Natutukso man na magpaharurot papunta sa bahay ng kanyang mga magulang, minabuti na lang ni Keith na dumiretso sa opisina. Oo’t uhaw siya sa anumang impormasyong may kinalaman kay Irish o kahit sa mga kaanak nito. Ngunit hindi niya puwedeng ipagpaliban ang trabaho para lamang dito. Paano niya uunahin ang isang bagay o isang tao na hindi naman siya pinapahalagan sa umpisa pa lang? Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan. Padabog na umupo si Keith sa kanyang pwesto. Sapo niya ang kanyang sentido nang mahawakan ang ilang dokumento sa ibabaw ng mesa. Ano nga naman ang bago? Hindi naman nawawalan ng papeles ang kanyang mesa. Mabuti nga’t hindi siya natatambakan ng pirmahan dahil nire-review niya kaagad. Nagbuntong-hininga siya nang damputin ang isa sa mga ito na may logo ng JL Scott Enterprise na

