Pakiramdam ni Keith ay lumulutang siya sa mga ulap habang lumalakad palabas ng gusali ng RnJ. Dalawang araw pa ang inabot ng pagre-resign niya ganoon din ang pagkuha ng clearance. Ngunit, sulit naman ang kanyang pagtitiyaga. Ngayon ay masasabi niyang wala nang nakatali sa kanyang mga kamay. Malaya na siyang gawin ang bagay na pinakananais at ito’y ang ipagpatuloy ang matamis na relasyon kay Irish. Iyon nga lang, nakakapanghinayang din dahil hindi na siya maaaring maging Hunk agent katulad ni Gabe. Kung magkagayon ay magkakaroon siya ng pagkakataong maging stockholder sa RnJ na siyang makakatulong rin sa kanyang kompanya. Gayunman, ayaw din naman niyang umasa sa ahensyang ito sa aspetong pinansyal. Hangga’t maaari ay nais niya magmula ngayon ay sa sariling sikap magmumula ang tagumpay ng

