Bahagyang kumikirot pa ang ulo ni Irish nang siya’y magising sa hindi pamilyar na silid. Lubhang maganda man ito at maaliwalas ngunit pakirmdam niyang nasasakal siya rito. “Where am I?” Kahit nahihilo pa ay tumayo siya at tumakbo sa silyadong salamin. Tanaw niya roon ang iba pang matatayog na gusali. Sa ibaba naman ay mga sasakyan na kasinlaki lang ng mga langgam. “Gising ka na pala…” Napalundag siya sa pagkagulat nang magsalita si Keith. Nakasandal ang binata sa may pintuan ng washroom. Napayakap si Irish sa sarili habang sa kaniyang isipan ay kung anu-ano na ang tumatakbo. “A-anong ginawa mo sa ‘kin?” “Bakit? Ano ba’ng gusto mong gawin ko sa ‘yo?” usisa ni Keith at lumapit kay Irish. Batid niyang ilag pa ang dalaga sa kanya na parang pusang ligaw. Kaya hinawakan niya ito at pinaup

