Magkahawak-kamay sina Irish at Keith nang bumaba sa sala. Pagkakita pa lang sa kanila ni Ginang Luz ay awtomatiko itong ngumiti. Sinalubong nito si Keith at niyakap. Hindi pa kasi sila nagkausap kanina dahil dumiretso ang binata sa silid ng kambal. “I’m so happy to see you again, hijo,” ani Ginang Luz. Tinatapik-tapik pa niya ang kamay ni Keith matapos yakapin. “I thought this day would never come.” “Ako rin po, Mommy. Natutuwa akong makita kayo na malakas ulit,” nakangiting tugon ni Keith nang sabay-sabay silang umupo sa sofa. Magkatabi sina Irish at Keith, samantalang nasa harap nila si Ginang Luz at Sugar. Matamlay na nagbuntong-hininga si Ginang Luz. Nakatingin pa rin siya kay Keith. “Kumusta na pala ang mga magulang mo? Sigurado akong malaki ang tampo nila sa amin ni Irish. Hindi

