan ang bumungad sa kanya nang magising. Kahit gumegewang nang siya'y tumayo agad niyang tinungo ang natupok nabahay ng taong nagmamay-ari sa kanila.
"Meow!'' Malakas niyang pagngiyaw na ang ibig sabihi'y 'Mama.' Inamoy amoy nang maliit niyang ilong ang mga bagay na natupok rin ng apoy. Halos madikitan ng uling ang dulo ng ilong niya dahilan para mabahing siya.
Lumusot siya sa mga nakatumbang mga gamit hanggang sa marating niya ang isang nakatumbang kabinet na naging uling na ang likod. May ilang kumot na hindi nasunog ang kalahati, nasa loob pa rin 'yon pero nakalaylay. Inikot niya 'yon hanggang sa lumusot siya sa pagitan ng paa ng lagayan ng kumot na nakasandal sa maitim na pader.
Hindi mapakali ang kanyang mata, hindi niya maintindihan ang emosyong nasa dibdib niya. Ibinuka niya ang maliit na bunganga pero walang kahit anong pagngiyaw ang lumabas do'n.
"Meow.'' Sa wakas ay nasabi rin niya. Nilapitan niya ang mga sunog na bagay sa maitim na sahig. Inamoy niya ang mga 'yon. Tatlong bagay na kasing laki niya ang nasunog. Bawat isa ay nilapitan niya at inamoy.
Bumilis ang kabog nang maliit niyang puso. Para itong nakikipagkarera sa napakaraming pusa.
"Mga kapatid ko!''
Lumikot ang tainga niya, pataas ang kanan at sa gilid naman ang kaliwa. Iginala ang mata hanggang sa matunghayan ang isang malaking kahoy, may nasilip siya sa ilalim no'n kaya agad niyang tinakbo.
"'Mama! Mama!'' Iyak ng munting kuting. Idinikit nito ang ilong sa nasunog na katawan ng ina. May tangil pa itong isa pang kuting sa bunganga na nasunog din.
"Ang mama ko, hindi mo na lang sana ako iniligtas kung hindi ko din kayo makakasama.'' Umupo siya sa harap mismo ng nasunog na ina. Ikinuskos niya ang ulo sa ulo nito hanggang sa may dumikit na itim sa balahibo niya.
Mayamaya ay nakarinig siya ng mga boses ng tao. Agad siyang tumayo at mabilis na tumakbo palayo. Muli niyang sinulyapan ang mga namatay na kapatid at ina.
"Paalam,'' sabi niya. Hindi man nakikita ng mga tao ang kanyang pagluha ay pakiramdam niyang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Tinutusok-tusok ng maliliit na tinik ang puso niya habang paalis sa lugar na 'yon. Kay liit pa niya ngunit pighati na agad ang kanyang naranasan.
⚫
Ang isang araw ay naging isang linggo at ang isang linggo'y naging buwan. Namuhay sa kalsada ang dating munti pang kuting, lumaki man ito nang kaunti ay kay payat-payat naman. Madumi rin ang kulay gray niyang balahibo, madungis ang mukha at puno ng alikabok ang buong katawan.
Tuwing kakainin ng dilim ang liwanag ay sa may basurahan ng isang restaurant siya nagbabantay. Marami kasing tirang pagkain na do'n lang tinatambak. Kakatuwa't nasa eskinita uli siya at sa tuwing umuulan ay sa mga kahon ang kanyang tirahan.
Tumingala ang kuting, malapit na kasing dumilim. Manipis na ang kaninang makakapal na ulap na humuhulma nang maraming hugis. Naghahalo na ang kulay pink, orange at purple sa kalangitan. Naningkit pa nang kaunti ang kanyang mga mata, nasisilaw siya sa araw na parang bolang nakadikit sa itaas na unti-unting bumababa.
"Hoy, bata.'' Napalingon siya nang mabosesan ang tumawag sa kanya. Nakaupo kasi siya sa takip ng basurahan na katabi kung saan inilalagay ang mga tirang pagkain.
"Nasa'n na 'yong mayabang na kasama mo? Wala?'' Nagpalinga-linga ang malaking pusa na kulay orange ang balahibo na dahan-dahang gumagalaw ang buntot niyang nakataas.
Hindi pinansin ng kuting 'yong pusang dumating sa halip ay pumikit lang ito habang gumagalaw ang tainga na tila may pinapakinggan.
