Puno ng pagkamangha ang ekspresyon ni Keith habang pinagmamasdan si Irish na karga si Baby Katie. Sabagay ay lagi naman siyang humahanga sa tuwing nakikita ang dalaga. Nakasuot man ito ng casual dress, long gown, o kahit hubad pa, hindi niya maikakaila na ito ang paboritong niyang tanawin. Ngunit sa lahat ng iyon, wala na yatang hihigit pa sa napakagandang itsura nito habang nagpapa-breastfeed… sa kanyang anak. Noong una’y hindi makapaniwala si Keith na may baby sila at kambal pa. Kahit no’ng bumibyahe nga sila pabalik sa tahanan ni Irish ay tulala pa rin siya. Hindi niya akalaing noong unang beses silang magsiping ay nakabuo kaagad sila. Gayunpaman, walang pagsidlan ng kaligayahan ang kanyang puso. Hindi niya akalain na ang pagpunta niya sa New York ay ang pagkakaroon din niya ng pamil

