Pabalik-balik sa sala si Horacio habang hinahagod ang buhok. “Apat na araw na nating hindi makausap ang anak mo, Imelda. Hindi ka ba nag-aalala na baka kung ano na ang nangyari sa kanya?” Habang siya’y tuliro, si Imelda ay kampante lang na nakaupo sa sofa, umiinom ng paborito niyang tsaa. “Will you please calm down, Horacio? Bakit hindi mo na lang ako saluhan dito para kumalma ka naman,” aniya at muling humigop ng green tea. Huminto si Horacio. Kinuha niya ang tasang inabot ng kanyang asawa at kahit umuusok pa ito’y mabilis na hinigop. Pagkalapag ay muli siyang nagparoo’t parito. “Makakalma lang ako kapag nakatungtong na sa pamamahay na ito si Keith!” “Looking for me?” Mabilis na kumiling sa pinto ng sala sina Horacio at Imelda, kapwa din napaawang ang mga bibig sa labis na pagkagulat