'Bakit nga ba wala pa si lolo? May nangyari na kaya sa kanya?' Sa isip ng kuting. 'Malapit na ring mamigay ng pagkain 'yong mabait na tagaluto at mukhang makikiagaw na naman si Larry, lagi na lang siyang gan'yan.'
Mayamaya ay nagmulat siya. May naaninag siyang anino sa uwang ng kahoy na pinto pagkatapos ay tumayo ang kuting sa tunog ng pagpihit ng seradura.
"Meow.'' Mahabang pagngiyaw ang sinabi niya na ang ibig nitang sabihin ay 'salamat po sa pagkain'. Tumalon siya mula sa kinauupuan kanina at nilapitan ang matabang lalaki na nakasuot ng apron. Ibinuhos niya sa basurahan ang mga tirang pagkain, nariyan ang mga buto ng manok na may kaonting laman pa, ulo ng isda at tinik nito. Napakaraming kanin at gulay, may tira ring karne na kalahati lang ang nabawasan.
"Tiba-tiba ako ngayon, hahaha.'' Kumaripas nang takbo ang pusang si Larry at inakyat agad ang basurahan.
"Dadalawa lang kayo ngayon? Ha?'' Bahagyang yumuko ang lalaki para himasin ang ulo ng kuting na noo'y nasa tabi niya. Ikinukuskos din nito ang ulo sa palad ng lalaki.
"Pakabusog ka mingming, uuwi na ako mayamaya, ang cute cute mo.'' May gigil pa ang pagpisil ng lalaki sa ulo ng kuting.
'Nauna na naman si Larry.' Sa isip niya habang nakatingin sa pusang ngasab nang ngasab sa mga kanin na may sabaw. Lalapit na sana siya nang narinig niya ang mababang ungol ng pusa, galit ito't huminto sa pagngasab. Napalunok ang kuting at napaatras. Tumaas ang balahibo niya gano'n din ang buntot na gumagalaw nang mababa.
"Umalis ka rito kuting,'' sabi nang malaking pusa na may diin at gigil ang ungol. ''kung ayaw mong umuwing sugatan umuwi ka na!'' Matalim pang ipinukol ang tingin sa maliit na pusa.
Napalunok siya pagkatapos ay buong lakas na tumalon sa lagayan ng nga tirang pagkain. 'Hindi lang ikaw ang makakakain ngayong araw!' Sa isip niya. Nagulat ang malaking pusa kaya't hindi agad nakaporma dahil dito siya ay nahulog.
Mabilis niyang kinagat ang malaking ulo ng isda pagkatapos ay tumalon patakbo palayo. Hindi na nakapprma ang malaking pusa dahil naunahan na ito ng kuting makatakas.
Hindi siya huminto sa pagtakbo kahit pa magutay ang ulo ng isda at tumulo ang sabaw galing dito. Nadaanan niya ang mga nagtitinda ng palamig bago siya lumiko sa kaliwang kanto. Lumusot siya sa sirang kahon na lalagyan ng prutas bago makarating sa masikip at medyo madilm na eskinitang pinaglulunggaan. Naging mabagal na ang paglalalad niya, naaapakan ang mga namuong tubig sa maruming sahig galing sa mga tumutulong tubig ng aircon na nakadikit sa pader.
Ibinaba niya ang tangan na isda sa harap ng nakahigang malaking pusang kulay puti ang balahibo. Tila natutulog ito at hindi napansin ang pagdating niya.
"Lolo, nag-uwi na lang ako ng isda, hinintay kita kanina pero hindi ka naman pumunta, Naabutan ako ni Larry ro'n, teka, may nangyari ba sa'yo?'' Dire-diretsong pagkukwento at pagtatanong niya.
Nagmulat naman ng mata ang pusang tunawag na lolo ng kuting.
"Nar'yan ka na pala Mimi, pasensya ka na at hindi ako nakapunta.'' Dahan-dahan ang naging pag-upo ng pusa na para bang nay kung anong iniibda. Napapapikit pa ito ng bahagya at napapahinga nang malalim. Napansin naman 'yon ni Mimi.
"Lolo, ano ba ang masakit sa'yo?'' Lumapit ito sa pusa tsaka ininspeksyon ang kabuuan nito.
"Ang totoo niyan, Mimi.'' Nahinto ang kuting nang magsalita uli ang kanyang lolo. Umupo ito at nakinig sa kung anong sasabihin pa ng kasama. Gumagalaw pa ang tainga niya, pakaliwa at pakanan habang naghihintay.
