Dalawang araw ang nakaraan... Katulad ng napagkasunduan ay minabuti nina Keith at Irish na gawing pribado ang kasal. Civil wedding ito at ang kanilang mga pamilya lang ang dumalo. Hindi man ito kasing-engrande ng nakaraan nilang plano, ang mahalaga ay maging legal na agad ang kanilang pagsasama. Kaya mula sa pagiging husband for hire, si Keith ay ganap na ngayong asawa ni Irish. Ngunit kahit mag-asawa na'y may plano pa silang magpakasal sa simbahan ilang buwan mula ngayon. Sa araw na iyon, saka sila magbabakasyon ni Irish upang matupad ang kanilang dream honeymoon. Ang apartment na naging tahanan ni Keith sa loob ng maraming taon ay ganap na niyang linisan. Kasama ang kanyang asawa at mga anak ay masaya silang lumipat sa malaking bahay doon sa exclusive subdivision sa Parañaque. "