"Nabundol ako ng sasakyan kanina at masakit ang mga paa ko.'' Tiningnan niya ang ibabamg bahagi ng katawan na para bang lantang gulay.
Hindi makapaniwala si Mimi, hindi siya agad nakapagsalita at tanging nakatitig lang sa mga paa ng lolo. Napapikit siya na para bang may inaalala.
'Kay hirap naman maging isang hayop, wala akong mahiingan ng tulong, wala akong magawa.' Sa isip niya.
Ang kaninang kumakalam niyang sikmura ay parang hindi na niya maramdaman. Hindi na niya maramdaman ang kaninang parang may gutom na halimaw sa loob no'n. Nawalan siya ng gana dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Nakatitig lang siya sa ulo ng isda na dinadapuan na nang maliliit na langaw.
Pilit siyang ngumiti kahit ang totoo'y kanina pa nangingilid ang luha niya na gustung-gusto ng kumawala.
"Lo, kain ka na,'' sabi niya.
"Mamaya na apo, magpapahinga lang ako saglit.'' Nanghihinang sabi ng pusa. Tumanhgo lang si Mimi at sa tapat ng kanyang lolo siya ay humiga.
⚫
Lumipas ang dalawang araw na si Mimi ang kumukuha ng makakain nila. Halos umuwi siya ng sugatan dahil sa pakikipag-away kay Larry. Natuyo na rin sa kanyang balahibo ang mga dugong galing sa kanyang mga sugat at napunit na rin ang dulo ng kanyang tainga. Hanggang sa ang mga araw ay naging dalawang linggo, nakikipagsabayan na si Mimi sa tuwing makakaengkwentro ang malaking pusa. Nar'yan siya't nagpapakita na ng pangil, ipapamalas ang mga nagsisitulisang mga kuko at mga matang nag-aappoy ng determinasyon para makaraos sa gutom. Umuwi man siyang sugatan ay hindi niya alintana kahit pa naubos na ang buhok sa bandang buntot niya. Ang balat na lang ang nakikita ro'n na may tatlong guhit pa ng kalmot.
Muli niyang ibinaba ang tangan niyang karne sa tapat ng nakahigang pusa.
"Lolo, kain na tayo.'' Nilapitan niya ang pusa at tsaka niya ikinuskos ang ulo sa ulo nito. Natigulan soya nang para bang may maamoy. Gumalaw ang dalawang butas ng ilong niya at patuloy na inamoy ang lolo. Sa bandang tiyan ay doon siya huminto na parang may piankikinggan.
Gumalaw pababa ang mga tainga niya. Nanginig ang dalawang paa niya sa harap dahilan para maibagsak niya ang katawan sa sahig. Tinitigan niya ang nakapikit na pusa sa bandang paa naman nito ay ang mga langaw na paikot-ikot, padapo-dapo.
"Pati ba naman ikaw ay iniwan na rin ako? Ikaw na lang ang meron ako.'' Tumungo siya tsaka isinubsob ang mukha sa leeg ng lolo. "Bakit mo ako iniwan agad, lolo?'' Pagtangis niya.
Napakalakas ng naging pagngiyaw niya, hindi maiintindihan ng mga tao ang 'meow' na itinatangis niya. Hindi nila nalalaman ang pinagdaraanan niya sa mga oras na 'yon. Muli na naman niyang naramdaman ang bigat sa kanyang dibdib na parang tinutusok ng maliliit na tinik.
Nang sumunod na araw ay hindi siya umalis sa tabi ng namayapang lolo. Para siyang nagmamasa ng arina sa ginagawang pagmasahe sa dibdib ng nito. Nakapabilog lang siya do'n at binabantayan ang katawan ng pusa, umaasa siyang baka sakali ay muli itong mabuhay. Hindi niya na rin pinapansin ang kalam ng sikmura na para bang may halimaw na nagwawala. Ang ulam na kinuha niya noon pang isang araw ay ni hindi na niya ginalaw na ngayo'y pinagpipiyestahan na rin ng langaw at langgam.
"Lolo, ang huling sinabi mo sa 'kin ay maging matatag ako, pero paano? Ikaw na lang ang itinuturing kong pamilya at gano'n ka rin sa 'kin.'' Itinungo niya ang ulo at pumikit.
⚫
Pumasok uli sa kanyang isipan ang mga alaala noong araw na nagpapalaboy siya sa kalsada. Lagi siyang humihinto sa mga pinto ng bahay para manlimos ng pagkain, ang ibang tao kapag narinig na ang munti niyang pagngiyaw ay binibigyan siya. Ang iba nama'y hindi siya pinapansin at sinisipa pa palayo.
Lagi siyang nagtatago noon dahil sa mga malalaking pusang sinsaktan siya. Nar'yan ang mga malalaking paa ng mga pusang tumatapak sa ulo niya, kinakagat siya sa iba't ibang parte ng katawan niya kaya hindi siya makakain kahit mga tira.
Dumaan ang mga araw na tanging pagngiyaw lang ang ginawa niya maswerte na siyang makainom ng tubig sa tuwing umuulan. Lumaki siya nang mapayat at kulang sa nutrisyon, nakaraos siya sa kalsada kahit walang laman ang tiyan. Hindi na siya lumapit sa mga tao dahil sa isip niya'y baka sasaktan siya.
Hanggang sa isang araw nang may mga pusang pinapaikutan siya, dumating ang kanyang lolo dahil sa malaking pusa na may kakaibang haba ng pangil ay tumiklop ang ibang pusa't nagsitakbuhan. Nakadapa lang si Mimi noon nang lapitan siya ng lolo. Inamoy niya si Mimi pagkatapos ay ikinuskos ang ulo. Nagningning ang mga mata ni Mimi noon dahil nakatagpo siya ng masasandalan.
Naikwento ng kanyang lolo na ang anak niyag kuting ay nasagasaan ng malaking sasakyan kaya nag-iisa na lang din siyang palaboy sa kalsada ng higit sa dalawang buwan. Simula noon ay palagi na silang magksama sa paghahanap ng pagkain, magkasama sa restaurant na may mabait na tagaluto. Doon din ay muling binuksan ni Mimi ang puso sa tao.
Pero ngayon ay mag-iiba na uli ang kanyang buhay. Sa ikalawang pagkakataon ay nawalan siya ng mahal sa buhay.
⚫
"Hello?'' Isang babaeng nakasuot nang itim na tshirt ang nakatayo sa tapat ng eskinta kung nasaan si Mimi. Isa siyang residente sa malaking condominium.
Pipikit-pikit si Mini habang nakatingin sa nakatalikod na babae. Hindi niya talaga iniiwan ang katawan ng lolong matagal nang pumanaw. Naaagnas na run ibabang bahagi ng katawan nito pero hindi niya alintana ang mga insektong nakapaligid do'n. Nakabilog lang siya sa tabi nito at hindi humihinto sa pagmamasa ng dibdib.
Nang bandang tanghali ay naalerto si Mimi, may apat na katao kasing nakaputing face mask at gloves ang sumusungad sa may eskinita. Nagulat siya't tumayo, nagtago siya sa ilalim ng mga kahon at minatyagan ang gagawin ng mga taong 'yon.
Lumuhod sila sa tapat ng katawan ng kanyang lolo. Kumuha sila ng kulay itim na kumot pagkatapos ay ibinalot ang patay na pusa. Nanlaki ang mga mata ni Mimi at nagsimula siyang magngingiyaw.
"Saan niyo dadahin ang lolo ko?!'' Ang ibig sabihin ng 'meow' na naririnig ng mga tao.
Sinubukan siyang lapitan ng mga 'yon pero mas lalo siyang nagsumiksik sa mga kahon do'n pagkatapos ay tinalon niya ang bakod papunta sa bakanteng lote.
Nang gabi ring 'yon ay bumalik siya sa eskinitang pinaglalagian. Huminto siya sandali at paa bang may pinoproseso ang utak.
"Lolo'' sabi niya.
Wala na ang katawan ng namayapang pusa ro'n kundi isang malaking kulungan ang tumambad sa kanya. Nakabukas 'yon at may pagkain sa loob. Inamoy muna niya ang pwesto kung saan nakahiga noon ang kanyang lolo.
Ang hindi niya alam ay sa isang kwarto sa taas ng condominium ay pinapanood ng mga taga rescue ang bawat galaw niya.
Samantala, nakaupo lang si Mimi sa tapat ng kulungan. Hindi niya maintindihan kung ano ang gamit ng bagay na 'yon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nila kinuha ang kanyang lolo. Mayamaya ay naramdaman uli niya ang matinding pagkalam ng sikmura. Matagal na niya 'yong iniinda hindi naman siya makakain dahil wala siyang gana pero ngayon...
Tumayo siya at dahan-dahang pumasok sa kulungan. Dumiretso siya sa lagayan ng pagkain at sinimulan ang pagngasab. Isang malakas na tunog ang nilikha ng pagsara ng kulungan para magulat si Mimi. Halos mapatalon siya sa ingay no'n na parang may sumabog na paputok.
"Meow!'' Isang malakasang pangngiyaw ang narinig ng mga rescuer na ang ibig sabihin ay 'palabasun niyo ako.' Halos magwala siya sa loob ng kulungan paa makalabas. Kinakalmot kalmot niya ang malarehas na kulungan pero wala siyang nagawa.
Tumakbo agad ang mga rescuer sa eskinita. Tinakluban siya ng kulay itim din na kumot tsaka binuhat nila 'yon papasok sa puting van. Walang tigil ang pagngiyaw ni Mimi na halos mapaos na ang boses, lalakas kasi at hihina pagkatapos ay hihinto. Pumikit na lamang siya at naghintay ng mangyayari.
Napakaliwanag na ilaw ang bumungad sa kanya nang tanggalin ang taklob na kumot. Muli siyang nangngingiyaw do'n na ang ibig sabihin ay 'pakawalan niyo na ako, naghihintay ang lolo sa 'kin.'
Binalot siya ng kumot ng babaeng nakasuot ng lab gown. May stethoscope na nakasabit sa leeg nito, nakaface mask din siya at nakasuot ng gloves. Binuhat siya nito papunta sa lababo tsaka pinaliguan. Hundi naaumimik pa si Mimi nang maramdaman ang maligamgam na tubig sa katawan. Aririnig niya ang sinasabi ng beterenaryong nagpapaligo sa kanya na kailangan niyang malinisan dahil nakakapit sa katawan niya ang mga mikrobyong galing sa namatay na pusa. Marami pang mga test ang gagawin sa kanya para makasigurong ligtas siya.
Nang matapos siyang paliguan at patuyuin ay nanatili siyang nakabilog sa malinis na kumot. Malungkot ang mga mata niya, gumagalaw man ang mga tainga para makinig sa mga naro'n ay hindi naman niya naiintindihan ang mga ginagawa ng mga tao sa paligid niya.
Mayamaya ay binuhat siya ng isang babaeng may teddy bear design ang ternong uniporme, nakagloves din siya at mask. Hinahaplos-haplos din niya ang ulo ni Mimi na pumipikit-pikit pa. Nang makalapit sa beterenariyo ay inilapit sa kanya ang itim na kumot na ipinambalot sa kanyang namatay na lolo.
"'Wag ka na mag-alala, nasa maayos na siya ngayon. Huling beses mo na para makapagpaalam sa kanya,'' sabi ng doktora pagkatapos ay ipinaamoy kay Mimi ang kumot.
Gumalaw naman ang ilong noya ma para bang nakikilala ang amoy na naiwan sa kumot.
'Lolo, naaamoy kita sa kumot na 'yan. Huling beses na magpapalam ako sa'yo, maraming salamat sa magagandang bagay na ginawa mo sa 'kin. Hindi kita makakalimutan kailanman.''
Maraming pagngiyaw ang naibulalas niya sa mga sandali ring 'yon.
⚫
Makalipas ang ilang linggo ay naging mabuti na rin si Mimi, tumaba siya ng kaunti, naging maganang kumain, naging masigla rin siyang maglaro at nakikihalubilo na rin sa mga tao.
'Mayamaya ay darating na ang mag-aalaga muna sa 'kin sana ay mabait siya.' Sa isip niya.
"Good morning! I'm Daneesa, 'yong magfofoster po sa pusa.'' Pagbati ng isang babaeng pumasok sa clinic. Bitbit niya ang isang kulay pink na cat carrier.
Kinuha na si Mimi ng doktora at ipinakita sa babae.
"Ang cute.'' Nanggigil pang sabi niya. Tinitigan lang siya ni Mimi sa mata na tila kinikilatis.
"Ikaw na si Rebeka ngayon, aalagaan kita ng mabuti promise.'' Hinalikan niya pa ang ulo ni Mimi.
"Meow.'' Tugon naman niya na ang ibig sabihin ay 'salamat.'
Tinanggap ni Mimi si Daneesa bilang tagapag-alaga niya. Mayro'n siyang nakita sa babae na hindi niya maipaliwanag kaya hindi na siya nagatubili pang sumama.
⚫⚫⚫
END
Votes and comments are highly apprecited. Thank you!